Chapter 14

231 11 0
                                    

Chapter 14:

VINCE

Ginising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog si Heimley. It was 1:00 am in the morning.

"Ang aga pa lang, ah? Akala ko ba bukas pa tayo magta-travel?"

"Sabi mo kasi baka medyo matagal ang biyahe. Kailangan na nating pumunta ngayon."

"Sige." Sabi niya habang nagu-unat-unat pa at naghihikab.

Kinuha ko na 'yong bag ko. Inayos ko na din ang mga dapat ayusin sa loob ng bahay.

Papalabas na kami ng bahay nang mapansin ako ni Heimley.

"Bakit parang sobrang puno naman ng bag mo? Ano bang mga dala mo?"

"Mga gamit ko. Nakakahiya naman kung tutuloy ako sa bahay nyo tapos wala akong dalang gamit"

Ngumisi siya at ngumiti ng nakakaloko."At sino naman nagsabing makikituloy ka sa bahay namin?"

Sinuntok ko nga sa braso ang mokong."Wala kang utang na loob ah. Pinatira nga kita sa bahay ko tapos ganito lang ang igaganti mo sa akin? Anong klaseng kaibigan ka!". Pabiro kong sabi.

"Dami mong alam. Tara na"

Naglakad na kami palabas ng bahay papuntang tabing-dagat. Sabi kasi ni Heimley hindibniya alam kung gaano kalaking portal ang lalabas kaya nagdecide siya na sa tabing dagat na kami magpunta para malaki-laki ang space. Saka dahil ala-una pa lang naman ng madaling araw, sigurado akong wala pang gising na'to kay walang makakakita sa amin.

Magaling talaga akong tumayming dahil nagbago ang isip ko na ngayong oras kami magbibiyahe. Eh di kung bukas hindi namin alam kung saang lugar kami magpupunta para mabuksan 'yong portal.

"Are you ready?" Tanong ni Heimley at saka tinanggal 'yong relong nakalagay sa kaliwang kamay niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Handa na ko. Gustong-gusto ko nang makita si Yureka. Gusto ko na siyang mayakap kahit para sa kaniya ay isa na lamang akong istranghero.

At handa na rin akong maalala ang lahat. Gusto ko nang maalala ang mga memories ko sa nakaraan. Gusto ko ng mabuo ang sarili ko.

Vince nga daw ang aking pangalan pero gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kin. Sino ang mga magulang ko. Saan ako nanggaling. Sino ang mga nakakakilala sa akin. Gusto ko ng malaman ang lahat.

Nakita kong may pinindot si Heimley sa relo at nagulat ako nang biglang may lumabas na parang black hole na sinlaki namin. Nakita ko sa loob ng black hole ay para isang kalawakan na maraming kumikislap-kislap.

"Kailangan na nating pumasok bago pa magsara ang portal" Ang sabi ni Heimley. Tumango ako habang nakatulala pa rin.

Totoo ba ang lahat ng 'to? Sa mga foreign movies ko lang napapanood ang mga ganito pero ngayon nasa harap ko na ang portal papuntang future.

Inihakbang na ni Heimley 'yong isa niyang paa."Ano, tatayo ka na lang ba diyan?" Tanong niya sa akin.

Humakbang na rin ako papasok sa portal. Nang makapasok kami sa loob ng portal ay nakita namin itong nagsara na. Madilim sa loob ng portal pero nagbibigay liwanag ang mga parang bituin sa loob na hindi ko alam kung ano iyon.

Nagulat ako nang bigla kaming hinigop ng isang napakalakas na hangin at umikot-ikot ang buo naming katawan. Anong nangyayari? Nahihilo na ako. Para akong nasusuka na natatae pero hindi ko magawa dahil ayaw kaming tigilan ng kung anong nagpapaikot sa amin.

A Time For UsWhere stories live. Discover now