Chapter 69

48 4 1
                                    

THE SECOND LOVE STORY

Gelynne Enriquez

"Miss, kaano-ano ka ng biktima?" Nag-angat ako ng tingin sa nagsalitang Nurse pero hindi ko pa sya sinagot at napatingin pa sa pintuan ng operating room kung saan nila pinasok si Geo kanina.

"Girlfriend." Walang pagdadawalang-isip na sagot ko at tumango ang nurse.

"Hindi mo po ba kilala ang family nya o kahit na sinong blood related sa kanya?" Muli nyang tanong at umiling ako.

Yes I lied.

I just feel lile doing it. Sa ibang ospital nga namin sya dinala ni Felix at hindi sa Wilson International Hospital dahil siguradong pagkakaguluhan sya doon.

"Georgina." Nilingon ang kadarating lang na si Felix at may dalawang dalang plastic cup na naglalaman ng kape.

"Salamat." I said as I took a sip on it.

"He'll be fine, stop worrying." He said and smiled a faint one.

Alam ko. Geo is a tough one at hindi sya mamamatay sa simpleng bala ng baril lang.

Halos isang oras din kaming naghintay at ng lumabas ang doktor at sinabing stable na ang lagay nya saka palang nagpaalam si Felix dahil inaantay naman sya ng asawa nya.

"Felix thank you." I sincerly said and he  gave me his salute.

"No worries." Nang makaalis sya ay sya namang paglapit muli ng nurse sa akin at inaabot ang maliit na plastic.

"Mga nakuha po naming personal belongings nya, Ma'am. You can see him at his private room na po." She said politely at tumango ako bago kunin ang inaabot nya.

Tumayo din ako agad para puntahan sya at nakita syang nakahiga at natutulog na ng mahimbing sa hospital bed. See, he will survive.

Naupo ako sa tabi nya kahit na may mga bahid pa ng dugo nya ang damit ko bago tignan ang bigay ng nurse.

Isang relo, wallet at cellphone. Una kong binuksan ang cellphone nya pero hindi ko yun ma-access dahil may password. Sumunod kong binuklat ang wallet nya pero nanlumo ako sa tumambad sa akin.

Kim Je Ha
Korean Citizen

What the hell is this? Anong Kim Je Ha? Sa isang iglap, parang gumuho ulit ang mundo ko. Bakit ganun? Akala ko sya na si Geo pero ano itong ID nya? Bakit sya korean citizen?

Muli kong pinagmasdan ang mukha nya trying to find a thing that could prove that he's not really Geo pero wala. Wala akong makita kundi ang nakilala kong Geo Enriquez.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko bago ibaba ang ID nya para hawakan ang kamay nya. Even his hands that used to hold me felt like it was really Geo.

Umasa na naman ba ako sa wala?

The next thing I knew, nakasandal na ako sa pader at nasa harapan ko na si Geo. He was staring at me furiously while his hands are on my neck strungling me again.

"Where am I?" Puno ng galit na tanong nya.

"Bitawan mo ako nasa—"

"I said where am I?!" Muli nyang sigaw.

"Nasa ospital ka. I took you here." I answered at doon palang sya naglibot ng tingin hanggang sa mapadako ang tingin nya sa kamay nyang may nakakabit paring IV. "Can you let me go now, Geo?" I asked pero sa tinanong ko lalo lang nyang diniinan ang pagkakasakal sa akin.

"I told you I'm not Geo!" He shouted na muli kong ikinapikit. "What are you doing in that place? Why are you there, huh?" He asked again.

"I followed you." I honestly answered at hindi ko na naman inaasahan ang sumunod nyang ginawa.

The Second Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now