Chapter 32

15K 614 21
                                    

Hinanap namin ang itim na sasakyang sumundo kay Gio. "Hindi 'yon lalayo. Naiwan ni Gio ang sasakyan niya kaya magpapalipas lang 'yon ng oras sa tabi-tabi." Sigurado ang tono ni Rod.

Hindi pa kami nakakalayo sa Villa nang matanaw namin ang naka-park na dalawang itim na kotse sa di kalayuan, halos nakatago sa damuhan. Nakatayo sa palibot nito ang mga sakay kanina. Nag-menor si Rod sa likod ng sasakyan nila. Sapat ang liwanag mula sa mga poste ng ilaw para makita namin ang mga mukha nila ng maayos. Nauna siya at si kuya na bumaba, kasunod sina Mike at Peter, bago ako. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Diana, pati ni Gio nang makita nila kami, lalo na ako.

"Arlene..." Hindi mapakaling sabi ni Gio.

Tiningnan ko lang siya, saka ko tiningnan si Diana, may hawig sila ni Daisy kaya hindi maikakailang magkapatid sila. "Buhay ka pala, pero hindi ka nagpapakita sa inyo, alam mo bang alalang-alala na ang pamilya mo sa'yo, lalo na ang Mama mo? At bakit kayo nagtatangkang pasukin ang bahay namin?" Sermon ko dito. Hindi nakasagot si Diana, halo-halo ang expression na nakikita ko sa mukha niya. Takot, pagkalito, pag-aalala. Naka-bun-style ang buhok nito kaya napansin ko ang parang naghilom na malaking laslas sa gilid ng leeg nito.

"A-Arlene, isusumbong mo ba kami sa school?" Nag-aalalang tanong ni Gio.

Nagtatanong ang mga mata kong napalingon sa kanya. "Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Myembro ka nila, hindi ba? Kasapi ka nila. Babae ka pa naman pero sumapi ka sa karumal-dumal na gawain nila?" May pang-uusig na sabi ni Gio. "Kamag-anak mo ang mga Trinidad, kaya nga kayo na ang nakatira sa Villa na 'yon."

"Gio, ikaw ang naroon sa kulto na 'yon, kasapi ka nila. Mukhang matagal ka na nga eh." Napatawa ako ng mapakla. "Besides, kabibili lang namin ng Villa, ang dating nakatira do'n ang kamag-anak ng asawa ng matandang Trinidad."

"Sumapi lang ako para mahuli ang pumatay kay Monique." Nagtiim-bagang si Gio sa sobrang galit. "First initiation ko dapat last time pero thank God at naudlot dahil may nagligtas do'n sa biktima nila. Kabado nga ako, dahil gusto nilang ipatikim sa amin ang unang alay pagkatapos gamitin nung Dominus."

"A-ano kamo? Pinagpapasahan ng myembro ang mga biktima?" Napalingon ako kay Diana, kumunot ang noo ko saka lumipat ang tingin ko sa dalawang lalake na kasama nila. Kamukha ni Gio ang isa sa kanila. Bumalik ang tingin ko kay Diana.

"Nakaligtas ako. Iniligtas ako ng kuya ni Gio, si Gerald." May pumatak na luha sa mga mata nito. "Ginamit ako sa unang pag-aalay, ginamit ako ng Dominus na 'yon ng wala akong kamalay-malay." Hinawi nito ang ilang hibla buhok na lumadlad mula sa pagkakapusod para ipakita ng ang leeg na may peklat. "Ito ang resulta ng kahayupan nila."

Pinigil ni Rod ang pagkukwento ni Diana. "Sandali, hindi ligtas kung dito tayo magkukwentuhan. Duon tayo sa Villa." Inakay ako ni Rod patungong sasakyan, at nag-convoy kami pabalik sa Villa. Duon nila ipinagpatuloy ang pagkukwento sa mga naganap. Wala ng tao sa sala, tulog na siguro sila. Bukas na namin sasabihin kina Papa 'to.

Inakbayan ni Gerald si Diana para pakalmahin sa pag-iyak bago ito nagsalita. "Bagong pasok kami noon sa kulto, 5 years ago. Dalawa kaming magbarkada na walang alam sa mga nangyayari sa school. No'ng una, hindi namin alam kung saan kami papasok, basta exclusive school club daw, iyon ang sabi ni Sir Antonio. We waited sa Faculty until mag-close ang Annex Building. Inilabas ni Sir Antonio ang itim na kapote at maskara, saka itim na hand gloves. Inaya kami sa hidden room. Doon, nagseremonyas si Dominus, humingi ng takdang alay, ipinasok ang alay, naglabas ng maraming pera at pinamigay sa lahat, nag-abot din ng maraming pera sa babaeng spokeperson nuong gabing 'yon," tumingin ito kay Diana, "at nasaksihan namin ang karumal-dumal na kahayupang ginawa niya kay Diana. Sa harap naming lahat, ginawa niya ang kamanyakan niya. Gusto naming pumalag pero delikado rin ang buhay namin. Wala kaming means para makalabas dahil ilang myembro lang ang may access para makapasok at makalabas do'n ... she was a virgin, so he was satisfied with the offering. Kinuha niya ang karet at hiniwa ang leeg ni Diana. Kumuha ng dugo mula sa sugat at ipinahid sa bungo na nasa taas ng headboard ng kama. Alay daw sa kanilang anito ang dugo ng malinis na babaeng inangkin ng anak ng anito."

NECROPOLIS (Published - Viva Books)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن