CHAPTER FORTY-ONE

606 24 7
                                    

KATHRYN's POV

Di ko inexpect na dito pala hahantong ang pagkausap ni Dj sa barkada.

Narinig ko lahat ng usapan nila. Pagbaba ni Dj, sinundan ko siya.

Ba't kasi ganun? Ang alam ko wala maman kaming kasalanan ni Dj. Pati ang best friend ko nakisama na rin sa kanila. Ayoko sana siyang iwanan kaso, parang siya rin naman tong may ayaw na makasama ako.

Nagulat ako nung pumara si Dj ng bus papuntang Baguio. Baguio? Seryoso ba 'to?

Di ko na alam kung ano pang susunod na mangyayari gulong-gulo na 'ko. Pero dahil kay Dj naliwanagan ako.

Buti na lang at andiyan siya.
Andiyan siya para ako'y patahanin sa king pag-iyak. Andiyan siya para samahan ako. Andiyan siya. Minamahal at inaalagaan ako.

Nakasandal ako sa balikat niya. Pinapatahan ako sa 'king pag-iyak. Ewan ko kung ba't ganito ako. Naiiyak sa mga simpleng bagay lang.

"Tama na. Kath. Please! Ako naman tong pinapahirapan mo eh." Sabi niya sa 'kin habang hinahawakan ang aking kamay.

"Thank you dj. Thank you kasi andiyan ka. Di mo ko iniwan. Di mo ko pinabayaan." Sabi ko sa kaniya.

"Oo na! Basta shit. Kath! Please stop crying." Buti na lang at medyo konti lang ang nandito sa loob ng bus. Akalain niyo! Sinigaw pa talaga niya. Pero di naman masyadong kalakasan. Hihihi.

"Oo eto na. Tatahan na. Basta huwag ka na ulit sumigaw. Nakakahiya dj. Hahaha!"

"Yun lang pala eh!"

"Anong yun lang?"

"Yun lang pala ang paraan para mapatawa kita." Sabi niya.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi niya. This man never fail to put a smile on my face. Kahit pinapaiyak niya 'ko minsan, alam niya parin kung pano siya babawi at kung pano niya ko papangitiin muli.

Di ako makatulog. Ganun din siya. Ewan ko. Hindi ko namalayan na gabi na naman pala. Hays!

Tumigil ang bus. Sabi ng isang mama stop over daw muna.

"Gutom ka?"

"Hihi. Medyo."

"Talaga ikaw. Ako na lang bababa. Dito ka na lang. Just stay here. " Tumayo na siya.

"Ayoko nga. Sasama ako. Naiihi ako. Hahaha."

"Hahaha. Oh sige na. Get your phone. Tsaka yung wallet mo."

"Oo na po mister!" Kinuha ko na lang yung sling bag ko.

"Good girl!" Sabay gulo sa buhok ko.

Tinulungan niya pa talaga akong tumayo. Kinikilig ako na hindi. Kasi naman! Para na 'kong may sakit. Palagi niya kong inaalalayan. Pero mabuti na rin yun! Hahaha.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa 'kin. Pinapapili niya 'ko kung ano daw ang gusto ko. Hahaha.

"Ikaw." Napatingin agad siya sa'kin. "Joke! Kahit ano na lang diyan. Basta nakakabusog tulad ng pagmamahal mo! Hahaha." Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko! Ay ewan! Pati si ate na nagtitinda napapangiti sa mga pinagsasabi ko.

"Halika nga dito!" Syempre ano pa bang magagawa ko! Lumapit na lang ako sa mister ko.

Magdidinner na sana kami pero baka ayaw ni dj tong foods dito. Syempre yun! Anak mayaman! Lam niyo na guys! Hahaha

Paglapit ko sa kaniya, agad niya kong inakbayan. Bigat naman ng kamay nito.

Pagkabili namin ng foods, nagsimula na 'kong maglakad papunta sa CR. Baka matagal pa tong stop over namin. Kumakain pa kasi yung mga driver ng dinner nila.

Siya ParinWhere stories live. Discover now