Chapter 14:Punishment

193 5 0
                                    

'

Matthew's P.O.V:

''Ma'am. Ako na po dyan. Kagagalitan po kami ni Ser Huward pag nakita kayong ginagawa yan.''

''Dont worry, Manang. Sagot ko kayo.''

Kararating ko lang ng bahay nang marinig ko ang boses ng katulong sa kusina at boses ni Hana nang mapadaan ako roon. Tumawag muna ako sa bahay kung naroon si Hana at nang sabihin ni Manang na naroon na ang mag-ina ko mabilis kong tinapos ang trabaho ko.

''Ma'am naman.... Iba po magalit si Ser Huward.''

Humakbang ako patungong kusina at nakita ko si Hana na nagluluto habang nasa tabi nito ang ntatarantang katulong.

''Manang. Keri ko na toh. Pagluluto po ang passion ko. At gusto kong ipagluto ang mag-ama ko.''

'Mag-ama... Hindi ko alam na masarap yun sa pandinig ko lalo na at galing sa mga labi ni Hana.'

''Pero Ma'am--''

''Hayaan niyo na siya, Manang.'' Sumingit na ako sa pag-uusap nila. Napabaling ang tingin nila sakin.

Hana's P.O.V:

Kanina pa ako nakukulitan kay Manang. Pinipilit kasi nitong huwag na akong magluto sa kusina.

Heller! Pagluluto ata ang hilig ko.

''Hayaan niyo na siya, Manang.'' Napabaling ang tingin ko sa boses nay un. Si Matthew! ''Sige na Manang. Iwan niyo muna kami.''

Binalik ko ulit ang tingin sa pagluluto at umaktong wala siya roon nang iwan kami ni Manang.

''Hana... Mag-usap tayo.'' Panimula niya.

''Nag-uusap na tayo.'' Sagot ko ngunit ni hindi ko siya tinignan.

He gasped. ''Yung nakita mo kanina. Its nothing.''

Sinalubong ko ang tingin niya at nag-angat ng isang kilay. ''Yung ano? Ah! Yung pakikipaghalikan mo sa KABET mo.''

Hindi ko na alintana na nag-aastang asawa na niya ako. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang may sumilay na ngiti sa labi nito. AGH! Iniisip ba niyang nagseselos ako? GHAD! Over my dead and sexy body!

''Cupcake... Hindi ko siya kabet. At----''

''Ow no, Matthew. Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung halikan mo lahat ng babae!''

Napailing siya bago mas lumawak ang ngisi. '' Aha?'' Nangiinis na sagot niya.

''Umalis ka nga rito!'' Tinulak ko siya at pinagpatuloy ang pagluluto.

''Owkay! So what are you doing there?'' Nag-angat ulit ako ng tingin sa kanya.

''Huh? Ah-Eh... Syempre para----'' Di na ako natapos nang ilabas niya ang pamilyar na box. Ang box ng dinala kong cake sa kanya.

''Apology accepted.'' Wow ha! Ako pa ang lumalabas na may kasalanan.

''Ano yan?'' Nag-maang-maangan ako. Tinalikuran ko ulit siya para patayin ang kalan.

''Positive! Nagseselos ka nga!'' Napabaling ako sa kanya at napacrossed arm.

''Nagseselos?! Ghaad! Bakit naman ako magseselos?! Dahil sa nakita kong pakikipaghalikan mo. FYI wala lang saken ang nakita ko.'' Okay! Sa tingin ko defensive masyado ang boses ko.

''Alright. Nagtatampo na lang.'' Patuloy na pang aasar niya.

''Eh! Mas lalong hindi. Asa!'' Naiinis na ako.'' Manang, kayo na po ang maghanda. Nawalan na ako ng gana.'' Tawag ko sa mga katulong at humakbang patungong hagdanan para puntahan si Danzel.

Sumunod ang bakulaw sakin. ''Cupcake naman... Im sorry. Kaibigan ko lang si Venice at ganun talaga yun. Laking America kasi. ''

Tumigil ako at nilingon siya. ''So laking America ka rin kaya hinahayaan mo rin siyang halikan ka?'' AGH! Jana este Hana! Filter your words!

''Well, I grow up in States and----''

''Ewan ko sayo!''

Nagpatuloy na ulit ako sa paghakbang. ''Cupcake...'' Tawag niya.

***

''Baby...'' Napalingon sakin ang mag-ama. ''Do you want me to sleep with you tonight?''

Nagtwinkle ang mga mata ni Danzel. ''Really, Mom!? Sure! Sure!'' Napabaling ako kay Matthew. Binigyan niya ako ng warning look ngunit hindi ko yun pinansin.

'Hah! Matulog kang mag-isa, Matthew!'

''But how about Daddy, Mom? It would be nice if we'll sleep together!'' Bago pa makasagot si Matthewinunahan ko na siyang sumagot.

''We cant baby. Your bed is too small. And your daddy is too old already. He can sleep alone. He's brave enough.'' Nakangiting sagot ko kay Danzel bago binigyan ng warning look si Matthew.

'And flirt.' Dagdag ko sa isipan.

''Alright!''Masaya niyang kinain ang isinubo kong pagkain rito.

***

''Cupcake...'' Tawag sakin ni Matthew nang akmang lalabas na ako ng kwarto. Natigilan naman ako at nilingon siya. Nakaupo ito sa gilid ng kama. Nandito lang naman kasi ako sa kwarto naming para magtoothbrush at magpalit ng damit. Dala-dala ko pa ang unan ko.''

''Ano?!'' Nagtaas ako ng kilay. Hah! Hindi ako makukuha sa cupcake mo!

''Dito kana matulog.'' Humakbang siya palapit sakin at hinawakan ang mga kamay ko. Piniksi ko ang pagkakahawak niya.

''Hindi ako makukuha sa pagpapacute mo, Matthew! Goodnight and...'' Binigyan ko siya na ngiti. ''Sweetdreams...''At bago pa siya makaangal nakalabas na ako ng kwarto.

Hindi ko mapigilan ang matawa. UGH! Kainis!

my wife has an amnesiaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant