Chapter 3

451 15 0
                                    

Chapter 3:

VINCE

Pagkatapos niyang mag-urong ay bigla na lang siyang tumalon pahiga sa comforter na nakalatag sa sala kung saan ako nakahiga.

"Problema mo? Doon ka matulog sa kwarto." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ba pwedeng tumabi sa'yo at makipagkwentuhan muna?"

"I don't talk to strangers." Inilagay ko sa mukha ko 'yong unan para kunwari hindi ako interesado.

Pero agad niya itong tinanggal. "Ano na naman problema mo?" Medyo pagalit kong sabi kahit hindi naman talaga.

Ngumiti na naman siya. Hanep na yan! Bakit ba hindi ko maiwasang hindi kiligin sa tuwing ngumingiti siya. Para tuloy akong tanga na pilit itinatago ang kilig.

"Sindi mo na lang 'yong tv at manuod tayo." Gilas naman pala ng babaeng g'to. Inutusan pa ako, eh.

"Ako pa inutusan mo?" Sarkastikong sabi ko.

"Ako na nga po. Nakakahiya naman sa may ari ng bahay na 'to." Sinagot niya rin ako ng pa-sarkastiko.

Tumayo na siya at saka sinindi 'yong tv. Pagtapos niyang sindihan ay muli siyang humiga sa tabi ko.

"Yung totoo, nag-time travel ka ba o pulubi ka lang talaga?" Tanong ko sa kanya.

Bigla na lang niiya akong pinalo sa hita kaya napa-aray ako ng. Talaga kapag babae ang galing manakit physically. Tapos kapag sila ginantihan magtatampo-tampo. Kagilas din eh.

"Hindi nga sabi ako pulubi eh! Tingnan mo nga ako," Bigla niyang hinawakan 'yong baba ko at saka hinarap ako sa kanya. "Sa ganda kong 'to? Mukha akong pulubi?"

"Maganda ka ba? Saang banda? Sa gawing paa? Haha." Biro ko sa kanya.

"Excuse me! Baka nga may crush ka sa akin eh."

Umarte akong parang nasusuka. "Pwe! Ako magkakaroon ng crush sa'yo? Baka ikaw ang may crush sa akin," Unti-unti kong inilapit 'yong mukha ko sa mukha niya. "Kaya ka siguro nag-time travel dito para sa akin noh?"

Bigla niya akong tinulak. Kita ko ang pamumula ng mukha niya.

Sabi ko na nga ba't malupit pa rin ang angas ko eh.

"Masyado ka ding feeling, noh? Excuse me naman. Di ako magkakagusto sa'yo."

"Tsk. Haha." Baka kainin mo 'yang sinabi mo.

"At saka hindi tayo pwedeng magmahalan. You know, I'm from the future. Hindi ako pwedeng magmahal ng nasa past. Mawawala ang balance ng mundo."

"Bakit naman?"

"Kasi pag-minahal kita, hindi ko kakayanin na mawalay sa'yo kaya pipiliin kong mabuhay sa past kasama ka. Dapat akong bumalik sa future sa oras na bumukas ang portal dahil kung hindi, hindi na ako mag-eexist sa future. Hindi na rin mag-eexist ang mga future sons/daughters ko."

"Ibig mong sabihin kapag hindi ka nakapasok sa portal pabalik sa future ay wala ng pag-asang makabalik ka pa?"

"Meron."

"Ano 'yon?"

"Kapag hindi ako nakabalik gamit ang portal. Isang paraan na lang ang pwede... ang mamatay ako dito sa past," Huminto siya saglit sa pagsasalita. "Pero kapag namatay ako dito, mawawala ang memories ko na nag-travel ako from the past...Every memories I'll spent when I were here at the past will fade away."

A Time For UsWhere stories live. Discover now