Chapter 39- Beauty's Curse

26.5K 669 52
                                    

PEPSI

"Alam mo, ayos ka rin pala ano? Akala ko talaga super antisocial ka. Hindi ka lang maganda...Mabait ka pa pala..." makahulugang sabi ni Zeus sa akin.

Napakunot ang noo ko when I noticed that he was looking at me differently. His lips were curved up into a seductive smile and his eyes were staring right into mine intently.

Napasinghap nalang ako nang bigla nitong inilapit ang mukha nito sakin at sinipsip ang mga labi ko.

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya bigla at napasubsob ito sa sementong kinauupuan namin. Akala ko ay babangon pa ito pero hindi na ito gumalaw at parang tuluyan na itong nakatulog dahil na rin siguro sa kalasingan.

Napatayo ako at napahawak sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito na tila isang tambol na tinatapik ni The Hulk.

Hindi ako mapakapaniwala dito. I am totally in shock. Ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa akin, ang mga labi na amoy alak at mapangahas. This was one of those things that I have never, ever expected to happen, and I will never, ever look at him the same way again.

Ang bait-bait nito, and he's Jace bestfriend...Hindi ko aakalain na magagawa niya ito sa kaibigan niya lalo pa't siya yung pinakamatino sa kanilang tatlo.

At nang maalala ko na naman si Jace ay napahikbi na lamang ako ulit sabay takbo papalayo sa bahay na iyon.

Kailangan ko nang umuwi ngayon na. Hindi ako nababagay dito, hindi ito ang aking mundo.

Bigla akong nandiri sa sarili ko.

Ba't ko nagawang magpaloko sa isang lalaki? Ba't ko nagawang magbago para sa kanya?
Ba't ko nagawang maglasing para lang mag fit-in sa mundo niya?

And damn his friends for being such jerks as well! Dahil lang gumanda ako, magkakaganun na sila eh dati-rati hindi nga nila ako mabigyan ng second look?

That only proves how superficial most of men are and how they will go crazy at beautiful girls. Magsama-sama silang lahat!

Sana hindi nalang ako lumabas sa comfort zone ko. Sana nagpatuloy nalang ako sa pagtago sa pinakamamahal kong polbo at eye-liner.

Sana... Sana hindi nalang ako nagpadala sa emosyon ko.

Patuloy ako sa pagtakbo at dahil naka-heels ako ay nakatalisod ako bigla at natumba. Agad-agad kong hinubad ang mga pesteng-yawa na mga sapatos at pagalit na inihagis sa malayo. Lalong uminit ang ulo ko nang marealize ko na nasugatan pala ang kaliwang tuhod ko.

I fiercely got up at patuloy na naglakad. Kailangan kong makauwi pero puro private vehicles lang ang nandito at hindi ko alam kung may dumadaang tricycle dito or wala.

Napatingin ako sa relo ko and realized na alas-dos na pala ng umaga at imposible nang makauwi ako pero nagpatuloy pa rin ako sa paglakad at nagbabakasakaling makatsamba ng tricycle or taxi.

Padilim ng padilim ang daan na tinatahak ko habang lumalayo ako sa mansion nina Clint. Sinusumpa kong hinding-hindi na ako babalik sa bahay na iyon, na ito na ang una at pinakahuling houseparty na pupuntahan ko.

Patay na ang halos lahat ng ilaw ng mga kabahayan dito sapagkat tulog na ang lahat.

I pity myself for what happened tonight. Eto ako ngayon, naglalakad ng luhaan samantalang ang gagong lalaking iyon ay nagpapakasarap kay Ava.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora