III

3.2K 58 31
                                    

Olivia….

Umupo ako sa pinakasulok ng silid, sa sahig mismo—palayo sa mga taong ayokong makatabi.

Katatapos lang ng meeting at opisyal ngang kasama na sa grupo sina Jared at Yosef. Kesyo kulang daw kami sa mga lalaki at kailangan namin ang mga angking galing nila sa iba’t ibang larangan sa pagkuha ng impormasyon at kung anu-ano pa. Natawa naman ako bigla. Gagamitin din pala ni teacher ang karisma ni Jared sa mga babae. Pero mas lalo akong natawa dahil kay Yosef na halos allergic yata sa mga tao. Ano ang maitutulong n’un?

Nagkunwari akong nagbabasa ng pocketbook na kakabili ko lang sa National Bookstore ‘nung isang araw Tatlo lang ang hindi p’wedeng mawala sa bag ko; pocketbook, kwaderno, at cellphone.

Tiningnan ko muna sila sa gilid ng aking mga mata habang nasa bandang mukha ko naman ang pocketbook para kunwari nagbabasa talaga. Mas maganda na ‘tong takip para walang makakahalata. Ayoko na ring makisawsaw sa mga kapwa ko manunulat sa pag-welcome sa mga bagong campus writers.

“Ang lupit mo namang magbasa,” boses ni Jared ‘yun.  Hindi ko siya tiningnan. “Ano ba ‘yang binabasa mo?”

Nilagay ko pa lalo ang pocketbook sa aking mukha habang nakapikit. Ito na naman ang puso ko, ang bilis na naman ng tibok.  Napapikit ako lalo para kontrolin ko ‘tong kakaibang pakiramdam. “W-Wala ka na d’un.”

“Grabe. Hindi ko kaya ‘yang ginagawa mo.”

Bakit  ba n’andito ‘to sa harapan ko?  Umiwas na nga ako eh. “A-Ang alin ba?”

“’Yung nagbabasa nang….. nakabaliktad.”

Bigla akong namula sa narinig. Saka ko lang nakitang nasa baba nga ‘yung tile ng chapter at ang number of pages ay nasa unahan. Ay tanga! Ilang beses ba akong matanga sa isang araw? Ramdam kong uminit lalo ang dalawa kong pisngi. Sa sobrang pahiya, inilapag ko ang pocketbook sa may sahig. “Kanya-kanyang trip lang ‘yan!” paismid kong sabi habang hindi na naman ako makatingin nang diretso sa lalaking ‘to.

Para kasing kumikinang ‘yung itim niyang mga mata na hindi ko maintindihan. Binigyan pa niya ako ng tipid na ngiti—ngiting pang-asar. Sabi ko na nga ba eh. Wala talagang magandang maidudulot ‘tong mga ‘to dito.

“Oh talaga?” naramdaman ko na lang na pinisil niya ang dulo ng aking ilong sabay tumayo na rin na para bang walang ginawa. Na-froze na naman ako at saka lang nag-blink ang aking mga mata nang mapansing naglalakad na siya papalayo sa ‘kin. Mas lalo pa yata akong namula habang pinipigilan ko ang pagpintig ng puso kong above normal na yata.

Bakit nga ba siya ganito sa ‘kin?

Para siyang switch ng ilaw. On and off.  Bipolar yata ang isang ‘yun eh. Wala akong magawa kung ‘di ang tumunganga sa pintuan. Hinatid ko pa talaga ng tingin. Minsan naiinis na lang ako sa sarili ko. Libre naman siguro ang mainis sa  tulad kong engot.

Para ‘yun lang. Parang pisil lang sa ilong ay binigyan ko na ng kahulugan.

Bakit ba ganito ang mga babae mag-isip kapag ang crush na nila ang pag-uusapan? Ang simple-simple lang naman ng mga ginagawa nila pero sobrang laki ng impact sa sarili.

Simpleng ngiti lang, nakakahyper na.

‘Yung iba, sobrang lapad pa ng ngiti kapag tinitingnan sila ng mga crush nila. Tingin lang ‘yun ha. Ano na lang kaya kung kausapin o yakapin?

MASOKISTA (✔️)Where stories live. Discover now