thirty one

9.7K 254 33
                                    

Georgie

Hindi ako mapakali sa upuan habang hinintay na magdismiss ang teacher namin sa last period ng hapon.

Hindi ko nakita si Averee buong araw sa school. Hindi rin sya sumasagot sa mga text at tawag ko. Hindi rin ako nakapunta sa bahay nila dahil sabi ni ma'am Chloe na mamayang pagkatapos na ng klase.

May practice pa kami pagkatapos ng klase. Kailangan daw naming magpractice para handa kami sa finals. Malaking kawalan rin samin si Tanya dahil ayaw na yatang maglaro ulit pagkatapos nitong mainjury.
Halos sabay kaming lahat ng players na pumasok ng shower room. Agad kong nilapitan si Stef para itanong kung nasan si Averee.

"Malamang nasa bahay kasi wala dito." Yun ang sagot nya saka pumasok sa stall.

Napakunot noo ako sa inasta nito. Ngayon ko lang nalaman na pwede pala itong magtaray. Madalas kasi seryoso ito at parang hindi marunong magbiro.

Si Ellis na lang ang nilapitan ko pero kibit balikat lang ang sinagot nito.

Binilisan ko na lang ang hot shower ko at agad nagbihis. Ilang minuto pa lang ay nasa harap na ako ng bahay nila. Wala man lang nagbukas ng gate kaya bumaba ako sa scooter at nagdoorbell.

Ilang sandali ay may nagbukas ng gate na pantao at iniluwa doon si ma'am Chloe. Lumabas ito ng tuluyan at hinarap ako. Napaatras ako ng kunti dahil naiilang ako sa paraan ng pagtitig nito sakin.

Nagtataka rin ako kung bakit hindi pa nya ako pinapasok at lumabas pa talaga sya.

Napakurap ako ng magsalita ito. "Alam na ni Averee ang totoo."

Tulala akong nakatitig dito. Magtatanong sana ako kung anong ibig nitong iparating pero nagsalita ulit ito.

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." hindi ako nakasagot, "talk to her and finish whatever you had with her. " pagkasabi nun ay pumasok na ulit ito.

Kahit naguguluhan ako sa mga sinabi nito ay pumasok narin ako.

"She's in her room." sabi nito bago ako tuluyang iniwan. Dumiretso ito sa likod ng bahay.

Habang paakyat ako ng hagdan, iniisip ko kung ano ang alam na ni Averee. Yung tungkol samin ng daddy nya? Imposible! Ganun lang ang reaksyon ni ma'am Chloe?

Siguro yung tungkol samin. Na hindi ko sya totoong minahal. Oo. Kasama lang sa paghihigante ko ang lahat.

Sabihin na nating hindi ko sya sinadyang lokohin. Hindi ko naman inisip kahit isang porsyento na hahantung kami sa isang relasyon. Hindi namin gusto ang isa't isa sa simula. Sya ang nag-initiate nito kaya kami humantong kung ano man kami ngayon.

Na isang malaking bunos para sakin.

Akalain nyong naging girlfriend ko ang anak ng pinakamayaman at pinakamagandang dalaga sa buong cuidad namin? Sino ba ako para tanggihan ang opportunity na to.

At hindi ko kasalanan kung pati sya, nalinlang ko.

Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay na pagbuksan ako. Pero wala namang nangyari, wala rin akong narinig mula sa loob kaya lakas-loob ko ng binuksan ang pinto at pumasok.

Ang tahimik at ang dilim. Nakasara ang heavy curtains at tanging lampshade lang ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto nito. Kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto at ini-on ito.

Tumambad sakin si Averee na nakaupo sa carpeted na sahig nya at nakayakap sa tuhod. Pumayat ito mula ng huli kaming nagkita tatlong araw ang nakalipas.

May naramdaman akong kakaiba sa puso ko ng makita ang kalagayan nito pero agad ko yung binura. Wala akong dapat maramdaman para dito ngayon.

Nag-angat ito ng tingin sakin at kaagad ding yumuko. Siguro nga alam na nya lahat.

My sister's Nanny. (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora