Chapter 5

4.5K 128 4
                                    

Jayline's POV

Pabalik na nga kami ng dorm non ng mapansin kong mag kasalubong na naman ang kilay ni bugsbunny.

'Mukha kang tanga! Promise!!'

Sabi ko nalang sa isip ko. Grabe ang daming tao kanina na nakakakilala na sakin! Kainis!

Ang ayoko sa lahat yung masyadong expose sa lahat yung sarili ko eh! Hindi naman sa nag-iinarte ako o ano pero hindi lang talaga ako sanay ng maraming nakakapansin sakin.

Nang makapasok na kami sa room namin ay unang naligo si Abby at sunod naman si ate May pero dahil nakaligo na ako ay ang mga boys naman ang sunod sa kanilang dalawa.

"Ikaw na ate May!!" Malakas na sigaw ni Abby ng biglang bumukas ang pinto ng C.R at dali-daling pumunta sa isa pang kwarto kung saan andon lahat ng damit namin (damitan) ang tawag don.

"Kailangan isigaw pa Abby?!" Sigaw din ni ate May dahil nga nakapasok na si Abby sa loob ng kwarto.

Pero maya-maya ay pumasok nadin si ate May sa loob ng C.R dahil hindi na sumagot si Abby.

Nakaka-ilang lang dahil ako na lng ang natirang babae dito dahil nga nasa kwarto si Abby at si ate May naman ay nasa C.R..

"Tristan.. Baka gusto mo ng ibigay kay Jayline yung rules natin?" Sarkastikong sabi ni Emanuel.

"Tsk. Kung gusto mo ikaw nalang mag sabi?!" Sarkastiko ding sabat ni Trsitan sa kanya.

"Napag-isapan na natin to nila May...hindi ba?" Malumanay na sagot naman ni Emanuel sa kanya.

"Tsk. Mamaya ko na sasabihin kapag hindi na ako tinatamad." Tamad ngang sabi ni Bugsbunny!

Tsk patagal pa eh! Sa bagay kung ano mang rules yun e wala akong paki! Dahil una sa lahat wala silang karapatang gumawa ng rules dahil hindi sila ang may-ari nitong dorm!

Maya-maya lang ay lumabas na ng kwarto si Abby at amoy na amoy ko ang pabango nya!

"Hmm.. Ang bango-bango mo talaga abby." Malambing na may halong asar na sabi ni Francis sa kanya.

"Tsk. E ano naman sayo.. Aber?!" Inis na sabi ni Abby.

"Wala lang.. Hahaha kaya araw-araw kitang nagugustuhan e yan kasi ang gusto ko sa babae laging mabango! Hahaha" malakas na tawa ni Francis.

"Tch!" Singhal ni Abby kay francis. "Kahit kelan talaga.. Manyak." Bulong pa ni Abby ng makalapit sa akin kaya napa-ngisi nalang ako.

"A-anong binubulong-bulong mo?!" Inis namang tanong ni francis! Tsk bulong na nga lang narinig pa?! Hays hindi nga lang naintindihan haha.

"Wala!" Inis na sagot naman ni Abby.

Hindi na nag salita si Francis at Abby kaya tumahimik nadin ang loob ng kwarto.

Humiga muna ako sa kama ko at bahagyang pumikit pero ilang sandali lang ay nakaramdam na ako ng antok at hinayaan ko na lang ang sarili kong matulog.

~~~~~

Tristan's POV

Napatingin ako sa kanan ko ng maramdama kong tahimik ang buong kwarto at nakita ko nga si Jayline na nakahiga at mukha ng matutulog?

"Ang bilis naman netong nakatulog?"

Tsk! Pake ko ba sa kanya?!

Pero bakit ganon? Mukha nga syang anghel, pag natutulog nga lang! Hahaha!!

Aaminin ko! Maganda naman kasi talaga sya, kaso ang liit nya! Maliit pa sya kay Abby! Tsk ibaba lang ng tenga ni Abby ang high nya e! Siguro mga 5'3 lang sya? Tapos medyo curly sya onte, onti lang naman yung feeling na messy lang yung pagka kulot nya.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon