tmb - 3

830 43 6
                                    

Ara's POV

From: Kim

Wafs nandito na ako sa baba.

Kinuha ko na yung susi ng kotse at gym bag ko na may laman ng mga jerseys ng F2 for PSL. May shoot daw kami ngayon sa isang studio para sa introduction for PSL and sa mga interviews per team, alam ko lahat ng team ngayon ang shoot, may respective schedules lang. 2 days ago pa ako nandito sa Manila ulit, pagkasabi ko kela Mama ng desisyon kong bumalik sa volleyball eh natuwa sila at mas excited pa nga sakin. Dito ako nags-stay sa condo ko, pwede naman akong bumalik sa dorm ng Lady Spikers pero mas gusto ko kasi muna na magisa para maging independent din ako. Pagkababa ko ng lobby andun na si Kim at busy sa cellphone ni hindi ako napansin eh.

"Huy Wafs!" pagtawag ko sa atensyon nya. Nagulat naman sya ng bahagya at napatingin sakin bago tinago yung phone nya.

"Ay, andyan ka na pala. Tara na, otw na daw don sila Didit." sabi ni Kim at kinuha na ang bag nya. Naglakad kami papunta sa parking dahil kung hindi pa obvious, sasabay sya sakin para daw iwas gastos.

"Ikaw ha. Si Didit pala katext mo. KimCy, KimCy!" pangaasar ko sakanya at nang makarating kami sa kotse ko ay sumakay na kami agad dahil mal-late na kami.

"KimCy ka dyan, alam mo namang binasted na ako ni Cyd para sa pangarap nya diba? Okay na kaming friends." sagot ni Kim

"Ulol, kayo? Friends? Sinong niloko nyo? Ikaw naman kasi, sinukuan mo agad di mo man lang pinaglaban." sabi ko kay Kim at nagsimula ng magdrive.

"It takes two to tango, Wafs. Paano mo ipaglalaban ang isang taong hindi kayang lumaban? Mahirap kapag ikaw lang magisa. Ang relasyon para sa dalawang tao." sagot ni Kim ng seryoso kaya hindi na ko umimik. May naalala din kasi ako. Binuksan ko nalang ang radyo para naman nalilibang ako habang nagddrive.

"Oo nga pala, Wafs. May nakilala ako sa tinder na app..." hindi natuloy ni Kim yung sinasabi nya dahil nagreact agad ako.

"NAGT-TINDER KA? BRO, ANG DESPERADO! HAHAHAHAHAHAHA." tawang tawa ako pucha. Si Kim papatol sa tinder? Tangina.

"GAGO. Natripan ko lang kasi tapos may nakausap ako. Nasa US sya ngayon pero next week uuwi daw sya ng Pinas, niyaya ako makipagmeet. Tin yung pangalan nya." sagot ni Kim habang ako natatawa padin. Tinder talaga ha. Sumbong kita kay Didit eh.

Kakapark ko lang dito sa 5th floor at bumaba na kami ni Kim, busy padin sya sa phone nya dahil kausap siguro si TINder Girl (witty ko, tawa kayo) ako naman nakasunod lang sakanya pero may nakalimutan ako sa kotse kaya bumalik ako. Hihintayin nalang daw ako ni Kim sa elevator. 

Pabalik na ako kung saan ko iniwan si Kim ng may nakita akong pamilya na mukha. Nakasuot sya ng Petron na tshirt.

"Bang! Uy!" sigaw ko para marinig nya ako.

"VIC!!! LONG TIME NO SEE." tumakbo sya palapit sakin at naghug kami. Walang malisya ha.

"Ano, kumusta ka na? Kalaban ka pala ng team namin ha." sabi ko sakanya kaya napatawa naman sya.

"Oo nga eh. Nagulat akong bumalik ka na pala sa pagv-volleyball. Nako, pagaaralan kong mabuti mga spikes mo para alam ko kung saan ppwesto." pagbabanta ni Bang

"Hahahaha! Kung masasalo mo, lilituhin ko depensa mo no!" pangaasar ko naman sakanya.

