Chapter 6- Cruel Intentions

42.8K 1.1K 55
                                    

JACE

"Hindi ka ba talaga sasama, babe?"

Naka 6,969 beses nang ulitin ni Angel ang tanong na iyan and this time ay wagas siyang naka-pout. My eyebrows met in irritation. Ayaw na ayaw ko talaga ang pinipilit ako. Golden wedding anniversary kasi ng parents niya and they will have an elite gathering later sa malapad na garden nila.

Her father is a well-known businessman who owns the Rosemarie pharmacy chain so kung pupunta ako doon ay paniguradong mapi-pressure akong seryosohin ang anak niya because they will expect a lot from me. Baka mapapa-hotseat ako nang wala sa oras.

I reasoned out that something came up na may pupuntahan kami ni dad after school. I don't want to come with her because for sure, she will introduce me to her family, and other serious relationships crap. Baka maging laman pa kami ng mga tabloids, with me as the boyfriend of Mr. Albert Montenegro's daughter.

"Sorry, hindi nga kasi pwede." Hindi ko maitago ang pagkairita sa boses ko. Kakatapos lang ng last period niya at kanina pa siya sunod nang sunod sa'kin.

"Sayang talaga kasi, babe, chance mo nang mameet sana sina Dad. At papano 'yan eh wala akong kasama buong gabi." Nakapameywang pang sabi niya.

Aattend ako and I'll follow her around like a dog? Buti sana kung may party and wild music. She's really irritating me right now. Ilang ulit na ngang sinabihan na hindi pwede.

"Umalis ka na, babe. Your driver is waiting for you." matigas na sabi ko.

Nalukot ang mukha nito. Bigla niya akong tinalikuran at padabog na sumakay sa kotse nila.

Okay...she's mad now. So what? If nasa mood na ako, kaunting landi lang 'yan bukas ay magiging okay din 'yan. If mag-po-prolong ang pagiging pabebe niya ay hindi ako magdadalawang isip na iwan siya.

Between the two of us, siya ang talo, and I don't mind if she'll break up with me. Although maghihinayang ako ng kaunti because somehow I really like her...but she's not the only pretty girl around naman, 'di ba?

I was walking towards my car nang may maalala akong ibalik kay Zeus. He's still in his last class right now.

Pabalik ako sa building namin and on instinct ay napatingin ako sa little park nang mapadaan ako doon.

Hindi ko alam pero parang na excite ako nang matanaw ko si Weirdo na nakaupo sa bench niya. I didn't expect to see her at this time.

Kahit sa malayuan ay makikilala mo talaga siya. Papano ba naman ay naka all black at ang tanging puti lang sa kanya ay ang mukha niya.

Wala nang masyadong estudyante at this time kasi uwian na ng maramihan.

The witch is sitting there alone and from my view ay nakatagilid siya.

I admit, medyo mailap nga siya but she can't hide the fact that she's attracted to me. Nagpapakipot lang siguro ng slight sa umpisa para hindi masabihang hard to get. Alam mo naman ang ibang girls, ayaw masabihan na easy but ang totoo ay easy talaga sila.

Alam ko na ang style niya. We'll see kung hindi pa siya bibigay sa'kin soon.

Lumapit ako sa kanya at tinawag siya, pero parang wala lang itong narinig. Nilapitan ko siya from the side at napatigil ako nang matitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha.

Okay naman pala ang mukha niya pag nakapikit eh. Hindi kasi nai-emphasize ang eyebags niya at ang eyeliner niyang wagas makapalibot sa mga mata niya.

I wonder kung ano'ng itsura niya kapag walang make-up?

Kaya pala hindi niya ako marinig kasi naka earphones. Feel na feel niya ang pakikinig sa music.

Parang napagod ako kanina sa kakatayo at kakalakad. Napaupo ako sa tabi niya in the opposite direction at minatyagan lang siya.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now