Chapter 21

2.5K 90 1
                                    

Jayline's POV

"A-Ahh, hello po." Nakangiting bati ni ate May kaya nginitian din sya ni Mommy.

"Hi, masaya akong makilala ka." Tugon ni Mommy.

"Ahh. Tita pwede po bang pumunta muna tayo sa kwarto namin? Baka po kasi naghihintay na ang mga kasama namin." Sabat ni Ella. Nakakapagtaka na biglang nagbago ang reaksyon ni Mommy. Kung nanina ay masaya--ngayon ay blanko na ang itsura nya.

"M-Mom, are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

"Y-Yes." Maikling sagot nya kaya lalo akong nag-alala.

Bakit ganyan nalang sya kung makipag-usap sakin/samin? Hindi ako sanay sa ugali ni Mommy.

"Tara na po." Yaya ni Ella kaya kahit nababagabag ang loob ko ay sumunod padin ako papunta sa kwarto namin.

Kahit sila Ella at ate May ay hindi din nagsasallita, dahilan upang lalo akong makaramdam ng pagkailang.

Nang makapasok kami sa kwarto namin ay nag-aayos na ng gamit yung tatlo na walang alam sa nangyari.

"Tita?" Dinig kong tanong ni Tristan kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Nandito ka pala, Tristan?" Sarkastiko ang tono na sabi ni Mommy.

Anong ibig sabihin nito? Magkakilala ba sila? Naguguluhan na talaga ako!!!

"M-Mag kakilala kayo?" Naguguluhang tanong ko. Tinignan naman ako ni Mommy na blanko padin ang itsura.

"Magkakilala din kayo, Jayline?" Tanong din ni Tristan.

Nabobobo ako sa nangyayari! Hindi ko alam kung nagkukunwari lang ba sila o ano eh!

"Mommy ko sya." Sagot ko na nakakunot ang noo.

"M-Mommy?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Oo." Maikling sagot ko na tumango pa.

"Andito ako para sunduin ka Jayline." Sabat ni Mommy na sobrang ikinabigla ko!

"A-Anong s-susunduin?" Naguguluhan na talagang tanong ko!

Loading.....

"Uuwi na to sa Korea at sabi yun ng Daddy mo." tugon nya.

"Pero Mom! Sinabi ni Daddy na sa isang taon pa ako uuwi sa Korea!" paangil na sagot ko.

"Nagbago ang isip nya." sagot din ni Mommy.

"Mom... P-Parang hindi na kita k-kilala.." Nag aalangan na sagot ko at naluluha ng tumingin sa kanya. "Tingin ko ay ang dami mong tinatago sakin!" buhos ang luhang sigaw ko.

"Jayline ano ba?! Ba't mo nasasabi yan?!"

"Mom! Magkakilala kayo ni Tristan at hindi ko alam yun!" sagot ko na umiiyak padin.

"Bakit kailangan nyo pa bang malaman?" sarkastiko nanamang sagot ni Mommy!

"Mom, Of course! Anak mo ako at kailangan kong malaman yun!" inis na sigaw ko.

"Okay, Gusto mong malaman? Sasabihin ko sayo kung bakit nakilala ko sya perp sa isang kundisyon." may bakas ng otoridad na hamon nya.

"A-Ano pong kondisyon?" magalang na tanong ko.

"Sasama ka sakin pauwi sa korea." diretsong sagot nya.

Nagisip ako kung tanggapin ko ba! Anong gagwin ko?!!!!

"Sige po, papayag ako." Hindi makatingin na sabi ko.

"Jayline, sigurado kaba?" Nag-aalala ang tonong tanong sakin ni Ella kaya tinignan ko lang sya ng siguradong tingin.

"Ano ang gusto mong malaman?" tanong sakin ni Mommy.

"Bakit kayo magkakilala ni Tristan." diretsong sabi ko.

"Bago ko mapang-asawa ang Daddy mo ay nauna kona maging nobyo ang D-Daddy ni Tristan." sagot nya.

Hindi ako nakagalaw at lalong hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Hindi pumapasok sa utak ko ang sinabi nya.

"Kaso ang relasyon naming yun ay hindi alam ng magulang namin."

"Bakit?" tanong ko.

"Dahil mag pinsan kami ng Dante." maikling sagot nya, hindi ko alam pero dahil sa sinabing yun ni Mommy ay nara!daman kong nasaktan sya.

Walang nakaimik samin, napatingin ako kay Tristan na nakatingain na pala sakin.

"Pano kayo  naghiwalay?" biglang tanong ni Tristan na tumingin nadin kay Mommy.

"Naghiwalay lang kami ng Daddy mo ng ipinakasal sya sa Mama mo, hindi agad sila nagka-anak. Ilang buwan ng makilala ko ang Daddy ni Jayline at ilang buwan lang din ay ipinakasal ako sa kanya ni Papa. Agad kami ay nagkaroon ng anak at yun ay si Jayvie, bago koman mailabas sa sinapupunan ko si Jayvie ay nabalitaan ko na buntis na si Beatrix ang mama mo Tristan."

Loading...

Loading...

Loading...

Ayaw tanggapin talaga ng utak ko ang mga sinabi ni Mommy!

"Ngayong nalaman mona ang lahat, tupadin mo ang sinabi mong sasama ka sakin at uuwi tayo sa Korea." Serosong tugon ni Mommy.

Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero sa tingin ko ay mabuti pa nga na sumama ako kay Mommy.

"Sige sasama po ako." Sagot ko.

"Jayline." Tawag sakin si Tristan kaya nung tiganan ko sya ay kita ko sa kanya ang lungkot.

"Magkikita pa naman tayo." Nasabi ko nalang.

"Pero ayokong lumayo ka sakin." Nag mamakaawang sabi nya.

"Pero kailangan ko din lumayo." Sagot ko.

"Bakit, Dahil ba sakin?" Tanong nya na itinuro pa ang sarili.

"Hindi." Sagot ko na umiling pa.

"Eh bakit nga?!" Inis na tanong nya.

---------

Maraming maraming Thankyoouuuuuuuu!!

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon