chapter 19:selos c venice the kabit

182 3 0
                                    

Hana's P.O.V:

''Argh! Kainis! Kainis! Kainis! UGH!'' Wala akong nagawa kundi pagbuntunan ng inis ang mga kawawang bato na nakharang sa daraanan ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Ang magaling ko kasing asawa, iniwan lang ako sa school kaya napilitan akong magbus kanina. Bwisit!

From: Pancake

Cant wait. Magkita na lang tayo sa buhay.

Putrages! Nababanas pa rin ako kapag naaalala ko ang text niyang yun. Halos itapon ko na ang cellphone ko kundi lang yun mahal ang pagkakabili. Tss! Pag ako talaga napahamak rito. Ipapangako ko na mumultuhin ko siya at hindi ko siya patatahimikin.

Yung pakiramdam na gusto kong ipagdasal na mapahamak ako para makonsensya ang magaling kong asawa. Pero talagang ayaw makisama sakin ng napakabait na tadhana dahil sa halip na madisgrasya ako eh inaasar at iniinis pa ata ako. Bakit?

''Mommy!'' Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Danzel. Napakunot ang nook o nang may masense akong hindi maganda sa kanya.

''Whats wrong baby?'' Tanong ko agad.

Imbes na sagutin niya ako, tumingin siya sa harapan namin at ang magaling kong asawa pala ay may palakang bisita. Linsak! Marahil ang babae ang dahilan kaya ako iniwan sa school. Hah! Ang kaaapaaal ng pagmumukha nila! Kasing kaaapal este mas makapal sa make-up ng babae.

''Hana.'' Panimula ni Matthew nang makita ako. Nasa dining area kami at kasalukuyan na silang naghahanda para kumain. ''This is Venice, a friend and Venice meet my beauful wife Hana.''

''Good evening, Hana.'' Naalala ko ang pagmumukha nito. Siya yung kahalikan ni Matthew sa office! Aba, magaling rin noh! Inuwi niya pa rito sa bahay. Napakagaling. Buwisit!

Ngumiti pa sakin ang babae eh halata namang plastic. Duh! Lalapit sana siya sakin nang yakapin ako ni Danzel sa beywang.

''Stop there, Frog! I don't want you near my Mom.'' Palihim akong napangisi sa pahayag ng anak ko. Very good anak!

''Danzel Anne! Yan ba ang tinuturo sa inyo sa school. Ang huwag respetuhin ang nakakatanda. You say sorry to your Tita Venice.'' Galit na pinagsabihin niya si Danzel.

Nagsalubong ang kilay ko. Alam kong bastos ang ginawa ni Danzel ngunit hindi ko bibigyan ng satisfaction ang babae ni Matthew at lalong ayoko na pagalitan ang anak ko sa harapan ng OUTSIDER.

''I-Im sorry.'' She sniffed bago tumakbo paakyat ng kwarto nito.

''Matthew, you don't have to scold your daughter, Its okay. Alam ko namang simula pa lang ayaw niya na sakin.'' Aba! So bait-baitan ang drama ng bruha!

''No, Venice. She must learn her lesson.'' Galit namang sagot ni Matthew bago tumingin sakin.

Ngumiti ako ng peke bago lumapit kay Matthew. ''Pancake...'' Hindi nakalagpas sakin ang paglaho ng ngiti ng mahaderang palaka. Umaabrisete pa ako sa braso ni Matthew. ''Huwag mo naman pagalitan si Danzel sa harapan ng BWISITA i mean bisita.'' Humilig pa ako para mas kanais-nais at effective.

'Hah! Pang famas ang acting skills ko! Lol!'

''Hana----''

Pinutol ko ang anumang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik sa labi.

''Okay! I hope a kiss can make you chill. Dont worry Pancake, i'll talk to our daughter.''

Ngumit ako nang walang kasing tamis bago balingan ang nagbabang tingin na si Venice. Hah! Ano ka ngayon?!

''Excuse me, Matthew.'' She said bago humakbang paalis roon.

'Plastic! Kabet! Palaka! Malandi!' Sari-saring negative adjectives ang binato ko sa kanya sa isipan. Halos patayin at kalbuhin ko nga siya siyempre sa isipan lang.

my wife has an amnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon