Chapter 5

527 62 2
                                    

CHAPTER 5

- Rory's POV -

Kinabukasan ay hindi ako halos makabangon dahil sa sama ng pakiramdam ko.

Sa tuwing susubukan kong tumayo ay nahihilo ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.

Ang sakit pa ng ulo ko!

Pinilit kong bumangon at magtungo sa banyo.

Laking pasasalamat ko na lamang ng matapos akong maghilamos at makababa sa salas ng walang nangyayare sa'kin at doon humilata.

Napaidlip ako sandali ng magising ay hinanap ko kaagad ang ipad ko na kanina ay halos hindi ko mahawakan dahil sa panlalambot.

Sinubukan kong magbasa ngunit talagang hindi ko kaya.

Nahihilo ako!

Ganon pa man ay pinilit ko pa ring makarating sa kusina para kumain at para makainom na rin ng gamot.

Maayos akong nakapaghanda ng instant noodles na kinain ko din naman agad.

Matapos makainom ng gamot ay umakyat ako sa kwarto para muling matulog. Sana lang ay wala na ito mamaya.

Alas kwatro na ng maalimpungatan ako na sobrang pawis na pawis.

Medyo bumuti na ang pakiramdam ko.

At may naalala ako bago tuluyang bumangon. Napanaginipan ko si kuya'ng nagbigay sa'kin ng mogu-mogu. Anong mayron? Siguro ay sya ang dahilan ng pagkakasakit ko?

Wtf?! Isinisisi ko ba talaga sakanya? Dahil ba sa pagkabog ng dibdib ko gawa ng hawak nya? O baka naman dahil sa bote na ininoman nya na nainuman ko din? Ano 'yun? May virus 'yung naiwang saliva?

Just what the f-ck?!

Halos masapak ko ang sarili ko dahil sa abnormal na pag-iisip. I heaved a sigh at pilit na inaalis sa isip ang mga 'yun.

Ng makaipon ng lakas ay bumbangin ako para magpalit ng damit at mag-toothbrush.

Hindi ko gusto ang panlasa ko!

Paglabas na paglabas ko sa CR ay naabutan ko si mommy na naglalapag ng pagkain sa maliit na mesa ko malapit sa higaan.

"Maayos na bang pakiramdam mo?" Tanong niya ng ako ay balingan.

"Opo my." Papalapit na tugon ko. "Anong oras po kayo dumating?" Tanong ko ng makaupo.

"Mag-alas dos, magpahinga ka nalang muna, hindi ka papasok bukas. Kumain ka at uminom ng gamot." Sabi nito bago lumabas ng aking kwarto.

Kinabukasan ay umayos na ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang pumasok ngunit hindi talaga ako pinayagan kaya inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagbabasa maghapon sa loob ng kwarto dahil sigurado akong mapapagalitan lang ako kapag nakita nila ang ginagawa ko.

Hanggang sa pagdating ng bukas ay hindi ko na halos mabitawan ang ipad ko.

Nakarating ako sa classroom habang nagbabasa.

May hindi pagkakaintindihan si Ace at Zein!

Nae-excite ako sa mga nangyayare. Hindi ko na yata titigilan ang pagbabasa nito.

Hindi pa nagsisimula ang klase kaya inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa.

"Okay ka na?" Pagtatanong ng isang boses ng kaibigan ko sa gilid.

"Okay na." Nakangiting binalingan ko ito pero mabilis ding bumalik ang paningin sa binabasa ko.

"That's good!" Ngiting-ngiti na wika ni Mia. "Nagbabasa ka?" Dumungaw ito sa ipad ko.

"Chasing Hell." Nakangising wika ko.

"You should read Trapped and Taste of Blood din." Anito.

"Username?" Tanong ko.

"Same author." Nagningning ang mga matang wika ni Mia.

"Oh?" Ang tanging nasambit ko dahil busy na ako sa pagpapatuloy sa pagbasa.

"Yes, latest nya. By the way, last Saturday nag-meet and greet sila kasama 'yung ibang author and nag-book signing! Nagbenta din ng books. Including Hell University part 1!" Anito na nagpalingon sa'kin.

"For real?!" Tanong ko ng may nanlalaking mga mata.

"Yup! Look!" Kinikilig na wika nito sabay lahad ng isang libro.

Dali-dali ko itong kinuha at pinakatitigan gamit ang mga nanlalaking mata.

"Darn! Saan ako makakabili nito?! Omg!" Nagpa-panic na wika ko. Hindi mawala ang tingin ko sa aklat. "Hoy Mia! Ano na?! Saan?" Pagbaling ko dito. "Ano?!" Tinaasan ko pa ito ng kilay bago muling bumalik ang mga paningin sa aklat.

Hindi magkandaugaga na binuklat ko ito at napadpad sa unang pahina. Duon ay may nakapirma.

"Kuya Kib." Basa ko dito at napasinghap.

"Owmaygad!" Pagsinghap ni Mia sa tabi ko.

"YOU MET THE AUTHOR?!" Nanlalaki ang mga matang muli akong bumaling sakanya ng nakanganga.

Umiling-iling sya sa'kin at bumaling din ng may mga nanlalaking mata sa libro.

"Paano?" Sabay turo ko sa pirma.

"I don't know." Nagugulohang wika nito na mukhang wala pa sa sarili.

"Hindi mo na meet? Hindi ka ba pumunta sa meet and greet? Paano nagkaganto?" Para akong tangang ininspeksyon ang pirma na sigurado akong pentel ang ginamit. "Hindi ito printed." Paninigurado ko. Habang binubuklat ang pahina para makita ang likod na may bakas ng pagbakat ng panulat.

"Hindi ko 'yan napansin kanina. May nagpapabigay lang sa'yo." Anito.

"What?! Sino?"





Itutuloy..


-----
COMMENT AND VOTE.
SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora