Chapter 38

14.9K 556 17
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Gio na si Dominus ay yung pilantropong nagbigay ng lupaing ito sa mga Trinidad. Saka ko na nga iisipin 'yon. Bahala na ang mga pulis na mag-imbestiga do'n.

Tinungo namin ni Gio ang binubungkal na dulong bahagi ng garden kung nasaan ang mga katawan ng biktima. Siguradong nagtitibag rin sila sa ilalim.

"Matagal pa 'to, puntahan natin ang nagse-search sa loob." Aya ni Gio. Tinungo namin ang gawi kung nasaan ang hidden wall. May ilang pulis ang naroon, pero hindi nila alam kung paano bubuksan ang sikretong silid.

"May access ang mga Trinidad. Mayroon din si Diego, pero hinuli na po siya. Sirain n'yo na lang po ang wall na 'yan." Suggestion ni Gio sa mga pulis. Ini-radyo ng isang pulis na magdala sila ng maso sa Annex para wasakin ang wall. Gawa ito sa narra pero kaya itong wasakin ng maso.

Ilang saglit pa ay dumating ang ilang sundalo na may dalang mga maso. Lumapit sila sa wall at winasak nila ito. Tumambad sa amin ang lihim na silid kung saan ginaganap ang karumal-dumal na kawalanghiyaan ng Dominus na 'yon at ng myembro ng kulto niya. Nagsipasukan kami sa loob, kinuhanan ng litrato ng investigator ang bawat sulok ng silid. Nakita nila ang kama na may itim na cover, at ang bungong may sword at snake na gamit ng mga ito sa pag-aalay.

"Ano ba ang pumasok sa kukote ng mga taong 'to at mayroon silang ganito? Mayayaman na sila, ano pa ang dapat ikasira ng ulo nila?" Napapailing na sabi ng isang investigator na gwapong bigotilyo. Mukhang nasa 30's, ka-age ni Peter. May cabinet sa kaliwang bahagi ng silid malapit sa kama, tinungo 'yon ng investigator na kumukuha ng litrato at sinusubukang buksan pero naka-lock ito. Nainis yata kaya hiniram ang maso na hawak ng isang army saka pinukpok ng malakas ang cabinet. Tumambad sa amin ang maraming gamit ng babae. Suklay, panyo, wallet, hair clip, head band at kung ano-ano pa.

"Ano 'yan? Kinokolekta nila ang gamit ng lahat ng victims nila?" Nilapitan ko ang mga 'yon. Puro nga gamit na pambabae. Tiningnan ko ang wallet at binuksan. May school ID dito at picture ng babaeng estudyante. Monina Santillan, 3rd year, school year 1994. Hindi pa uso ang K to 12 no'n. Ito 'yong ngumiti sa akin nuong patakas kami ni Rod. Isa pala ito sa mga unang nabiktima ng mga Trinidad.

"Mukhang maraming dapat ipaliwanag ang mga Trinidad. Tsk, tsk, tsk." Napapailing na sabi ni mamang pulis na bigotilyo. Ginamit nito ang radyo at tinawagan ang kasamahan. "Juancho, magdala ka dito ng maraming resealable plastic bag, medyo marami tayong isisilid na ebidensya."

"Sir, nahuli po ba ang bagong may-ari? Si Mr. Segundo Trinidad?" Curious na tanong ko. Wala dapat makatakas sa kanila. Itinanong ng pulis sa kausap sa radyo ang tanong ko.

Umiling ito. "Wala daw Miss. Hindi siya kasama sa nahuli nila. Nakatakas siya."

"No way. May alam siya dito. Imposibleng wala. Hindi siya pwedeng makatakas." Nanlulumo kong sabi. Inalalayan ako ni Gio patayo.

"Huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa wanted list na siya pagkatapos nito. Ang daming ebidensya n'yan. Ewan ko na lang kung makalusot pa sila." Inaya na ako ni Gio palabas ng lihim na silid. "Hayaan na natin silang mag-imbestiga do'n."

Tinungo namin ang mga naghuhukay. Madilim na rin kaya kailangan nang maglagay ng portable lights. Tapos na sila at nakita nila ang maraming buto na nakabaon dito. May ilan na nakasuot pa ng sira-sira nang school uniform. Tanaw rin namin ang Tunnel at ang mga nagtitibag sa ibaba mula sa pwesto namin sa ibabaw. "This is really crazy! Ganito nang karami ang nabibiktima nilang estudyante? Nasaan ang puso ng mga taong 'to?" Sabi ng nag-ooperate na hepe ng pulisya. Chief Delgado ang nakasulat sa patch niya.

"Chief, sana po mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima nila." Pakiusap ko dito.

"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong magbabayad ang lahat ng may gawa nito. Imagine, kung isa ang anak ko sa ginanito nila? Baka lumabag ako sa batas at patayin ko na lang sila dito na. Tapos ibabaon ko sila diyan." Nanggigil na sabi ng Hepe. Inutusan nito ang mga tauhan na ingatan ang pagkuha sa mga katawan maging ang mga gamit na makukuha nila bilang ebidensya. Ipapa-DNA daw ang lahat ng ito para sa pagkakakilanlan.

Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaanak ng mga nawalang estudyante mula pa noon. Hinayaan na namin sila doon at lumabas na ng school. Wala na rin ang mga nahuling Trinidad maging si Diego, dinala na raw sa presinto pero nasa labas pa rin ang mga estudyante na nakikiusyoso sa school kahit gabi na. Nilapitan ko si Rod. "Baby, maraming kasapi ang kulto, dapat mahuli silang lahat."

"Don't worry. Nagserve daw sila sir Rick ng warrant sa hospital na pinagdalhan sa kanila para makuha ang records. Nakuha na raw nila ang list ng mga naospital na na-tear gas ko no'n. Lahat sila ay may warrant of arrest na. Anytime ay dadamputin na ang mga kasapi ng kulto." Niyakap ako ni Rod. "Matatapos na rin ang gulong 'to. Matatahimik na ang mga kaluluwa ng mga biktima."

"Sana nga, baby, sana nga. They don't deserve to be treated like this. Kailangang magbayad ng mga walanghiyang 'yon." Pumatak ang luha ko dahil sa sobrang galit sa mga Trinidad at matinding awa sa mga nakita kong kalansay ng mga estudyante.

"Ganda! Ano ang nangyayari sa mga estudyante? Bakit sila nagwawala?" Tili ni Hanz.

"Hanz, ayos ka lang ba? Wala bang nanakit sa'yo?"

"Ayos lang ako, pero naloka ako kay Rose ha. Sinapian talaga 'yong bruha na 'yon? May sasapi pa pala do'n? Dati nang may sapi 'yon eh!" Saka 'to humalakhak ng malakas.

"Sira ka talaga. Sige na, magsiuwi muna tayo sa mga bahay natin. Mukhang matatagalan pa sila sa pag-iimbestiga sa loob." Taboy ko kay Hanz.

"Pero totoo ba ang narinig ko? May mga kalansay daw sa loob? Saan galing ang mga 'yon?" Kinikilabutang tanong ni Hanz.

"Mahabang storya, malamang nasa news na 'yan kaya panoorin na lang natin do'n. Hayan na sila oh." Itinuro ko ang ilang media men na nagsibabaan sa iba't ibang sasakyan from different media company.

"Hala! Gano'n ba kalala ang sitwasyon ng school para mabalita sa buong Pilipinas?" Nakanganga pa rin si Hanz, biglang mamilog ang mga mata nito pagkakita sa Kuya kong papalapit sa amin. "Ang gwapo talaga ng kapatid mo!" Sabay kurot sa braso ko.

"Aray, bruhilda ka talaga!" Humalakhak ang beki. Kilig na kilig sa kapatid ko.

"Arlene, gano'n pa rin si Emma. Naroon naman ang kakambal niya, binabantayan siya sa kotse. Nakaposas din siya at baka makatakas pa." Tiningnan nito si Hanz saka nginitian. Mukhang hihimatayin naman ang beki.

Tinawag ni Ana si Hanz. "Bakla ka! Halika dito, si Luisa nasaksak din daw! Sundan natin sa hospital!"

"Ha? Ay naku Arlene saglit lang ha!" Saka kumendeng-kendeng na tumakbo palapit kay Ana.

Nakakagaan talagang kausap ang beki na 'yon. "Kuya, samahan mo ako kay Emma."

Tinungo namin ang kotse kung nasaan si Emma, nakaakbay sa akin si Rod, kasunod namin sina Gio, Mike at Peter. Naroon siya sa loob at walang malay, katabi ni Emman at ni Daisy. Nakita kami ni Emman, lumabas sila ng kotse. "Tulungan n'yo ang kakambal ko, please."

"Hindi ko rin alam kung paano siya matutulungan. Teka, baby, nasaan si Papa?"

"Nasa Villa. Tara, pumunta tayo doon. Siya ang makakatulong kay Emma."

NECROPOLIS (Published - Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon