Chapter 18

53 2 0
                                    

THE SECOND LOVE STORY
Geo Enriquez

Dito sa WIA, one week ang itinatagal ng intrams pero pagkatapos nun ay tambak naman kami sa paper works na mula sa mga magagaling na lecturer.

Day three na ngayon at sa kabutihang palad, hindi pupunta ngayon sila Nikko at Luke dahil dalawang araw na silang absent sa mga klase nila. At sa buong araw, hindi ko nakasama ang dalawang babaeng yun.

Nagkaroon ako ng oras para muling pagmasdan ang mga kilos ni Georgina Serenity. Okay na eh, I'm not doubting her presence anymore but on what happened in the mall? I was starting to be suspicious on her again.

Hindi ako tanga para hindi malaman na yung kapatid ko yung nakita nya sa mall. Kung paano sya natigilan at nataranta, akala nya hindi ko alam that she actually texted Diane that time?

Well I saw it. Pagbalik ko sa game zone, I saw Diane holding her phone and then placed it back in her pocket. Pagbalik ko ay bigla na syang nag-explain na emergency daw just like what Georgina Serenity told me. I'm not even asking for it but she kept on telling us, napaghalataan tuloy.

I went to the pit hoping that I could find her there but she's not. I saw Jhong playing cards with his puppet at mabilis ko silang nilapitan, without saying any word his puppets left us alone.

"Do you remember what you, and your gang did to me last time?" I asked him with my serious tone at napatikhim sya.

"Hindi yun ang intesyon ko, Braylon." Sagot nya kaya natawa ako.

"Mukhang hindi mo pa talaga ako nakikilala, Jhong. Mukhang maling tao ang binabangga mo. Hindi dahil nandito ako at lumalaban sa impyernong ito, katulad mo na ako. Nagkakamali ka Jhong." Ngisi ko at bakas sa mukha ang takot, sa sobrang takot nya ay mabilis nyang nilagok ang alak na nasa harapan nya.

"Braylon pasensya na."

"Akala mo ba dahil lasing ako wala na ako sa wisyo?" Tanong ko pa at tuluyan na syang napayuko. "Akala mo yata kahit dumudugo ang tagiliran ko kaya mo na akong patumbahin?" Dagdag ko.

"Braylon, ako yung wala sa wisyo. Nasa kamay ako ng droga sa panahong yun kaya unawain mo nalang." Sagot nya at napailing-iling ako.

Bumuntong hining ako at nagsalin ng alak na nasa harapan naming dalawa. "Sino yung taong hinahanap mo sa WIA?" Tanong ko at doon lang sya muling nag-angat ng tingin sa akin. "Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong ito na ang huling tikim mo ng alak." Banta ko.

"Si Geo, hindi ko alam ang tunay nyang pangalan pero yun ang ginagamit nya dito sa pit." Sagot nya. All this time, I was right. Sya nga ang hinahanap ni Jhong. "Ilang beses syang lumaban dito sa pit at lahat ng mga bata ko ay pinatumba nya. Maging ako." Halatang nahihiya sya sa huling sinabi nya.

"Kaya mo sya hinahanap?" Tanong ko at tumango sya.

"Bigla syang nawala, hindi namin sya mahanap kasi hindi pa kami nakakapaghiganti sa ginawa nya sa amin. Para sa akin malaking utang yun, kaya hinanap ko sya at natagpuan ko nga sya sa WIA." Patuloy nya.

"Wala ka na bang nalalaman tungkol sa kanya?" Tanong ko pa at luminga sya sa paligid. Bigla nyang tinuro yung lalaking nasa bar counter at may kausap na babae, nalasuot ng makapal na salamin at gulong-gulo pa ang buhok nya.

"Kilala mo yan?" Tanong nya. Felix De Vera, isang IT expert. "Yan ang tropa ni Geo dito." Muli kong nilagok ang nasa baso kong alak bago tumayo at lapitan ang lalaking yun. Ang kaninang kasama nyang babae ay umalis na rin ng makitang tumabi ako mismo kay Felix.

"Braylon?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Bukod sa pagiging full time technical manager dito sa pit, ano pa ang iba mong trabaho?" Tanong ko at kahit naguguluhan ay dahan-dahan syang umiling.

The Second Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now