Chapter 33

15.3K 589 13
                                    

"Babantayan kita, Arlene, huwag kang mag-alala. Hindi ka nila makukuha. Huwag ka ring magpapauto sa kanila. Okay?" Pagpapakalma sa akin ni Rod.

"I'm sorry Arlene, kung pinagdudahan kita na myembro ka nila. Kamag-anak kasi ng dating may-ari ng Villa na 'to ang mga Trinidad." Paghingi ng paumanhin ni Gio sa akin.

"Hindi naman ang mga Trinidad ang kamag-anak nila kundi yung asawa nung matandang Trinidad, si Mariana Syjuco. Pinsan ng asawa ng nagbenta kina mama ng Villa. Nawawala rin ang anak niya. Biktima rin ng kulto na 'yon. Same year nang mawala si Diana."

"Tama ka. Si Almira. Kaibigan ko siya. Magkaibigan sila ni Mama." Napahinga ng malalim si Diana.

Lumagok ng kape si Gio. "She's dead. Nakita ko siya sa Annex. She's a ghost. Although hindi ko sila naririnig, pero I can see them crying, o kaya malungkot. Humihingi ng tulong sa bawat students na tingin nila ay may kakayahang makita o marinig sila."

"Since when did you find out na may third-eye ka?" Curious kong tanong kay Gio. "How did you manage it?"

"I had it I think since birth. I can see them. Sunod sila nang sunod pero hindi ko pinapansin. Nasanay ako when I was in grade school. Tinulungan ko yung isang kaluluwa na biktima ng salvage na mahanap ang katawan niya na itinapon sa ilog. Nagpadala ako ng letter sa presinto sa bayan na may nakita akong itinapon na katawan sa ilog, pero hindi ako nagpakilala sa kanila. No one will believe me na nakakakita ako ng spirits." Natatawang sabi ni Gio habang binabalikang alalahanin ang nakaraan niya.

I still opt not to tell him that I also have the ability to see spirits. Tumingin ako kay Rod, nagtatanong ang mga tingin niya sa akin. Umiling ako. Mukhang naunawaan naman niya ako kaya tumango na lang siya. Hindi rin nila sinabi na may third-eye din sila. It's better to keep our cards hidden, just in case worst case scenario arises ay may bala pa kaming magagamit.

"Lumalalim na ang gabi, kailangan na naming umuwi." Paalam nila Diana. "Please, don't tell my family about me. Baka mapahamak sila kapag nalaman ng mga Trinidad na may nabuhay na alay nila."

"Sige, walang kaso. Wala kaming pagsasabihan ng mga nalamam namin. Mag-iingat kayo." Hinatid sila nina Mike at Peter hanggang matiyak ng dalawa na nakalayo na ang mga bisita.

"Bakit hindi mo sinabing may ability tayo, pati ang tungkol sa UPG?" Nagtatakang tanong ni Mike.

"Just in case may loophole sa kwento nila." Matipid kong sagot. "Thanks baby, for not mentioning na kasama n'yo ako sa pagpasok doon sa Annex that night."

"Of course, hindi kita ipapahamak." Niyakap ako ni Rod.

"Saka na 'yang loving loving n'yo," saway ni Kuya sa amin. "Magpahinga na tayo. Pasado alas dose na."

"Tara na, matulog na tayo." Umakyat na kami sa taas, pumasok na si Kuya Drei sa silid niya. Itinuro ko ang hagdan patungong 3rd floor kina Rod. "May extra room pa sa 3rd floor. Doon na kayo mag-stay. Mukhang ginamit na ng mga kasama ni papa ang ibang rooms dito."

Umakyat na ang dalawa, naiwan si Rod sa tabi ko habang nakatayo sa tapat ng room ko. "Oh, ayaw mo pang umakyat? Matulog ka na."

Iniyakap ni Rod sa baywang ko ang mga braso niya. "Sandali lang, magpapaalam lang ako sa girlfriend kong maganda na, matalino pa. Paano mo naisip na huwag sabihin sa kanila ang tungkol sa UPG at sa abilities natin?"

"Baby, mahirap na. Paano kung mabuking si Gio na nagpapanggap siyang myembro ng kulto, tapos paaminin, eh 'di yari tayo. Sana nga hindi mo sinabi na kayo ang pumasok do'n, pero okay na rin 'yon, para maalarma ang mga kalaban na kaya na pala ng mga pulis na pasukin sila." Inayos-ayos ko ang collar ng polo shirt niya, saka ko siya tinitigan.

"Don't look at me like that, baka makalimot ako." Malambing na banta ni Rod.

Napatawa ako. "Kasal muna, bago 'yon. Okay?" Paglilinaw ko sa kanya. I still want to preserve myself for my future husband. Old fashioned ako, at iyon din ang nakaugalian ng angkan namin.

"I respect your decision. Kaya kong maghintay ... pakasal na tayo bukas?" Pilyong biro nito.

"Loko ka ha!" Kinurot ko nga sa tagiliran, napatawa naman 'to.

"Joke lang. Maghihintay ako. Gano'n kita kamahal." Inilapit ni Rod ang mukha niya sa akin, saka ako hinalikan sa lips nang banayad. Gumanti ako ng halik. Ilang segundo rin bago ako kumalas.

"Matulog na tayo. Goodnight, baby." I kissed him lightly on his nose.

"Goodnight." He kissed me on my forehead. Binuksan ko na ang pinto ng room ko saka ako kumaway sa kanya. Nagtitigan muna kami bago ko isinara ang pinto. Napangiti pa ako ng matamis at napahawak sa mga labi ko bago ako nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan. Napakaraming nangyari ngayon. Ang dami kong nalaman. Bukas, magsisimula ulit kaming mag-imbestiga.

Kinabukasan ay ikinuwento namin kay Papa ang nangyari kagabi, pati ang mga nalaman namin kina Gio, and he also believed that we should keep our secrets for the mean time. Para na rin sa safety ko at ng organization.

Hinatid kami ni Rod sa school, hatid naman ng dalawang tauhan ni Papa si Milet, na mga magpapanggap din na students. Ang natitirang apat ay papasok bilang students na kunwari ay hindi namin kilala.

Ibinaba kami ni Rod 2 blocks away from school. I kissed Rod bago ako bumaba. Inakay ako ni kuya patungong gate ng school. Sa di kalayuan ay tanaw namin ang sinasakyan nina Milet, huminto ito sa tapat ng school. She already caught the eyes of male students na pumapasok pagbaba pa lang niya ng kotse. She's wearing red dress na half ng hita ang haba, at off shoulder ang style. She really looked like a goddess of beauty. Wala naman kasing uniform ang school for college department. I'm wearing my normal skinny jeans and fitted blouse, my comfort clothes. 'Di ako sanay mag-dress.

We entered the school, nauuna sa paglalakad sina Milet. Men are drawn with her beauty. Pati si Kuya ay mukhang hibang rin sa ganda ng nasa harap niya.

"Kuya, panyo oh." Iniabot ko ang panyo.

Wala sa loob na inabot ni Kuya ang panyo ko. "Para saan 'to?" Tanong niya ng di tumitingin sa akin.

"Para sa laway mo. You're literally drooling over her." Pang-aasar ko.

"Heh!" Iniabot sa akin ang panyo saka tumingin ulit sa harap. Napailing na lang ako.

Narating namin ang Annex Building ng matiwasay. Dumiretso na kami ni Kuya sa kanya-kanyang classroom namin. "Hi, Arlene!" Bati nina Daisy at Emma pagbungad ko pa lang sa classroom.

"Himala, ang aga n'yo ah!" Kantyaw ko sa kanila. Sila lang dalawa ang nasa room.

Binuklat-buklat ni Emma ang libro niya. "Kailangan eh. May long quiz daw tayo sabi ni Sir Tony, 'di ba?"

Naupo na ako sa tabi ni Emma, sa kabilang side naman niya si Daisy. Kating-kati na akong sabihin sa kanya na buhay ang ate niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

Emma was busy flipping her book when she cursed. "Damn! Kinikilabutan ako. Ang lamig ng batok ko!"

I looked at her, then I saw a hand of a ghost holding her nape. Kunwari ay hindi ko napansin 'yon, pero it was Natalie. Si Emma naman ang pinagtritripan ngayon. Tsk. I secretly searched Emma's arm to look for amethyst brecelet pero hindi niya suot. Kaya pala. I am wearing my necklace now, kaya hinawakan ko si Emma. Bumitiw si Natalie sa batok niya. Napangisi ako ng palihim. Ikinawit ko pa ang braso ko kay Emma at nagpanggap na inaantok. Humilig ako sa balikat niya.

Napalingon sa akin si Emma. "Hindi ka ba nakatulog? Mukhang puyat ka."

"Inaantok pa nga ako e. Paidlip sa balikat ha?"

"Sige." Buti naman at pumayag siya. "Himala, nawala ang malamig na hangin sa batok ko." Bulong nito. Ipinilig pa nito ang ulo bago bumalik sa pagbabasa.

Gio entered the room. Tumingin siya sa akin saka kumaway. Ginantihan ko na lang ng ngiti bago ako pumikit. Do I need to hold Emma for the entire duration na narito kami sa Annex?

"Sige, bantayan mo ang kaibigan mo. Baka siya na ang isunod nila." Bulong ni Natalie sa akin. Ramdam ko ang malamig na hanging dumapo sa pisngi ko.

To Be Continued...

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Where stories live. Discover now