tmb - 7

990 49 12
                                    

Mika's POV

"Coach Ramil...." yan lang ang nasabi ko dahil nagulat akong siya ang naghahanap sakin. Hindi naman sya mukhang galit at nakangiti pa ito. Pero bakit nya ko gustong makausap? Alam nya yung tungkol samin ni Ara?

"Mika, hindi ako galit sayo pero gusto lang sana kita makausap saglit. Tungkol kay Ara." sabi nya kaya tumango ako at nagpunta kami sa hindi masyadong matao na lugar sa arena.

"Hindi naman ako unaware na may namagitan sainyo ng anak ko. At ikaw ang dahilan ng biglaan nyang pag-lielow sa volleyball. Gusto ko malaman, ano ba ang nangyari? Hindi si Ara ang una kong tinanong kasi hindi ko ugali na maging biased dahil nakita ko naman na mas nasasaktan sya." sabi ni Coach Ramil at ako hindi padin makapaniwala na kay Coach ko pa to unang ikkwento pero baka matulungan nya ako at si Ara. Kaya ikkwento ko na.....

Habang nagkkwento ako ay nakikinig lang sakin si Coach, halatang iniintindi nya yung mga sinasabi ko at paminsan minsan nagr-react sya. Napailing sya nung nandon na ako sa part ng after graduation party ko kung saan nakita ni Ara na magkayakap kami ni Jerome. (a/n: sa mga di alam tong part na to, basahin nyo po muna yung book 1. thank you.)

"So yun po talaga yung nangyari, Coach. Sorry po nasaktan ko si Ara hindi ko po yun sinasadya, hindi ko po gusto na saktan sya sa kahit anong paraan." sabi ko at tumungo. Nakakahiya dahil sa mata ng lahat ako yung nanakit kay Ara pero hindi naman kasi ganun yun.

"Alam ko, Mika. At naiintindihan ko. Gaya mo, ayaw ko din na nakikitang ganon ang anak ko. Nakita naman natin ang performance nya kanina diba? Wala sya sa focus at nakatingin lang palagi sayo." paliwanag ni Coach

"Sorry po, Coach Ramil." yan nalang ang pwede kong masabi kasi kasalanan ko naman talaga kung bakit ganun si Ara.

"Mika, gusto mo bang tulungan kita makausap si Ara?" napatingin ako kay Coach dahil sa sinabi nya.

"Paano po?" tanong ko.

At nakita ko nanaman ang dimples ni Coach.

Kim's POV

Nandito kami ngayon ni Ate Aby, Ate Cha, Kianna at Didit sa Jollibee, im-meet daw namin dito si Coach Ramil. Nagulat nga ako nung malaman ko na si Coach may pakana nung OPLAN: Make Our Ara Galang Happy eh. Pero ganun naman talaga si Coach maalaga samin and very tatay figure talaga sya.

Hindi alam ni Ara na may ganitong pakulo kaya si Dawn, Majoy, Aduke at iba pang teammates namin ang nagd-distract sakanya sa dorm. Hindi rin naman sya umaalis at madalas nasa kwarto lang. Apektado padin sya.

"Ate, hindi ba sinabi sainyo ni Coach yung plano nya?" tanong ni Kianna kela Ate Aby at Ate Cha.

"Wala, Kianna eh. Sabi niya lang sabihin sainyo na may plan for Arabells." sagot ni Ate Cha.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Coach Ramil pero bakit kasama nya si Mika? Nagkatinginan kaming lima dahil clueless kaming lahat.

"Alam ko na nagtataka kayo kung bakit kasama ko si Mika." panimula ni Coach, lahat kami tumango at tila naguguluhan padin kung bakit sya andito. "Alam ko yung tungkol sakanila ni Ara, pati yung nangyari sakanila. Kayo din siguro alam nyo na....pero yung side lang ni Ara. Eh si Mika? Tinanong nyo ba?" tanong samin ni Coach at sabay sabay kaming umiling.

Medyo awkward dito sa table pero hindi naman sa point na galit kami sakanya o ano. Sa totoo lang, kalmado kaming lahat kasi nakikita namin si Coach na kalmado lang din at si Mika hindi parin nagsasalita nakatungo lang sya.

"After natin matalo sa Petron at nagpunta kayo sa dug out. Sinadya ko si Mika sa dug out ng Petron. Kinausap ko sya at inalam ko ang totoong nangyari sakanila ni Ara. Kaya gusto ko sana marinig nyo yung side nya, na hindi narinig ni Ara." sabi ni Coach kaya kaming lahat tumingin kay Mika para pakinggan ang sasabihin nya. Napaisip ako bigla, oo nga. Wala man lang nagtanong kay Mika kung ano ang talagang nangyari. And, I feel bad kasi naging close nadin ako sakanya.

text me backWhere stories live. Discover now