tmb - 1

1K 47 6
                                    

Ara's POV

After nung nangyari samin ni Mika nagdecide ako na umuwi agad dito sa Pampanga. Nagdeactivate ako ng accounts sa social media. Nagpalit din ako ng cellphone number pero maayos naman akong nagpaalam sa Lady Spikers at sa mga coaches na aalis na ako ng dorm namin. Imagine, 6 months na ang lumipas. Pero tuwing naalala ko yung nakita at narinig ko nararamdaman ko padin yung sakit sa puso ko.

Ang bilis ko naman palang palitan.

Nakatambay ako dito sa garden namin, nagpapahangin lang at nagiisip isip. Ilang linggo na kasi akong kinukulit ni Kim na sumali sa PSL. Nagsisi ako na pinaalam ko sakanya ang bago kong number dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang tawagan lang ako ng tawagan at kulitin na sumali na dahil ayaw daw siyang tantanan ni Coach Ramil. Namimiss ko nadin naman sila, yung team at sila Coach. Pero kasi hindi ko alam kung kaya ko nang harapin ang mga problemang tinakasan ko sa Maynila. Hindi ko alam kung kaya ko nang harapin si...

"Ara?" tawag ni Mama sa atensyon ko kaya napalingon ako sakanya.

"Po?

"May mga bisita ka diyan sa labas. Ayaw pang pumasok eh, labasin mo daw sila. Maghahanda lang ako ng pagkain nyo." sabi ni Mama at tuluyan ng nagpunta sa kusina.

Bisita? Wala naman akong inaasahan na bisita dito sa bahay dahil wala namang may alam na nandito ako maliban sa team at alam ko may training na sila ngayon para sa PSL. Pumunta ako sa gate para tignan kung sino ang mga bisita ko.

"ARABELS!"

"ATE A!!!"

"WAAAAAAAAFS"

"DAUGHTER F!!!"

Puro iba't ibang tawag sakin ang narinig ko. Sino pa ba ang nandito? Eh di ang buong team ng F2 Logistics a.k.a Lady Spikers before and now. Niyakap naman ako nila Ate Aby, Dawn at Kianna. Nakangiti sakin sila Kim, Majoy, Ate Cha at Didit. Namiss ko sila. Sobra. 

"Ano, dito nalang tayo? Yakapan nalang? Papasukin mo na kami sa mansyon nyo, Wafs. Pagod na pagod ako dahil ako ang pinadrive ng mga 'to." reklamo ni Kim, kaya tumatawang kumalas sa yakap ang mga teammates ko.

"Tara pasok na tayo." at dinala ko sila sa sala para doon kami magusap usap. Nakalagay nadin sa mesa ang pagkain na hinanda ni Mama kaya inalok ko nadin sila na kumain muna at mag-feel at home kasi samin ang bahay ngayong araw dahil luluwas si Mama ng Manila.

"So Daughter F, kumusta ka naman?" tanong ni Ate Aby. Kumakain sila ngayon dito sa sala, nakakamiss yung mga kwentuhang ganito. Pero pakiramdam ko, ako ang topic buong araw at ako ang ih-hot seat.

"Okay lang, Mother F." sagot ko sakanya at ngumiti ng maliit.

"Di nga, Wafs? Yung totoo? Andito naman kami para sayo eh." singit ni Kim habang ngumunguya pa ng pagkain.

"Ano ka ba naman, Kimmy. Don't talk when your mouth is full." sabi ni Didit at pinalo pa si Kim sa braso kaya napatawa kaming lahat.

"Ayan kasi, KAF. Nasaan ang manners mo? Hay." as usual, bumanat si Kianna.

"Pero Ate A, ano nga?" follow up question sakin ni Kianna, akala ko pa naman lusot na ko sa pangh-hot seat nila eh.

"Diba dapat okay naman na ako? Ang tagal nadin, anim na buwan na ang nakalipas." sagot ko sakanila ng seryoso at napayuko  nalang ako. Ayoko talaga ng ganito eh. Yung nakikita nila akong hindi okay.

"Anim na buwan na pero mahal mo padin siya, diba?" tanong ni Kim kaya napatingin ako sakanya, pati sila Ate Aby.

"Huy, Kimmang. Ano ka ba?" saway ni Ate Aby.

"Okay lang Mother F. Oo, Wafs. Mahal ko pa at hindi ko alam kung kailan titigil to." sabay turo sa puso ko. "Kahit anong gawin ko para sakanya padin tumitibok eh."

"Tinamaan nga. Pero kasi Wafs, i-consider mo yung offer ni Coach na maglaro para sa F2. Mad-distract ka don at sure na makakalimot ka kahit papaano kasi kami naman teammates mo eh." sabi ni Kim at nginitian ako. Ngiting assurance na magiging okay ako kapag bumalik ako sa Manila.

"Oo nga, Arabels. Andito naman kami para sayo. Halika nga dito, ayoko na nalulungkot tong si Miss Everything 2.0 eh." sabi ni Ate Cha na lumapit pa talaga sakin para yakapin ako ng mahigpit at ayun na nga po ano, sumali na ang iba naming kasama at nag group hug kami.

"Wafs." tawag ko kay Kim.

"Bakit, wafs?" sagot niya at tinignan ako habang nakayakap padin kami sa isa't isa.

"Tawagan mo na si Coach. Sabihin mo babalik na ako." sabi ko sakanya at ngumiti. 

"Ara Galang is back!!"

"Welcome back, Galang the Great!!"

"COME BACK IS REAL MGA BESH"

At nagtawanan na nga kami, inaya ko nadin sila na dito matulog sa bahay pero mukhang planado na ito dahil may dala silang damit good for 2 days. At sinong may pakana? Sino pa ba? Eh di si Kim A. Fajardo.

Pero ready na nga ba akong bumalik ng Manila?

Ready na ba akong makita ulit siya?


------

Author's note:

Hi! I'm baaaack. Please leave comments and vote po. Para naman ganahan ako mag-update. Hahahaha. So it-try ko na at least makapag-update ng 2 chapters sa isang araw. Pero pag wala po sana maintindihan nyo kasi may ibang ginagawa din po ako.

Thank you for reading!

Vote. Comment.

twitter: pakwanlifetime

text me backWhere stories live. Discover now