"Tignan natin. Oo nga pala, Vic. Kateam ko sa Petron si---" bago pa matuloy yung sasabihin ni Bang nagring yung cellphone ko. Tumatawag si Kim, shit oo nga pala. Nagsensyas ako na sasagutin ko muna.

"Hello, Wafs....Oo papunta na...Sorry nagusap lang kami saglit ni Bang....Hahahaha gago. Sige na sige na pupunta na ako.....Bye." binaba ko na ang tawag at humarap ulit kay Bang para magpaalam.

"Bang, I have to go. See you sa games!" sabi ko at tumakbo na hindi ko na sya hinintay makasagot dahil late na kami talaga ni Kim. 

"Ang tagal mo!" reklamo sakin ni Kim.

"Sorry naman! Palusot nalang tayo kela Ate Aby mamaya." sagot ko at sumakay na kami sa elevator.



Mika's POV

Inaantok pa talaga ako. Kanina pa ako nandito sa shoot for PSL dahil morning nakasched ang Team Petron for the shoot and some interviews. Maaga akong nandito kasi kailangan pa kaming ayusan at pinadala din samin yung mga uniforms ng Petron kaya wala kaming ginawa kundi magpalit, retouch, picture, repeat. Late ako nakatulog kagabi kaya ito, medyo zombie mode dahil sa antok. Sabi naman nila 2 shots nalang tapos pack up na kami.

"Grabe, Mika. Puyat ka ba talaga? Ang fresh mo pading tignan eh." biro sakin ni Remy.

"Heh. Wala talaga akong maayos na tulog. Ang aga pa natin." sagot ko naman sakanya

"Wala bang susunod sayo, Miks? Yung artistang gwapo, ano nga ulit pangalan non? Jerome diba?" patuloy na pangaasar ni Remy kaya natatawa mga teammates namin. Napatingin naman ako kay Bang na nakatingin lang samin at nakikinig. Ngumiti sya sakin, at nginitian ko sya. Hay, ang awkward talaga.

"Ewan ko sayo, Palma. Pag ako talaga nasa mood na, lagot ka sakin eh. Bully masyado." sagot ko sabay irap. Tinawanan nya lang ako at itinuloy na namin ang shoot. Konti nalang matatapos na. Konting tiis, Mika. Makakatulog ka na ulit.


TAPOS NA. WOOOOOOOOOOOOOOOOOH. Hindi ko na masyadong inayos ng sobrang maayos yung mga gamit ko dahil inaantok na talaga ako, mamaya nalang pagkauwi ko sa bahay. Nang macheck ko kung wala na ba akong nakalimutan ay nagpaalam na ako sakanilang lahat. Bahala na kung ako man mauuna, alam naman nilang antok na ako eh.

Dumiretso na ako sa may elevator para maghintay dito sa 8th floor. Ang tagal ha. Nakapark yung kotse ko sa 4th floor, nagdala ako ng sariling kotse kasi ayaw ko ng nagpapahatid at sundo kay Jerome dahil nai-issue lang kami at gusto ko ng tahimik na buhay. Bumukas na yung elevator kaya sumakay na agad ako at pinindot ang 5th floor.

Nakasandal lang ako sa gilid ng marealize ko na bakit 5th floor pinindot ko? Eh nasa 4th floor yung kotse ko? Hay. Inaantok at bangag na talaga ako. Bumukas yung elevator ng 5th floor, pipindutin ko na sana yung close ng may marinig akong pamilyar na boses.

  "Sorry naman! Palusot nalang tayo kela Ate Aby mamaya." teka, kaboses ni Ara yun ah? Lumabas ako ng elevator at nagtingin tingin sa paligid. Nakita ko namang walang tao at sarado ang kabilang elevator. Guni guni ko lang siguro yun. Pati ba naman dito naaalala ko padin si Ara? Malala na ata ako. Imposible namang nandito sya dahil hindi na nga sya nagpakita at hindi na macontact. Sumakay na ulit ako ng elevator at sinigurado kong 4th floor ang napindot ko.

Kailangan ko ng itulog to dahil kung anu ano na nai-imagine ko.


---

Vote. Comment. 

text me backWhere stories live. Discover now