Chapter 31

275 29 6
                                    

CHAPTER 31 It's Him


Rory's POV

Ano ka ni Rory?" Diretsong tanong ni mommy na ikinasinghap ko.

Akala ko ay ligtas na. Hindi pala. Mas nakakakaba 'to.

"Mommy!" Pagtawag ko sakanya bago hinirap si Kib. "Sige na, umuwi ka na. Ako nala----"

"Rory, tumahimik ka." Pagputol sa'kin ng nanay ko. Sheez! Nakakahiya! Ano bang klaseng tanong 'yon! Ahg! "Raze, I'm asking." Pagpapatuloy ni mommy.

"Uh. Sa totoo po, hindi ko alam." Nakangiwi akong tumingin kay Kib na ngayon ay sa'kin din pala nakatingin. At base sa itsura nya ngayon ay hindi nya alam kung anong sasabihin nya.

"Ano? Walang label?" Dagdag ni mommy.

"My.." Usal ko na hindi pinansin ng aking ina!

"Walang label para madaling iwan?"

"Hindi po ma'am. Hindi po sa ganon. Walang label kase hanggang ngayon hindi ko pa rin po alam kung ano ako sakanya. Hindi pa nga po ako diretsong nakakapagtapat sa anak nyo. Kayo po ang unang makakaalam." Walang patid na wika ni Kib habang kay mommy lang nakatingin. "Gusto ko po ang anak nyo. No, scratch that... Mahal ko po ang anak nyo, ma'am."

Napalunok ako at pinilit na titigan sya. Totoo ba?

Totoo ba 'yon?

Gusto kong magtanong pero ayaw bumuka ng bibig ko.

Nanghihina ako. Bawat pagtibok ng puso ko ay ang kasabay ng pagkapos ng paghinga ko. Hindi ko alam ang pakiramdam na 'to.

"Ito na nga ba'ng sinasabi ko!" Mahinang turan ni Kiel na may kasamang pag-irit.

"Sssshh.  Tumahimik ka nga muna!" Pagsuway sakanya ni Ngay.

Tumango tango si mommy. "Umuwi ka na muna. Malalim na ang gabi, hijo." Ang tanging sagot nya.

"Mom." Mahinang tawag ko sakanya.

"Ikaw Rory, pumasok na kayo nina Kiel sa loob." Sabi pa nya sa'kin bago muling tinignan si Kib. "Bumalik ka na lang bukas."

"Owmaygad! Owmaygad! Kuyaaa!" Sasagot pa lang sana si Kib ng makuha ng boses na 'yon ang atensyon naming lahat. "OMG! It's him!" Irit pa nito ng makalapit sa'min.

"Mae!" Kasunod nya si kuya Rome.

"I told you kuya! It's him! It's really him!" Pagpupumilit na wika ni Mae na ngayon ay nasa gilid na ni mommy.

"What the heck? Paanong nangyari?" Nagugulohang tanong ni kuya.

"Sya 'yon! 100% percent sure!" Ani Mae habang titig na titig kay Kib. "Hindi ba? Ikaw si Raze?" Walang pag-aatubiling anito.

"I am." Nagkibit balikat na sagot ni Kib.

"Omg! Ang ganda ng boses!" Kinikilig na komento pa ni Mae na halos tumalon sa tuwa.

"Mae, umayos ka." Sabi ni kuya. "Ang panget tignan!" Komento pa nito.

"Raze WP." Ani Mae na hindi man lang pinansin ang sinabi ni kuya.  "Ikaw si Raze WP. Ikaw sya. KnightInBlack."

Hindi tanong 'yong paraan ng pagkakasabi nya at parang siguradong-sigurado na sya do'n. Paano nangyari?

"Mae, stop it." Pagpagitan ko sakanila.

"No! It's him! Kuya Kib! Omg!" Napasinghap ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman 'yon? Tinignan ko si Kib na mukhang nagulat din na nakatingin sa'kin. "I didn't say anything." I mouthed.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon