Chapter 12

234 11 0
                                    

Chapter 12:

VINCE

Nagpapasalamat ako kay Heimley dahil hinayaan niya kami ni Yureka na mahalin ang isa't isa. Salamat sa kaniya dahil kahit na may nararamdaman siya para kay Yureka ay hindi siya humadlang sa aming dalawa.

Alam kong masakit ito para kay Heimley. Sino ba naman ang kayang tingnan ang mahal niya na nagmamahal ng iba? Sino ba naman ang kayang tiiisin na makita 'yong taong mahal niya na masaya sa iba?

Siguro walang may gusto.

Bilib ako kay Heimley dahil kahit alam niyang hindi siya magagawang mahalin ni Yureka ay nagagawa niya pa ring magbiro sa harap namin.

Ilang araw na din ang nakalipas simula nang dumating siya dito. Maraming lugar na ang nalibot namin. Madalas ay kaming dalawa ni Yureka ang magkasama at si Heimley ay lagi lang nasa likuran namin at laging nililitratuhan ang mga tanawin.

Sa ilang araw naming pamamasyal sa iba't ibang lugar, hindi ko inisip ang hangganan na mayroon kami. Hindi ko inisip kung hanggang kailan ang saya na tinatamasa namin ngayon. Dahil ang mahalaga sa akin, sa amin ni Yureka ay ang ma-enjoy ang bawat oras na mayroon kami.

We want to enjoy the moments without thinking the limitations because if we do, we are limiting our love also.

Pero minsan dumadating talaga sa puntong masasagi sa isip mo kung ano bang mangyayari sa mga susunod na araw. Kung ano nga bang patutunguhan namin pagkatapos ng lahat ng 'to.

Sabi nga nila. Lahat ng saya may kapalit na lungkot.

Andito kami ngayon ni Yureka sa tabing-dagat. Nakahiga sa buhanginan at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"May shooting star, oh!" Sabi ni Yureka sabay turo sa shooting star. "Tara mag-wish!"

Napangiti naman ako sa inasta niya. Hanggang sa future din pala mapapasa 'yong mga ganoong belief.

"Pati sa future uso pa 'yong pag-wish kapag may nakita kang shooting star?"

"Oo naman. Marami na kaya akong kwentong nabasa about shooting star. Na kapag-nag-wish ka daw, e magkakatotoo 'yon"

"Gusto mo bang mag-wish?"

"Oo naman. Tara mag-wish."

Hinawakan ko 'yong kamay niya at saka kami pumikit at nag-wish.

"Anong winish mo?" Tanong niya sa akin.

"Ano muna 'yong iyo?"

"Ikaw muna bago ko sabihin 'yong akin. Ladies first, eh."

"No. Gentlemen first/"

Wala na akong nagawa. Dahil sa mabait ako at hindi ko matanggihan ang taong mahal ko ay ako na ang unang nagsabi kung ano ang wish ko.

"Na sana... Ikaw at Ako hanggang sa huli."

Napaka-imposible ng wish ko 'di ba? Ang maging kami hanggang sa huli. Pero paano magiging kami hanggang sa huli kung panahon na ang magsasabing hindi kami pwede sa isa't isa.

At kung ibe-break naman namin ang rule na hindi niya pagbalik sa future ay maraming maapektuhan. Maraming pwedeng mawala at maraming pwedeng mabago na hindi naman dapat.

"Ikaw anong wish mo?" Tanong ko naman sa kaniya.

Napatahimik muna siya bago sinagot ang tanong ko. "Winish ko na sana magkatotoo 'yong wish mo." Biglang lumungkot ang boses niya.

A Time For UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon