CHAPTER SIXTY-SIX

570 9 2
                                    

Kathryn's POV

Ang daming nangyari. Ang daming nagbago.

Hindi ko alam kung magsisisi ba 'ko sa mga ginawa ko or tatanggapin ko na lang.

Siguro, kung hindi ko ginawa ang mga dapat, siguro, walang magbabago. Siguro hindi parin tanggap nila mom at dad si Dj.

Siguro, malungkot padin ako.

Siguro, walang ganitong saya ang mararamdaman ko ngayon.

Ang daming siguro, pero isa lang ang ang alam kong nangyari ngayon, yun ay ang buhay pa 'ko at kasama ko pa ang mga taong mahal ko. Kasama ko pa si Dj ngayon.

The day I escaped, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi si Dj.

Hindi ko maiwasang hindi siya isipin. Alam kong ayaw niyang gawin ko ang mga bagay na hindi niya alam at delikado pero anong magagawa kung yun naman ang makakabuti para sa lahat.

Wala akong ibang mapuntahan na hindi nila alam kundi dito sa Ilocos. Si Sue. Yes, si Sue ang tumulong sa 'kin sa lahat. Ang rest house nila dito sa Ilocos ang pinagamit niya sa'kin. Siya ang kasama ko na tumira dito sa Ilocos. Siya ang tumulong sa 'kin sa lahat.

How come na sa dinami rami ng taong kakilala ako, siya ang tumulong sa 'kin.

FLASHBACK.

Sa araw din na nagpaplano akong umalis, may tumawag sa 'kin. Unknown Number.

Hindi ko alam pero bakit sinagot ko yun. Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba.

Me: Hello?

:Kath!

Me: Who's this?

:I'm Sue.

Me: What do you want?

:Wala. Wala akong kailangan at gusto. I just called para kamustahin ka. Kamusta ka na?

Me: I'm- I'm fine.

: I know 'bout your situation right now. Alam kong may sakit ka.

Me: Huh? A- ako may sakit? That's impossible.

: Kath. Alam ko. Your doctor is my tita. Nasabi niya sa 'kin ang sitwasyon mo. And I'm here to help you kung ano ang kailangan mo.

Hindi ko napigilan ang mga luha kong kumawala sa mga mata ko.

Me: I want to escape. Gusto kong tumakas. Ayoko silang makita nila akong nasasaktan at nahihirapan sa sakit ko. I don't want them to be hurt. I know it sounds selfish pero gusto kong solohin ang nararamdaman ko.

: Kung gusto mong tumakas, siguro matutulungan kita. Kailan mo ba balak?

Me: As soon as posible. Kung pwede ngayong gabi na.

: Okay. Kath all I need is you to trust me. I need you to trust me. Kung gusto mo, meet me at my condo. Get your things. Ako bahala sa 'yo. I'll just gonna text you my address.

END OF FLASHBACK.

And that was it all started. Nangyari ang mga plano sa gabing yun.

Hindi ko alam pero nagtiwala ako kay Sue.

Dinala niya 'ko dito at tinulungan. Sa mga oras na nakakaramdam ako ng sakit, andun siya para tulungan ako.

Pero a week after pumumta si Juls dito, umalis si Sue dahil nagkaemergency sa bahay nila. Gustuhin man niyang wag akong iwanan kaso nahihiya na din ako at alam kong importante sa kanya ang family niya kaya pinilit ko siyang iwan na lang ako dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Siya ParinWhere stories live. Discover now