CHAPTER 23

2.7K 80 0
                                    

Francis POV.

Lumabas ako para puntahan si ate Jayline dahil gusto naming mag sorry lalo na si kuya Tristan.

Nung pumunta ako sa field ay ang daming tao kaya siguro ay wala sya dito kaya pumunta nalang ako sa music room upang silipin sya at hindi nga ako nag kamali dahil nandito nga sya, nakaupo sya sa sofa at may hawak na gitara.

"Ate Jayline." Tawag ko ngunit hindi nya ako pinansin.

'Eto ba yung ugali nya na sinasabi ni kuya Jay?'

Naisip ko habang nag-aalangan na kausapin ulit sya.

Umupo ako sa tabi nya ngunit ni hindi nya manlang ako tinignan at patuloy padin sya sa pag strum ng gitara.

Para bang hindi nya ako nakikita o nadidinig sa pinapakita nyang asal sakin.

'Nakakapanibago'

"Ate Jayline, gusto naming humingi ng sorry lalo na si kuya Tristan para sa pagsisikreto namin sayo, sana ay mapatawad mo kami sa ginawa naming yon." Seryosong sabi ko.

Nalulungkot tuloy kami dahil paalis na nga sya dito eh may hindi pa magandang nangyari.

Habang ang iba ay nagsisiyahan na, kami naman ay namomroblema.

"Ate Jayline." Tawag kong muli sa kanya ngunit hindi manlang nya ako pinansin. "Sige, mukhang hindi pa ito ang tamang oras para kausapin mo ako o kami." Saad ko tsaka ako tumayo upang lumabas na ng kwartong yun pero tumayo sya at hinarap ako.

Sa ilang linggong nakilala ko si ate Jayline lagi syang masaya at kung minsan naman ay naiinis dahil sa pang-aasar na ginagawa ni kuya Tristan, pero ang emosyong nakikita ko ngayon sa mukha nya ay blanko, walang syang emosyon at para bang hindi nya ako kilala kung tignan nya ko.

"Tingin mo ba ay natuwa ako sa pagsisinungaling na ginawa nyo?" Sabi nya na walang pinagbago ang itsura, miski ang kilay nya ay hindi gumagalaw.

"Alam kong hindi, kaya sorry ate Jayline." Nakayukong sabi ko.

"Pinagkatiwalaan ko kayo sa mga bagay na personal sakin pero anong ginawa nyo? Tinago nyo sakin kung ano ang tunay na kayo! Tapos malalaman ko na ang Ama ni Tristan ay dating kasintahan ng Mommy ko, hindi kona kinaya yun eh tapos dadag-dag pa 'to? Nakakahanga kayo." Kita mo na sa mukha nya ang inis at galit sa amin.

Hindi agad ako nakasagot bagkos pinakinggan ko lang sya, lalo akong nagi-guilty sa mga naririnig ko.

"Sorry ate Jayline, humihingi ulit ako ng pagkakataon na kausapin mo kami lalong-lalo na si kuya Tristan."

"Kakausapin ko sya?" Tanong nya at napangisi sya ng sarkastiko. "Bakit ko sya kakausapin, ha Francis?" Tanong nya pa sakin.

"Dahil.. Dahil gusto nyang humingi ng tawad." Nasabi ko nalang.

Hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko o hindi pero yun lang ang tangi kong nasagot.

"Hindi kona sya kailangan kausapin, aalis na ako." Tugon nya tsaka nya ako nilagpasan at naglakad na sya papalabas ng kwartong yun.

Huminga ako ng malalim tsaka ako umupo sa sofa at ipinikit ang aking mata.

"Siguradong magwawala sa inis si kuya Tristan." Bulong ko sa sarili ko. Tumayo na ako at lumabas na din ng kwarto, dumiretso ako sa kwarto namin at nadatnan ko nga dun ang tulalang si kuya Tristan.

"A-Anong balita?" Si ate May.

"Ayaw nyang makipag-usap, sinabi ko din sa kanya na mag-usap din sila ni kuya Tristan pero hindi na daw kailangan." Napapahiyang sabi ko, lumungkot naman lalo ang mga mata nila.

First Kiss, First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon