Chapter 19

16.2K 625 48
                                    

Tulala pa rin ako habang nag-aayos ng sarili sa silid ko. Naligo ako para maalis ang lahat ng alikabok sa katawan ko, saka ko ibinabad ang pinaghubaran ko at ang panyo. Now I'm preparing for meet-up with inspector. 4PM na. We don't have much time to talk, maybe I can just go home pag ginabi kami.

Nagtext si Rod. Nasa gate na raw siya. I replied, "I'll be there in a jiffy. Got so many things to tell you."

I grabbed my backpack and went out of the dorm running. I almost tripped on the stairs. Nangangatog pa rin ang binti ko dahil sa nadiskubre ko kanina. Nakalabas ako ng school, I saw Rod's car a few walks away from the gate sa left side. Nilakad ko na lang saka ako sumakay.

"Can you take me away, far from this place? Please?"

"Why? What happened?"

"I'll tell you everything later. Let's just leave this place."

"Okay." Pinaharurot na ni Rod ang kotse niya. Nagpunta ulit kami sa farm na tambayan niya.

Naupo ulit kami sa ilalim ng puno ng manga, tumingin ako sa kawalan, naisip ko na naman ang tunnel pati ang nadiskubre ko. Napasubsob ako saka umiyak.

"Hey! Why are you crying? Ano'ng problema?" Inakbayan ako ni Rod para pakalmahin. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Matagal kami sa gano'ng posisyon bago ako nahimasmasan.

"Rod. I discovered something earlier."

"Ano 'yon?"

"M-may underground passage from the storage house to the Annex Building."

"What? Pumunta ka do'n ng mag-isa? Are you crazy?!" Sermon ni Rod sa akin.

"I-I think I am. After what I heard, I think I am going crazy."

"Ano'ng narinig mo?" Mataman akong tinitigan ni Rod sa mga mata.

"S-sa dulo ng passage, dead end. Parang bagong simento nga ang corner sa bahagi ng likuan eh.. Then may foldable stairs sa pinaka-dead end. Umakyat ako to listen sa door sa kisame, then a man and a woman t-talking about 'alay, buto at nakabaon', something like that. M-may mga alay daw sila before na do'n pa rin nakabaon sa school, at may pag-aalay daw ulit sila next month. May napili na din daw silang alay."

Napanganga si Rod sa narinig. Hindi maka-react sa kinuwento ko. Kahit ako, shocked pa rin hanggang ngayon. Anong klaseng impyerno ba ang school na pinasok ko?

"S-sabi nila, they need to be careful dahil mainit na ang kapulisan sa kanila. S-sabi nung isa, they have connection and money kaya walang dapat ipangamba. Hindi ko kilala ang boses no'ng nag-uusap."

Napasuntok si Rod sa mga hita nito. Namumula ang mukha sa galit. "They're evil! Ano ba ang buhay ng tao para sa kanila, laro? Bagay? Tatapusin nila para sa satisfaction nila? Alay? For what?!"

"Natatakot na 'ko, Rod. Ayoko nang bumalik do'n. Paano kung ako pala iyong alay na napili nila? O kaya sina Emma at Daisy?" Rumaragasa na naman ang mga luha sa mata ko.

Dinukot ni Rod ang phone niya, tinawagan ang Papa ko at sinabi ang mga natuklasan ko. Papa asked Rod to give the phone to me.

"Papa...."

"Hija, I'm sorry for sending you there. Ikaw lang talaga ang maaasahan namin. We need to know kung saan nakabaon ang mga buto. Can you get in to that Annex Building past 6pm, para magmanman?"

"Dad, I already dug my own grave earlier, now you're asking me to jump in?"

"Hija, please. Try to understand. Sa dami ng investigator na pinadala namin sa school na 'yan, ikaw pa lang ang naka-penetrate at nakarating ng ganyang kalayo ang nadiskubre."

"You only care about your case, 'Pa, pero wala kang pake kung mapahamak man ako. I hate you!"

"Hija. Hija! Let me ..." I ended the call. I didn't let him finish his explanation. Galit ako. Yung kaso pa rin niya ang naiisip niya at hindi man lang tinanong kung nasaktan ba ako kanina?

"I understand you, Arlene. Pero sana intindihin mo rin ang Papa mo. Imagine, how many spirits have you seen in that building? That means gano'n na karami ang napapatay nila, and they are planning to kill more. Tapos ano? Malaya sila, powerful, mayaman."

Napaisip ko. What he said is true. Iyong mga babaeng napatay, naroon at paikot-ikot lang sa building. Hanggang sa kabilang buhay ay pinahihirapan sila. Isa pa, si Monique. Pinatay ba siya dahil may third-eye siya o pinatay siya because of other reason? Samantalang ang dalawang narinig ko na nag-uusap kanina, mukhang prente lang sa buhay. Nakakalaya. Pero kahit na, galit pa rin ako kay Papa. Wala siyang pakialam sa akin. Niyakap ko ang mga tuhod ko saka sumubsob doon.

Inakbayan ako ni Rod. "Take your time. Hindi mo kasi dapat binigla ang sarili mo kanina. Imagine sumuong ka dun sa underground passage ng mag-isa? Sana man lang hinintay mo ako."

"Iyon ang problema ko. Pag na-curious ako sa isang bagay, hindi mapigil ang sarili ko. Kilos agad ako. Aalamin ko agad ang mga tanong ko sa isip ko."

"Tsk. Baguhin mo 'yan." Nag-isip si Rod. "O, sige, ganito na lang. Whenever there's something you're curious about, tawagan mo agad ako. Anything. Sasamahan kita, dadamayan kita, sasagutin ko ang mga tanong mo. Deal?"

Not bad. At least I have someone to lean on din. "Sige. Deal." Nginitian ko siya ng matamis.

"That's my girl. So sa ngayon," kinuha ni Rod ang backpack at nilabas ang laptop nito, "I will send viruses sa isa mga admin ng school, then once someone from them clicked the link, it will spread in their entire security system, kasama ang CCTV. That will be a sign that we can enter the Annex Building at night." Nag-isip ulit si Rod. "Maybe we can use that passage you found. Sino ang mag-aakala sa kanila na someone found it and used it to break in?"

"Pero ayokong pumasok ng mag-isa do'n. Someone must guard the entrance from the storage house, then samahan mo ako sa Annex."

"Sasamahan kita. I'll ask sir Rick to give me 2 of his trusted colleagues. Iyong mahusay makipaglaban."

"S-sige." Tiningnan ko ang ginagawa niya sa laptop niya. Hindi ko maintindihan ang mga code na ini-input niya sa black screen na may mga white text na nagi-scroll up. Tapos ambilis niyang magtype. Isang computer wizard 'tong soon-to-be bf ko Yes, I think I am falling for this handsome, smart Inspector.

"Done." Tumingin sa wrist watch si Rod. "We just need to wait tomorrow since close na ang school. Wala ng magbubukas ng internal email by this time." 6pm na pala. Hindi ako makakauwi sa Dorm.

"Ihahatid kita sa inyo, then I will pick you up at 6am para ihatid pabalik sa school." Inioffer nito ang kamay at inabot ko naman yon.

"Thank you, Rod. You're a big help. You cleared my mind. Kahit paano nakapag-isip ako today. Hindi ako pwedeng basta mag-give up na lang. I think may purpose si Lord kaya Niya ako binigyan ng ganitong gift, at dinala ako sa school na 'yon to help those ghosts."

"Very good, sweetheart. I'm proud of you." Tinitigan ako ni Rod sa mga mata, I can't fight this anymore. Alam kong recently lang kami nagkakilala pero napaka-strong ng nararamdaman ko para sa kanya.

He moved his head closer to me and brushed my lips gently. Banayad. "I love you, Arlene. Believe it or not, minahal kita nuong una pa lang."

"I-I love you, too, Rod." Bulong ko sa kanya.

Napangiti naman ang kolokoy. "Sabi ko na eh."

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?" Kinurot ko sa tagiliran.

"Aray! Halata namang type mo 'ko eh." Habang tawa 'to ng tawa.

"Loko ka ha!" Hinabol ko ng kurot ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang kulit eh.

Huminto siya sa pagtakbo saka humarap sa akin. "I will protect you from harm, Arlene. You can depend on me."

"I believe you, Inspector Rodrigo de Jesus." We kissed lightly bago niya ako inakay patungo sa kotse. I still have things to do tomorrow. Kailangan kong maghanda emotionally, mentally, spiritually, physically and psychologically. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari bukas. Nariyan naman si Rod. I know he will protect me.

To Be Continued...

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon