Chapter 12

391 47 4
                                    

CHAPTER 12 Connected

- Rory's POV -

Nagkatinginan kami ng may mga nanalalaking mata dahil sa message tone ng messenger na narinig namin.

"C'mon check it! 'Wag ka ng pa-intense ate!" Mas excited pa sa'kin na wika ng napakagaling kong kapatid.

"Out Mae!" Pilit kong pinagmumukhang inis ang ekpresyon ko para makuha nya na hindi ko talaga nagugustohan ang mga pangengealam nya. Kahit na gustong-gusto ng silipin ng mga mata ko kung ano ba ang nasa messenger ko ngayon.

"Ate naman! Sorry na nga eh!" Anito habang pilit na inaabot ang cellphone ko na hawak ng kaliwang kamay ko na nakataas na ngayon at iniiwas sa bawat subok nyang pag-agaw.

"Seriously Fossmae? Sorry na? Then bakit nagpipilit kang abutin?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko dito.

Kita ko ang palunok nya at pag-ayos ng pwesto nya bago muling nagsalita. "Pakita lang." Napangusong anito.

"Why so consistent Mae?" Tanong ko habang ibinababa ang kaliwang kamay ko.

"Why so sungit?" Balik tanong nito na pinanlakihan ko lang ng mga mata. "E-eh bakit kase ayaw mo pang i-message? Chance na kaya 'yun! Hindi ba crush mo sya?" Pagpapaliwanag nito na nakakuha lang ulit sa'kin ng tingin. "Tapos reader ka nya, fan, supporter malay mo diba? Mapansin ka. Para ime-message lang eh, hindi ka naman siguradong mapapansin, try lang para malaman nya ang existence mo kahit papaano." Pagpapatuloy pa nito.

Ewan ko ba, hindi ko malaman kung matutuwa ba ako dito sa kapatid ko o hindi. Sinusuportahan nga ako may kasama namang pangpahina ng loob sa bandang dulo.

Inirapan ko nalang at baka kung ano pang masabi ko tyaka humarap sa phone ko. Pagkatingin na pagkatingin ko ay message galing sa GC namin nina Mia at Pat ang nasa pinakauna.

"Galing lang sa GC namin 'yung notification, now happy? Pwede ka ng lumabas?" Wika ko.

Nakanguso ito habang titig na titig sa messenger ko at inilahad ang kanang kamay. "May titingnan lang ako."

Napabuntong hininga ako at ibinigay nalang ang gusto nya. Suko talaga ako sa kakulitan ng isa na 'yan, bunso kase.

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga at tahimik na tumitig na lamang sa kisame.

I heaved a sigh.

Seen lang sya sa notification ng messenger na "You are now connected blahblah.."

Seen lang.

Oh yeah! Ano bang dapat ko i-expect diba?

Rory, please stop thinking too much. Ikaw ang nagpapaasa sa sarili mo. Hindi kayo close, hindi ka nun papansinin. Maygad! Ang arte mo! Cheer up! Alisin mo na nga sya sa sistema mo. Basa nalang! Balik ka sa nakasanayan. Pagkausap ko sa'king sarili. Ayusin mo na 'yang utak mo! 'Wag puro sya! Isa pang paalala bago nilingunan ang kapatid kong kanina pa ako tinatawag.

"Ate! Si ate Mia tumatawag." Inaabot ang phone kong sabi ng nya. "Alis na ako." Anito at diretsong lumabas ng kwarto ko.

Hinarap ko ang phone ko kung saan hanggang ngayon ay tumatawag si Mia.

"Video call?" Napapataas ang kilay na wika ko.

Umayos ako ng upo, sumandal sa headboard tyaka sinaksak ko ang headset matapos ay sinagot iyon.

"Bruha ka! Ba't ngayon ka lang?!" Pasigaw na pagbungad sa'kin ni Mia ng may magkasalubong na kilay kaya mabilis kong inalis 'yung headset sa tainga ko. Halos mabitawan ko pa ang phone ko dahil sa pagkagulat dito.

"What the heck?! Mia!" Naiiritang wika ko dito na kita ko namang dire-diretso pa rin sa pagsasalita kahit na hindi na ako nakakapakinig. Alam kong dinidiwara ako nito ngayon kaya maya-maya ko na papakinggan. Dahil bukod sa masakit na sa tainga ay alam kong paulit-ulit-ulit lang ito ng sinasabi nya.

Matapos ang ilang minuto ay para namang nahimasmasan ito. Katabi na nya ngayon si Pat na natatawa-tawa habang may kinakain at kumakaway. Nasa eskwelahan pa sila base sa background. Sa isang table sa labas, sa field. Kaya siguro malakas ang loob na sumigaw dahil madalang lang ang dumaraan doon.

May iminumwestra sya na gawin ko. May itinuturo sa screen. Magkasalubong ang mga kilay na pinanood ko sya tyaka napagtantong 'yung headset ko pala ang sinasabi nya kaya mabilis ko naman iyong isinuot.

"Ewan ko sayo babae ka! Bakit ilang araw kang hindi na-contact?" Wika ni Mia na nasundan ng mahihinang tawanan.

"Who's with you guys?" Pagbabalik tanong ko na hindi pinansin ang mga sinabi nya. Bakit mukhang ang dami nila doon?

"Sekreto. Ano? Bakit ngayon ka lang? Sagutin mo ako!" Anito ng may kasama pang pagbabanta sa boses.

"Trip ko lang." Nagkibit-balikat na sagot ko sakanya.

"Seryoso? Tatlong araw na trip mong di magparamdam? Hindi mo ba alam na nag-aalala din kami sa'yo?" Pagdadrama nito sa kabila na nakikita ko namang sinasang-ayunan ni Pat na tango-tango naman.

"I'm sorry? Wala ako sa mood at ang dami ko din kayang inayos." Pagpapaliwanag ko.

"Oh? Pat? May sasabihin ka pa ba dito?" Pabalang na tanong ni Mia sa katabi na mabilis namang umiling habang nakangisi. "Your turn." Pagbaling ni Mia sa harap nya, sa likod ng phone? "By the way nice hair." Nakangising wika nito sa'kin bago sya mawala sa screen.

Ang nakikita ko nalang ay ang malawak na field. Ano 'to? Ipinagkibit balikat ko iyon at mabilis na kinuha ng kaliwang kamay ko 'yung salamin sa gilid ng mesa at tinignan ang tinutukoy ni Mia.

Messy bun. As in messy kung messy. Mukha akong di nag-suklay maghapon.

Matapos 'yun ay muli akong bumaling sa cellphone ko sa kanang kamay. Mabilis nanlaki ang aking mga mata dahil sa taong ngayon ay nakikita doon.

"Hi?" Patanong na pagbati nito na nakaani ng sari-saring komento mula kala Mia at sa mga kasamahan nya na ngayon ay natatawang kumakaway sa background.

What the hell?




Itutuloy...


-----
VOTE. VOTE. VOTE.
Mag-iean din po kayo ng comment.
Salamat!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now