one

56.9K 780 68
                                    

Averee

"Why the long face?" Takang tanong ko kay Tanya.

Napagpasyahan naming magkaibigan na sa labas magla-lunch. Usually sa school cafeteria lang kami kakain pero nakakaumay na rin ang pagkain doon.

"Si Josh na naman ang problema nyan." Si Stef ang sumagot.

"Na naman? " walang interes na sabat ni Ellis. "You can't blame her. Her boyfriend is such an ass."

"And your boyfriend is not?" Ganti ni Tanya.

Palagi talagang magkainitan ang dalawang to kahit ano pa ang pag-uusapan. Amused na nakatingin lang kami ni Stef sa dalawa. Wala kasi kaming mga problema sa mga boyfriend namin.

Classmate ko ang boyfriend ko for five months. Taga-ibang school naman ang boyfriend ni Stef na si Eric. Kapwa varsity players ng basketball team ng Highland High naman ang boyfriend ni Tanya at Ellis. Anak si Stef sa may-ari ng school na pinasukan din namin.

Childhood friend ko silang tatlo. Iniwan ko lang ang mga ito ng pansamantalang nanirahan kami ni mommy sa States ng magtwelve years old ako. Bago nagsimula ang senior year ko, bumalik kami ni mommy kasama ang kapatid ko.

"Kung magloko man si Alec, wala akong pakialam. Kaya ko syang palitan kahit kailan. " balewalang sagot ni Ellis. Sa aming apat, ito ang pinakaplay girl. Mataas na ang limang araw sa relasyon nito ng hindi ito nagpapalit.

"Sabagay, ano namang aasahan sayo? Tatandang dalaga ka panigurado."

Napasmirk lang si Ellis na para bang wala syang pakialam sa paligid nya. Ganun talaga sya.

"What happen?" Walang ka-edi-ediyang tanong ko.

"Wala naman talagang nangyari. Natural lang yun sa mga lalake na nabibighani sa ibang babae. Lalo na pag si George. " sagot ni Stef.

"Who's that? " ako. Di ko naman talaga yun kilala. Parang familiar lang ang name nya sakin.

"Seriously? Three months ka na sa school, hindi mo pa kilala si George? Everyone knows her." parang di makapaniwalang tanong ni Ellis.

"Don't make it sound like I'm so stupid for not knowing who that person is. It's not my fault if I haven't heard of her. Is she that popular? "

"Siguro pag si Austin na ang mabibiktima ni George, makikilala mo na sya." Tumatawang sabi ni Stef.

"I don't find any other girl a threat. Kahit sino pa yan." Confident na sabi ko. Alam ko namang ako lang ang gusto ng boyfriend at faithful kami sa isa't isa.

"Whatever you say. Abangan na lang natin." natatawang sabi pa ni Stef na ikinaismid ko.

~~~~

Bored na nakatingin lang ako sa naglalaro sa court. P.e namin ngayon at volleyball ang nilalaro namin. Hindi naman sa hindi ako marunong maglaro, ako lang pinagpawisan ako dahil may kasunod na klase pa.

As a top one student of STEM, kailangan kong salihan lahat ng activities para i-maintain ang grades ko kahit minsan maarte ako.

Nasa court na sina Tanya, Stef at Ellis dahil pareho silang varsity players ng volleyball team. Mas priority sakin ang academics kaya hindi na ako nagtry out.

Dahil nababagot na ako sa kakahintay kung kailan ako mapili, naisip kong magpunta muna ng washroom.

Dinaanan ko muna ang locker ko para sa knee pad na nakalimutan ko ng biglang may bumangga sakin. Muntik pa akong natumba kung hindi ko lang ako naitukod ang isang kamay sa locker.

"Hey! Watch your step!" Bastos na babaeng to! Nilampasan ba naman ako? Hindi man lang nagsorry.

"Ikaw ang nakaharang." Sagot nito na hindi man lang ako nilingon.

Naniningkot ang mga mata ko sa inis at nilapitan ito. "What's your name? " I cross my arms over my chest.

Dun ko lang nakita ang buong mukha nito ng sakin. Pawis na pawis ito marahil sila ang section na sinundan namin sa gym. Mahahabang pilik-mata, ang ganda ng mata nya pero hindi ko matukoy ang kulay, matangos na ilong at katamtamang nipis ng labi.

"Hindi ko pinagsasabi ang pangalan ko kahit kanino lang." Nakangiting sabi nito kaya lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito.

What the! Hindi ba nya ako kilala? Ako ang anak ng pinakamayamang angkan sa lugar namin! Childhood friend ko ang anak ng mayor at ang anak ng may-ari ng paaralan na pinasukan nya.

Kahit sino pa ang kalahi nya, kayang-kaya kong gawing impyerno ang buhay nya.

"Give me your full name and section so that I can kick you out of this school. By that, you will know who you are talking to. "Banta ko pero hindi man lang ito natinag kundi tumawa ito ng mahina kaya lumitaw ang dimple nya sa pisngi.

"Dahil ba binangga kita literally? Hindi ka parin talaga nagbago Averee Sabrina Alcantara. Bilib talaga ako sa lahi nyo." mababang boses na sabi nito saka umalis na.

Kilala pala ako nito pati ang pamilya ko. Hindi naman yun nakapagtataka. Ang ipinagtataka ko lang, sa kabila ng kaalaman nito kung ano at sino ako ay walang takot parin ako nitong sinagot-sagot ng ganun.

Sino kayang inasahan nito? Ang lakas ng loob kalabanin ako.

Makikita nya.

~~~~

My sister's Nanny. (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon