charter 26:Hard Decision

242 8 0
                                    


Hana's P.O.V:

''Yaya!'' Paglabas ko pa lang ng kotse, ramdam ko na ang galit at madilim niyang aura. Lumabas rin sa kotse si Brent. ''Kunin mo si Danzel!'' Sumunod naman ang Yaya sa ipinag uutos nito.

Nilingon ko si Brent. ''Sige, Brent. Salamat.'' Nakangiting saad ko. Ngunit hindi pa nakakasagot si Brent nang magsalita naman si Matthew.

''Buti naman naisip niyo pang iuwi ang anak ko, Hana. Okay lang naman sakin na magdate kayo ng lalaki mo pero sana kayo na lang.''

Galit akong napangisi. Hindi ako makapaniwalang pinalalabas niyang ako ay may iba rito.Hanep din pala ang LOYAL kong asawa!

''Huwag kang mag-alala Matthew sa susunod hindi ko na iuuwi ang anak KO. Sinuwerte nga lang dahil hindi pa ako nakapag impake kaya ito bumalik MUNA kami.''

Hah! Take that asshole! Hindi ako takot sayo!

Maya-maya lang naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkakahawak sa braso ko. Nagsalubong ang mga mata namin ngunit hindi ko mabasa ang mga mata nito. Ngunit hindi ako manhid para malamang galit na galit siya.

''Huwag kang magkakamaling gawin, Hana Nicole. You wouldn't like the consequence!''

Nanginig ako sa galit na boses niya. Gusto kong umapila.Bakit ako ang natatakot rito. Siya ang may kasalanan.

''Let go of her, Man.'' Si Brent. Nilingon siya ni Matthew. Hindi ko alam pero bigla akong natakot para kay Brent.

Sarkastikong ngumiti si Matthew bago ako bitiwan saka tinalikuran para harapin naman si Brent.

''Leave Brent out of this sh*t, Matthew!'' Sigaw ko ngunit hindi niya ko pinansin. Sinubukan ko siyang pigilan sa braso ngunit piniksi niya lamang yun.

''Mind your own business, asshole!'' Magkalapit na ang dalawang lalaki.

Natakot ako ng payak lang na natawa si Brent. Ghad, Brent! He should just leave.

''Look who's talking. Sa ating dalawa mas angkop ata sayo ang asshole!''

Napatili ako nang dumapo ang kamao ni Matthew sa panga ni Brent. Napaurong lamang si Brent at pumutok ang gilid ng labi nito.

''Matthew!'' Napahawak ako sa braso ni Matthew. Ramdam ko ang paggalawan ng mga ugat niya.

''F*ck you, Torralba! Im warning you. Hindi mo magugustuhang magalit ang isang Howard Matthew Montecarlo. Anong meron lang ba kayo at nagmamayabang ka sakin? Well for your information I can destroy you and your family in a blink of an eye.'' Natakot ako sa banta ni Matthew. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

Ngunit sa halip na matakot si Brent. Lumapit siya ulit kay Matthew at ngumisi.

''Pinatunayan mo lang sakin na isa kang dakilang ASSHOLE, Montecarlo! You're a jerk! Hana and Danzel doesn't deserves you. Akala mo ba matatakot ako sa banta mo. F*ck you dude! Pinakita mo lang sakin kung gaano ka kaduwag dahil nagtatago ka sa mga pera mo! You're pathetic and weak!'' Mas lalong lumapit si Brent kay Matthew. Sinalubong ng lalaki ang galit na mga mata ni Matthew.

''B-Brent...'' Natatakot kong saway.

''Go, dude! Kunin mo lahat ng meron ako. Pero hindi mo ako mapipigilan na kunin mula sayo sina Hana at Danzel!''

Biglang tinulak ni Matthew si Brent at sinuntok. Sa pagkakataong yun, bumagsak si Brent at pinaibabawan ito ni Matthew.

''F*ck you son of a b*tch! Im gonna kill you with my own hand!'' Sigaw ni Matthew.

Pero dir in nagpahuli si Brent dahil gumanti siya kay Matthew. Pilit niyang tinulak si Matthew at gumanti ng suntok.

''Yes! You're mad! Truth hurts, right! I was right, asshole! Wala kang kwentang ama at asawa!''

Nagpalitan lamang sila ng mga suntok. ''Stop it, you two! Stop! Matthew! Brent! Tama na!'' Hindi nila ako pinansin. Umiiyak na ako. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

Matapang ako. Alam ko sa sarili ko na matapang ako at kaya kong labanan ang mga pagsubok ng buhay. Ngunit nang makilala ko si Matthew. Natuto akong matakot, mainsecure at masaktan.

Ayokong iwan si Matthew. Ayoko siyang pakawalan pero tumatatak sakin ang mga sinabi ni Brent. Nagfla-flashback sakin ang nakaktakot na anyo ni Matthew kanina. Napapikit ako. Ang galit ni Matthew sa sinabi ni Brent. Nagmulat ulit ako at sumalubong sakin na nakaibabaw na ulit si Matthew kay Brent at paulit ulit nitong pinagsusuntok ang huli.

Napailing ako. Patuloy ang pagkalas ng mga luha ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari.

Hindi ko alam ang dapat na gawin sa ginawang kataksilan ni Matthew. Siguro nga tama si Brent. Kailangan kong lumayo kay Matthew. Kailangan ko ng space sa pagitan namin para makapag isip.

my wife has an amnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon