Chapter 38 Forbidden

245 19 4
                                    




"Anong lasa? Kahit 'yong nalasahan mo lang na alak, ano? Dali!" Pangungulit ng kasama ko.

"Tumigil ka nga Kiel! May makarinig sa'yo!" Pagsaway ko sakanya.

"Walang makakarinig sa'tin, kaya nga dinala kita dito sa dulo ng University 'di ba? And you should be proud of it!  Swerte mo dahil nalasahan mo si Sir Fahren!" Mahinang irit nito.


Oh yes! Madalang na may magpunta dito. Dahil bukod sa liblib na ang lugar, malayo pa sa mga building at minsan ay may maingay pa dahil medyo malapit dito 'yong bagong ipinapatayong buildings ng school. Construction works chuchu, basta 'yon. May pathway naman na nagdurugtong sa iba pang building patungo sa ginagawa na 'yon, ang kaso ay malayo pa rin 'tong pwesto namin at nakukublihan ng mga puno. Nakaharap kami sa feild, meaning kung nasa field ka tyaka mo lang kami makikita. At sa hindi kalayuan sa field ay 'yong construction site.

Whatevere! Ang hirap i-describe, basta tago ito.

"Kwento na dali!" Pamimilit pa nya.

"Shut up Kiel." Pang-ilan ko na ba 'to?


Bakit ba kase naiwan ako sakanya?


"Hindi kaya crush ka ni sir?" Pabulong na tanong nito. "Siguro nga type ka talaga no'n. 'Di ba prof mo sya? Maganda ka, may katawan, akitin mo nalang kaya para pasado ka na jackpot ka pa!" May panggigigil sa boses nito.

"Kiel? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Nasa eskwelahan tayo! So please. Stop." Naiiling na utas ko bago ko pa sya masapak.

Sumasakit na nga ang ulo ko kakaisip kung paano ko haharapin si sir mamaya, dumadagdag pa 'tong isa na 'to!

Bakit ba kase ginawa ko 'yon?

"Sungit! Sana lang kase sumama ka na sakanya kagabi." Komento pa nito.

"Anong akala mo sa'kin? Take out girl?" Nakangiwing tanong ko na may magkasalubong na kilay. "Alam mong hindi ko gawain 'yon."

"Pero hinalikan mo naman." Nanghahamon ang tono nya.

"Whatever! Tumigil ka na. Gusto ko ng katahimikan, please!" Utas ko.

"Ano ba kaseng iniisip mo? Kanina pa 'yan eh." Aniya.

"Sa tingin ko hindi ka makakatulong, kaya tumahimik ka na nga lang." Hilaw ang ngiting sagot ko.

"Ang sakit mo naman magsalita!" Napapangusong anito.

"Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir, now may idea ka kung paano?" Usal ko.

"Isang kindat lang ang ka----- aray! Ano ba? Bakit ka nambabatok?" Matulis ang ngusong anito.

"Hindi ka nakakatulong! I'm serious, Kiel." Wika ko tyaka humarap sa field.

Pinatunog nya ang dila nya matapos ay narinig ko syang nagbuga ng hangin. "Umarte ka ng normal, h'wag mong ipakita na apektado ka. Basic Rory." Suhestyon nya.

Ganon ba kadali 'yon?

"Nahihiya ako sa ginawa ko." Pag-amin ko.


Sino ba'ng hindi mahihiya, 'di ba?

"Then dapat din syang mahiya." Kita ko ang pagkibit balikat nya. "Sya ang dapat mahiya sa'yo, sino bang hindi nakapagpigil?" Dugtong nya.

"I kissed back, Kiel." Usal ko gamit ang mahinang boses dahil sa nararamdamang hiya.

"Alam mo, lahat tayo ay may pangangailangan. Siguro tyempo lang na 'yong sa'yo ay natapat no'ng araw na 'yon. Labas init, gano'n." Natatawang anito.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now