CHAPTER TWENTY-FIVE (JULIA'S POV)

726 30 0
                                    

Guys!😄sorry kung medyo marami rami tong POV ni Julia. Basta!read na lang😊

******************

JULIA's POV

"Julia. Julia" rinig kong sabi ni Diego.

Agad akong napabalikwas. Nakatulog na pala ako dito sa sasakyan niya. Tinignan ko yung time. 10 a.m palang. Akala ko malelate nako mamaya sa contest.

"Oh sorry. Pasensya na." Sabi ko na lan. Grabe!nakakahiya. Kahit naman, yes! may past kami pero shit nakakahiya parin.

"It's okay. Siguro napagod ka lang kakaiyak. Hahaha"

"Hahaha. Siguro nga!" Sheeez. Nakakaawkward.

"Andito na tayo. Di ko naman alam kong saan kita dadalhin. Kaya dito na lang. Buti di ko pa nakalimutan add. niyo. Hahaha"

Medyo napatamaan ako sa mga sinabi niya. Shocks! Anong sasabihin ko?

"Yeah. Matagal tagal na rin. Buti nga di mo pa nakalimutan" di ko inaasahan na sasabihin ko to.

"Yeah buti nga. It's been a year. So ano. Musta na?" Tanong niya. Oo nga no. It's been a year.

Andito na kami sa tapat ng bahay namin. Pero andito parin kami sa loob ng kotse niya, nakaupo. Nag-uusap na parang wala kaming nakaraan.

"Yeah. It's been a year. A-ako? O-okay lang (sabay ngiti sa kaniya habang nakayuko) . Ikaw? Musta ka na?" Nakakaawkward talaga!

"Okay lang. Eto inaantay ka pa rin." What? Seryoso ba tong mga naririning ko? Seryoso ba tong sinasabi niya?

"What do you mean na-na inaantay mo 'ko?"

"Julia." Humarap siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Julia. Gusto pa kita. Inaantay kita na sana sabihin mo na may pag-asa pa 'ko sa'yo. Pag-asa na mahal mo pa 'ko. Napapansin ko na tuwing nakikita mo ko na may kasamang iba alam ko. Kita ko. Palihim akong tumitingin sa'yo na para bang sinasabi na gusto mo pa 'ko. At ganun din ako. Gusto pa kita Julia. Gustong-gusto at mahal na mahal parin kita."

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Tumulo ang aking mga lua ng di ko namamalayan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

"Okay lang kung wala na talaga akong pag-asa. Pero Juls. Bigyan mo pa ko ng chance para mahalin ka" pinunasan niya ang aking mga luha.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para bang wala ng salita ang lalabas sa aking mga labi. Ewan ko. Gulong gulo ako. Pero alam ko sa sarili ko. Oo! Gusto ko pa siya! Mahal ko pa siya!

"Sorry sa mga naging kasa-----"

Di ko na pinatapos ang sasabihin niya. Oo alam ko! Ang desperada ko!

Agad ko siyang hinalikan. At ganun din siya. Hinalikan niya ko pabalik.

Wala na kong magawa. Di ko mapigilan ang sarili ko. Basta ang alam ko lang ang halik na 'to ay may halong buong pagmamahal ko para sa kaniya.

"Oo. Mahal parin kita. Mahal na mahal parin kita. At kahit kailan di nawala at napukaw ang nararamdaman ko para sa'yo. I super damn love and miss you Diego." Sabi ko habang magkadikit ang aming mga noo.

"I love you Julia!" Sagot niya at agad niya kong niyakap.

"So ano? Hahaha" naguguluhan parin isip ko.

"Tayo na naman ulit. I promise Juls. Di na tayo maghihiwalay. Siguro kaya tayo naghiwalay nun kasi siguro di pa tayo ganun kamature. But alam ko ngayon, tayo na talaga hanggang sa huli."

Siya ParinWhere stories live. Discover now