tmb - 11

793 38 2
                                    

Ara's POV

PSL All-Filipino Conference is finally over. Hindi namin na-defend yung crown. Yes, nanalo ang Team Petron in 2 games. Hindi naman sobrang sama ng loob ko dahil part of the game talaga ang natatalo, masaya ako para sakanila kasi kasama si Mika sa team na yon. I'm happy when she's happy, alam ko namang sobrang effort ang in-exert nya nung Game 1 and Game 2 eh.

And, kahit natalo kami ako padin pinakamasaya. Ikaw ba naman makatanggap ng madaming kiss dahil naka-20 points ka last game. Okay na sakin matalo basta may kiss. Hahaha! Harot mo, Victonara. Pero back to the present...

Kasama ko ngayon si Kim. Biglang nagyaya nga to na umalis, bumalik na kasi ako sa condo kahapon at nagulat nalang ako na kanina biglang pumunta. Problemado to, panigurado. Hindi naman to mahilig umalis ng dorm maliban nalang kung kailangan talaga eh. Nagtext nalang ako kay Mika na aalis ako, nage-enjoy pa yun panigurado dahil may reward sakanila ang Petron.

"Kim, kanina ka pa tahimik." pagpansin ko dito sa katabi ko. Simula ng sumakay kami sa kotse ko, hindi na umimik at ang lalim ng iniisip.

"Hinalikan nya ako, Ara." sabi nya pero di naman ako tinignan.

"Ni Cyd?" tanong ko.

"Ni Tin. Nagkita kasi kami kahapon, niyaya nya ako na magcatch up dahil naging busy nga tayo sa trainings diba? Sinabi din nya sakin na gusto na nya ako, hindi ako nakasagot kasi bigla nalang nya akong hinila at hinalikan." pagkkwento ni Kim, kahit nagmamaneho ako at nakafocus sa daan nag-make sure ako na makikinig sa kwento nya. At alam ko na kung anong problema.

"Naisip mo si Cyd." sabi ko at naramdaman kong napatingin sakin si Kim. Sabi na eh.

"Paano mo nalaman?" nagtataka nyang tanong at parang di pa makapaniwala. Sus, ako pa ba?

"Bestfriend kita eh. Ano ka ba, Kim. Tsaka, sa lahat ng hinalikan ikaw yung mukhang namatayan. Lucky guess lang, nung hinalikan ka ni Tin si Cyd yung pumasok sa utak mo." pagtatapos ko ng statement ko at confident pa. Tama ako eh! Galing ko talaga.

"Alam mo ikaw, Wafs. Nakakatakot ka. Ganyan ba kapag in love? Gumagaling magbasa ng tao?" natatawang tanong ni Kim

"Sira! Kilala kasi kita." sabi ko.

"May hindi pa pala ako nakkwento sayo tungkol kay Tin at Mika." pag agaw ni Kim sa atensyon ko. Huh? Ano yun?

"Teka, andito na tayo sa Perfect Spot. Sa loob na natin pagusapan." yaya ko kay Kim at bumaba na kami. Andito kami sa Tomas Morato, sa Perfect Spot na inuman at bilyaran din at the same time.

Umupo na kami ni Kim at namili kung ano ang iinumin, hindi naman kami maglalasing dahil magddrive pa ako at magagalit si Yeye kapag naglasing ako. Ewan ko dito kay Kim kung sinong magagalit.

"Tuloy mo na yung sinasabi mo yung tungkol kay Mika at Tin. Ano kinalaman nila sa isa't isa?" tanong ko kay Kim.

"Magkaibigan sila. Naalala mo yung nakwento ko sayo na niyaya ako makipagkita ni Tin kasi nakauwi na sya dito, sa The Beech kami nagkita non kasama friends nya at nagulat ako na andun si Mika. Kaya before nung unang laban natin sa Petron, alam na nyang magkikita kayo. Kasi nasabi ko na sakanya." pagpapaliwanag ni Kim. Ahhhhhhh okay kaya pala di mukhang gulat si Mika nung nagkita kami. Nakapaghanda pala talaga sya.

"Kaya pala hindi distracted si Mika non. Nakapaghanda. Kim! Daya mo! Hindi mo man lang sinabi sakin." sabi ko kay Kim at inirapan sya. Naalala ko tuloy yung reaksyon ko nung araw na yon, parang gusto ko tumakbo pauwi eh! Hahahahaha.

"Pero balik tayo sa totoong usapan" pagiiba ko ng topic. "Ano plano mo, Kim?"

"Hindi ko alam, Wafs. Ayokong ipilit yung sarili ko kay Cyd. Ayokong ipilit yung sarili ko sa taong ayaw naman sakin kasi--" hindi natuloy ni Kim yung sasabihin nya dahil sumabat ako.

"Ayaw sayo ni Cyd? Sinabi nya yun sayo?" tanong ko kay Kim. Umiling lamang ito sakin. "Assumero! Hindi naman pala sinabi sayo eh. Wafs, alam nating lahat kung anong meron sainyo ni Cyd. Yan yung kahit anong bagay hindi mapaghihiwalay." sabi ko sakanya.

Bumuntong hininga naman si Kim.

"Binasted nya ko, Ara. Ano pa bang ibig sabihin nun?" tanong nya sakin.

"Ano nga ba? Pareho nating hindi alam. Pero ikaw ba naniniwala ka na di ka gusto ni Cyd? Jusko, Kim. Ang bulag mo naman para hindi makita yung taong matagal nang nasa harap mo." sabi ko. Hindi sumagot si Kim kaya tinuloy ko yung sinasabi ko.

"Hindi porket binasted ka nya sa unang beses bibitawan mo na sya. Na-pressure lang yun si Cyd. Natakot. Kasi magkalayo kayo, ikaw maglalaro ng volleyball, sya itutuloy yung pangarap nya. Naunahan sya ng takot. At ikaw, hindi mo sya pinaglaban. Gusto nya ng assurance pero binitawan mo sya kung kailan mo dapat pinatunayan na mahal mo sya." sabi ko kay Kim at sinabayan na sya sa paginom, mahirap na baka sya makaubos at malasing pa to.

"Anong gagawin ko, Ara?" tanong nya.

"Kausapin mo si Tin. Linawin mo. Maging honest ka, magiging masakit para sakanya pero mas okay na sabihin ang totoo. Pagayos na, tsaka kita tutulungan kay Cyd. Tutulungan ka ng team." pagtapos kong sabihin yon ay nakita kong ngumiti na si Kim. Siguro napagisip isip na nya yung mga sinabi ko.

Medyo nagtagal kami sa inuman pero hindi kami nagpagabi. Hinatid ko si Kim sa dorm ng Lady Spikers at umuwi nadin ako. Tumawag sakin si Mika at kinwento ko sakanya yung nangyari, naiintindihan naman nya yung sitwasyon pero medyo nainis sya kay Kim dahil kaibigan nga naman nya yung masasaktan. Hay. Ang liit naman kasi ng mundo. Ang dami kong narealize ngayong araw na to. Pero bago ako matulog, nagtweet muna ako.

@VSGalang: I will make you happy every single day. Never lose that smile, love. @mikareyesss

-----
Vote. Comment.

text me backOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz