XXVII

1.4K 27 18
                                    

Yosef…

Ito na yata ang pinakabwisit na eksenan sa buhay ko, pero ewan ko ba. Mas lumalakas pa yata ang kabog ng baliw kong dibdib. Isang pintig ang nagbabadya ng takot at pangamba na baka mawala ang babaeng ‘to sa buhay ko kung kailan na sinisimulan ko nang tanggapin na baka sakaling nakalaan ang isang tulad niya sa ‘kin. Alam ko na hibang lang ang nag-iisip nang ganito pero gusto ko sanang maniwala ng isang himala.

Isang himala lang ang kailangan ko. Isang himalang pwedeng ituwid ang baluktot kong mundo. At si Olivia, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Siya ang dahilan kung bakit nararamdaman ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat maramdaman. Natatakot ako habang naiinis. Inis sa buhay kong patapon at inis sa pusong nagiging tanga na.

Bumalik na siya—ang taong kanyang pinakamamahal.

Hindi ako manhid. Alam ko ‘yun simula pa man.

Nakikita ko ang mga lihim na sulyap ni Olivia sa classroom namin dati noong mga panahong kasama pa namin sa klase si Jared. At mas lalo ko pa siyang napapansin nang mawala sa eskwelahan si Jared at palagi niya pa ring sinusulyapan ang upuan na ‘yun na para bang isang malaking bahagi ng kanyang mundo ang biglaang nawala. Umikot ang mundo ni Olivia sa mga simpleng tanaw sa lalaking hindi man lang siya napapansin noon. Pero kahit gan’un pa man, nananatili si Olivia na tahimik sa kanyang nararamdaman. Hindi siya tumulad sa mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking ‘to.

Siguro, noon mga panahong ‘yun, wala lang akong pakialam habang pinagmamasdan ko si Olivia sa isang madilim na sulok. Wala akong pakialam na sa tuwing nand’yan ang lalaking ‘yan at palagi siyang natotorete. Nawawala sa katinuan si Olivia sa tuwing kasama niya si Jared. ‘Yung pakiramdam na biglang tumigil ang oras sa tuwing naglalapit ang kani-kanilang mga mundo. Gan’un na gan’un si Olivia sa mga panahong hindi pa nawawala si Jared sa buhay niya.

Pero, iba na ngayon.

Ibang-iba na ngayon.           

“Bakit ang ngayon ko lang?” tanong ko habang hindi ko pa din ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay. Napako si Olivia sa gitna naming dalawa ni Jared. Isang halimaw at isang prinsipe. Kung tutuusin, ano ba ang magiging panlaban ko sa isang katulad niya?

Kainis! Para akong nanliliit sa isang iglap lang.

Si Jared ay isa sa mga respetadong mga kabataan na alam ng lahat na may malaking papel na gagampanan sa hinaharap. Isang tagapagmana ng kompanya, isang huwarang estudyante na nagrebelde lang sa pamilya, at isang lalaking tinitingala ni Olivia noon pa man, para yatang sumisikip ang dibdib ko sa pag-iisip ko.

Ngunit hindi ko inaasahang bumitiw si Olivia sa pagkakahawak ni Jared. Isang bagay na alam kong sobrang ikinagulat niya. Nakita ko ‘yun sa kanyang mga mata habang si Olivia naman ay walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Bumitiw siya at humakbang papalapit sa ‘kin nang nakangiti. Pero sa loob-loob ko, mas masaya ako kaysa sa kanya. Para kong nanalo sa isang labanan na kami lang ni Jared ang nakakaalam.

Napangiti ako habang kitang-kita ko naman ang pagseryoso ng mukha ni Jared. Alam kong hindi niya nagustuhan ang paglapit ni Olivia sa ‘kin. Bilang isang lalaki, ramdam na ramdam ko ‘yun.

“Pasensiya naman!” sigaw ni Olivia sabay kaltok sa noo ko na para bang wala lang sa kanya ang ganitong katinding eksena  sa pagitan naming tatlo, “Ang seryoso mo naman!”

Adik talaga ‘to. Kung alam lang niya, lahat kaming apat ay pare-parehong seryoso na ang mga mukha.

“May bibilhin lang kami ni Nato,” excuse ni Athea. Malamang sa malamang, ramdam din niya ang tensiyon ngayon. Bestfriend niya si Olivia kaya alam niya kung sino si Jared sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan.

MASOKISTA (✔️)Where stories live. Discover now