FORMATION

967 26 0
                                    

Daniel's Pov

Wala akong maisip na pangalan. Sa tagal kong nagte- text sa kanya, hindi ko 'to naisip.

: I'm JN. JN SANTOS. 22 years old :)

Buti na lang nakaisip ako ng pangalan. JN, initial ng John Norwin ng pangalan ko at Santos, 'di ko alam sa'n nanggaling yun. Basta pumasok na lang sa utak ko.

SEÑORA: Woow! Nice name :) Nauna ka lang ng one year sakin.

  
: hahaha.:D

    
SEÑORA: Sige na JN tulog nako. Maaga pa kasi ako bukas. Thanks sa time:) Ingat. Goodnight.

   
: sige.:) goodnight :*

How I wish makausap ko pa siya. Di ko namalayan umuwi na pala ang mga mokong. Sa mga ganitong plano, hindi ko talaga sila maaasahan.

....

Simula na pala ng practice namin ngayon. Whole day, Whole week ko makakasama si Kathryn. A whole day and a whole week with MY GIRLFRIEND.

Andito na kami sa gym ngayon. Nagwawarm up. Pero wala pa siya.

Bigla kong naramdaman ang presensya niya nang napalingon ako sa gate. She's here.

"Hoy pre! Tulo na laway mo!" Nagulat naman ako sa pagsabat ni Dom. "Teka. Aray uy masakit!" binatukan ko ang loko. Pasalamat ang loko at nakuha pa siya sa Nutri Jingle.

Inirapan ko lang ang gago.

"Grabe Dom." Nakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Grabeng ano?"

"Grabe! Lakas ng appeal niya" I don't need to lie. It is true. Malakas ang appeal niya.

"Grabe rin!" Natatawang sabi niya.

"Ang alin?"

"Grabe! Baliw ka na nga. Baliw na baliw na sa kaniya. Halos tumulo na nga laway mo." Kung di ko lang 'to kaibigan siguro matagal ko na 'tong napatay.

"Fuck dude! Tumigil ka nga! Para kang bata makapang asar. Kanina ka pa. Baka gusto mong tawagin ko si Lourie?" Nakangising sabi ko. Si Lourie lang naman katapat niya eh.

"Fuck Dude! Subukan mo lang! Tsaka bata? Weh? Ikaw ata! Kasi tulo na laway mooooo! Hahaha! Oh sige na! Paalala lang, laway mo ha? Ingatan mo baka tumulo" babatukan ko sana ulit kaso tumakbo bigla.

"Okay guys start na tayo! Formation niyo is ganito...." tas yun inexplain niya yung mga gagawin namin. Yung mga formation palang pero yung mga steps hindi pa.

Guess what? May formation kami na circle tas maghahawakan ng kamay. At damn. Si Kath ang katabi ko! Tadhana nga naman oh!

Nagrereklamo na naman sa Leader namin kasi nga katabi niya na naman ako. Dapat nga magpasalamat pa siya kasi boyfriend niya 'ko tsaka nahahawakan niya kamay ko eh yung mga iba nga halos ibigay na ang mga kaluluwa para lang mapansin ko.

"Okay guys! Break muna tayo para ready na tayo for practice mamaya! Okay sige break muna guys!" Sigaw ng leader namin. Agad naman na nagsialisan ang mga kasama namin para magbreak.

"Dude! Tinititigan mo na naman! Nagseselos nako ah!" Gago talaga 'to. Napatingin lang naman kasi ako kasi ang ganda niya talaga.

"Oh sige na babe! Tara na! Gutom na 'ko!" sabay akbay kay Dom. Grabe ano ba trip ko ngayon? Ang alam ko si Kathryn lang naman ang trip ko.

Siya ParinWhere stories live. Discover now