Chapter 33

69 2 0
                                    

THE STORY OF MOVING ON

Geo Enriquez

Pangalawang araw na namin sa lugar na ito. Wala kaming ginawa kundi mag-ikot at mamasyal sa buong lugar pero hindi ako makapag-concentrate.

Maya't maya kasi pumapasok sa isip ko yung napag-usapan namin ni Serenity kagabi eh. Ano bang nakain ko at bigla akong umamin at dumaldal ng kung ano-ano sa kanya?

Bigla tuloy ayaw kong umuwi kasi nahihiya na ako sa mga pinagsasasabi ko sa kanya.

"Geo, tikman mo to." Bigla na namang nakalapit sa akin si Nikka at may hawak na lychee. May farm din kasi sila at ang dami nilang mga tanim na prutas at gulay. Kasalukuyan kaming namamasyal dito ngayon at napa-peacefull ng lugar.

"Ayaw ko." Sagot ko bago sya iwan dun at lumapit kay Mommy. Nahihiya kasing lumapit sakin ang tiyanak na yun kapag katabi ko si Mommy eh.

"Takot ka ba sa babae anak?" Natatawang tanong ni Mommy.

"Takot ako sa ganyang itsura ng babae." Sagot ko sabay turo sa mukha ng Nikka na yun. "Gabriel!" Tawag ko sa kanya na busy sa pagtingala sa puno ng mangga. Lumingon naman sya kaya nginisian ko sya.

"Baka gusto mong arburin ulit si Nikka? Sayo na." Ngisi ko at sumama ang timpla ng mukha nya. Si Mommy naman sinaway pa ako. "Mommy yang si Gab, mahilig sa mga bagay na konektado sa akin. Malay mo, magustuhan na naman nya si Nikka, diba Gab?" Sabi ko.

"You know what, you must move on. You keep on bringing back my mistake." Inis na sagot nya kaya natawa ako.

"It's not mistake, Gab. Hindi yun pagkakamali dahil ginusto mo yun." Sagot ko bago sya iwan dun at sumunod kay Gwen na nagsasarili habang naglalakad at may hawak pang basket na malapit ng mapuno sa mga pinitas nyang prutas.

Nag-selfie ako sa tabi nya ng walang pasabi at mabilisan yung pinost sa facebook. Habang si Gwen, ngumangawa dahil bukod sa nakapikit sya at nakanganga pa sya dahil sumusubo sya ng lansones.

"Daddy! Geo is bullying me!" Sumbong nya kay Daddy ng masalubong namin ito.

"Bakit na naman?"

"He post the picture na ang pangit ko!" Pagmamaktol nya.

"Gwen para namang hindi ka pangit araw-araw." Nandito na naman si Gab kaya umalis na ako para sila na ang magbangayan dun.

Inikot ko nalang mag-isa ang farm pero sa sobrang lawak,pakiramdam ko nawawala na ako dahil unti-unti ng nawawala ang mga puno at natatanaw ko nalang ngayon ay ang malaking fish pond di kalayuan sa akin.

May mga tao dun at mukhang nanghuhuli sila kaya mabilis akong lumapit. "Kayo yung bisita ni Mayor?" Tanong nung isa at tumango ako. "Ito ang pananghalian nyo mamaya at dito daw kayo kakain sa farm eh." Sabi pa nya kaya napatango ulit ako.

"Pwede pong subukan?" Tanong ko sabay turo sa ginagawa nyang paghuli at nakangiti naman syang tumango bago ibigay sakin yung parang net.

Di nagtagal at dumating rin sila Gwen na inagaw sakin ang hawak ko dahil nainggit sa ginagawa ko. Hinayaan ko nalang sila at naupo nalang sa loob mh kubo.

Nakita kong mukhang palapit si Nikka dito kaya muli na naman akong lumabas at tumabi kay Mommy. Sumandal pa ako sa kanya dahil pagod ako pero hindi ako makapagpahinga dahil sa tiyanak na yun.

"You rest anak." Sabi ni Mommy pero tinuro ko yung tiyanak kaya natawa sya na mukhang nakuha naman ang ibig kong sabihin.

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga ulit kami sa bahay nila bago pumunta sa dagat. Sa aming lahat, sila Gwen at Mommy lang ang nag-swimming pero ako ay piniling mamangka nalang mag-isa.

The Second Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now