Chapter 41

2.2K 92 0
                                    

Tristan's POV

Sinundan ko si Jayline kahit pa ang lakas na ng ulan. Nakakainis dahil wala akong magawa para pigilan sya. Ayaw nyang makipag-usap sakin!

Napansin ko na kanina pa may nakatingin sa kanya, ang nakakainis don. LALAKI PA!

PAG YAN LUMAPIT SASAPAKIN KO YAN!

Tangina! Lumapit nga ang qaqo! Napa-urong ako ng kaunti ng lumapit sya kay Jayline.

Nag-usap sila, pero kita ko sa mukha ni Jayline ang pagkairita. Sana sapakin nya.

"By the way, ang cute mo." Narinig kong sabi nung lalaki. Tsk. Qaqo! Cute ka dyan?! Eh Ako na nagmamayari ng puso nyan qaqo!

Umalis na yung lalaki kaya lumapit na ako kay Jayline pero tinignan nya lang ako na parang walang pakielam sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya na hindi nagbabo ang expression.

"Mag-usap tayo, Jayline." Paki-usap ko pero natawa lang sya.

"Mag-usap? Ano pa bang pag-uusapan natin?" May halong inis na sabi nya.

"Jayline..." Tawag ko, iniwas nya ang paningin nya. "Aalis na ako." Sabi ko at napatingin sya.

"Edi umalis ka."

"Jayline pupunta ako sa States para magpagamot." Sabi ko at kumunot ang noo nya.

"Ano bang sinasabi mo dyan?!" Tumaas na ang boses nya.

"May sakit ako!"

"Tsk. lahat nalang ba gagawin mo para lang magkausa---"

"May sakit ako sa puso, Jayline." Hindi kona sya pinatapos at kita ko sa mukha nya ang gulat at pagtataka.

"Qaqo kaba!" Galit na bulyaw nya.

"Kakausapin kita h-hindi mona kailangan g-gumawa ng kwento!" Pumipiyok na sabi nya kaya halata mo sa kanya na umiiyak na sya. Lumapit sya sakin at pinaghahampas ako kaya niyakap ko sya. Dun na nga sya napahagulgol.

"I'm sorry, pero t-totoo." Niyakap ko sya ng sobrang higpit, niyakap nya din ako.

"Tangna naman eh!" Bulyaw nya at hinampas na naman ako. Nilayo ko sya sakin para makita ang mukha nya.

"I love you.." Sabi ko pero hindi sya sumagot.

Kahit papano nabawasan na yung pangamba ko dahil nakakausap kona sya ngayon.

"Oo nga pala, may good news ako sayo." Nakangiting sabi ko.

"Ano nanaman?" Tanong nya na parang nainis pa.

"Hindi tayo magkapatid." Sabi ko at napakunot ang noo nya.

"What? Ano na namang pakulo yan, alam natin na ang totoong tatay ko ay ang Daddy mo."

"Ampon lang ako." Nakangiting sambit ko na lalo nyang ipinagtaka.

"At masaya ka pa?"

"Uhhmm. Yes." Sagot ko.

"Sigurado ka bang masaya kang ampon ka lang? Tsaka pano nangyaring ampon ka lang?" Tanong nya pa.

"Masaya akong malamang ampon ako dahil sayo, wala na akong pakialam kung iba ang tatay ko, ang mahalaga pwede ng maging tayo." Nakangiting sambit ko.

"Eh pano nga na naging ampon ka?" Tanong nya ulit.

"Sa bahay kona papaliwanag, kailangan na nating umuwi dahil baka magkasakit ka." Sabi ko at tumango naman sya kaya umuwi na kami.

"Oh! Buti naman at umuwi na kayo." Bungad samin ni Tita Maryline. Napansin nya na nakaakbay ako kay Jayline pero ngumiti lang ako para ipakita na okay na kami.

"Okay na kayo?" Tanong ni Jayvie, tumango lang ako at ngumiti. Binigyan nila muna kami ng towel.

"Aakyat na po muna kami." Paalam ko, nauna ng maglakad si Jayline na tahimik padin hanggang ngayon

Susunod na sana ako sa kwarto nya papasok ng bigla akong hilahin ni Jayvie na hindi ko napansing sumunod.

"B-Bakit?" Tanong ko ng hilahin nya nga ako sa damit ko.

"Kwarto yan ni Jayline, don ang kwarto ko." Turo naman nya sa kabilang kwarto.

"Anong gagawin ko dun?" Nakakunot na tanong ko, tsk. Panira amp.

"Edi don ka mag bihis. Tsk. Alangan namang sabay kayo maligo ng kapatid ko?" Taas ang isang kilay na sabi nya. Tsk bakla ampta!

"Tsk. Oo na oo na!" Inis na sabi ko at dumiretso na nga sa kwarto nya.

"Kahit kelan talaga napaka kj nitong si Jay. Pakyu ka tanga!" Bulong ko nakang habang nagaalis ng damit.

Naligo na nga ako, pag-labas ko naabutan ko pa si Jay na naglalabas ng damit. "Ano yan?" Tanong ko at natawa naman sya.

"Hahaha! Qaqo, malamang damit." Natatawang sabi nya.

Tangna hayup din sa sagot amp.

"Qaqo alam kong damit yan, para san yan ibig kong sabihin." Pag-iintindi ko sa mapurol nyang utak.

"Malaman susuotin mo, alangan namang nakaganyan ka lang?" Turo nya sa twalyang nakapulupot sa pang-ibaba ko.

"Pwede din, tutal oaky na naman kami ni Jayline baka pwedeng simula na namin gumawa ng ba---"

"Hoy Qaqo ka! Tigilan mo kapatid ko tangna ka naman." Bulyaw nya kaya natawa ako.

"Hahahahahaha! Biro lang tanga!" Mura ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot at hinagis nalang sakin yung damit nya. Pero teka, parang kilala ko 'tong damit na to ah?

"Tangna naitabi mo pa 'to?" Nakangiting tanong ko patungkol sa damit ko na nasakanya pa pala.

"Oo naman, pero hindi yan ang isusuot mo dahil mukhang maliit na yan sayo, ito isuot mo." Sabay hagis ng damit.

"May mga bago akong underwear dyan, yun nalang ang isuot mo." Sabi nya kaya tumango lang ako kaya naman lumabas na sya.

Nagdamit na nga ako. Kahit papano namiss kong matulog dito. Dati kasi minsan dito ako natutulog lalo na kapag wala sila Mommy at Daddy.

Lumabas na ako ng matapos ako. Kumatok muna ako sa kwarto ni Jayline pero walang sumasagot kaya bumaba na ako.

Nakita ko naman sila sa sofa na nag-uusap usap. Kumunot ang noo ko ng makitang umiiyak si Jayline pagbaba ko.

"Bat ka naiyak?" Tanong ko kaya napatingin sya sakin.

"Alam k-ko na ang l-lahat." Humihikbi na sagot nya kaya nilapitan ko sya at niyakap ko. "Alam kona yung sakit mo." Dagdag nya pa.

"Ayos lang naman ako, ilang araw lang ako sa states pa magpatingin." Paliwanag ko at ramdam ko naman ang paghigpit ng yakap nya.

"Sasama ako." Sabi nya na nagpaawa pa. Pinunsan ko naman ang mukha nyang may luha.

"Wag na, babalik naman agad ako." Paliwang ko at umiling sya.

"Sasama nga akooooooo." Makulit na sabi nya kaya bumuntong hininga lang ako. Wala akong magagawa pagdating sa kakulitan nya.

"Okay sige, sasama ka." Sagot ko at natuwa naman sya tsaka yumakap ulit sakin.

"Namiss kita." Bulong nya kaya napangiti ako.



Please don't forget to vote and comments! Thankyah!

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon