fourteen

13.1K 329 33
                                    

George

"..... mabilis akong tumakbo sa cr! Pagkaupo ko pa lang, ayun! Pwak!! Pprrrttt!" Humagalpak naman ng tawa si Joanna pagkatapos sabihin yun ni Keith.

Anong nakakatawa dun? Pulang-pula na ang mukha nito sa kakatawa na nakahawak pa sa tyan.

"Hoy, bakla! Okay ka lang? Ba't di ka tumawa? Nakakatawa kaya yun!" Tanong ni Joanna sakin. Tawa parin ito ng tawa.

"Anong nakakatawa dun? " tanong ko naman dito. Nakatitig lang ako sa pagkain sa harap ko.

"Sa'n ka ba galing ha?" Mataray na tanong naman ni Keith sakin. "Kanina ka pa wala sa wisyo, teh! Mukha ka pang zombie! "

Nga pala. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinag-usap nila. Iba kasi ang iniisip ko. Hindi pa nga ako nakatulog masyado kagabi sa dami ng iniisip ko.

"Okay lang ako. " sagot ko lang.

Umismid lang ang mga ito sakin na halatang hindi naniwala sa sinabi ko.

Naguguluhan ako sa sinabi ni Gerald sakin. Hindi ko sya maintindihan.

Flashback

Pagdating namin sa bahay nila kagabi, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagbihis muna ako ng pantulog bago sumampa sa kama. Ilang oras na akong nakapikit pero gising parin ang diwa ko.

Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya bumaba ako ng kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref. Babalik na sana ako sa kwarto ng biglang may humila sakin.

"Ano ba----

"Wag kang maingay!" Kahit madilim, kilala ko ang boses na yun.

Dinala nya ako sa likod ng bahay saka pa nya ako binitawan. Tiningnan muna ako nito bago nagsalita.

"Alam mo, hindi ko parin gusto ang ideya na nandito ka. Pwede mong sirain ang mga plano ko pero hindi ako makapapayag dun!"

"Ha? Napag-usapan na natin to, Gerald. At ano ba yang planong sinasabi mo? Kung ano man yan, wala akong pakialam." pabulong na sabi ko.

"I'll be out of the country for two to three months. Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng kahit ano na ikasisira ng plano ko! Wag na wag mong babanggitin ang tungkol satin kay kahit kanino lalo na kay Averee!"
Galit na sabi nito.

Walang satin! There was never an us!"

"Wala akong balak gawin yun. At bakit--- ewan ko sayo!" hindi ko talaga sya maintindihan. Noon gusto nyang mapalapit ako kay Averee. Ngayon ganito ang sasabihin nya? Hindi naman sa gusto kong ipagkalat na kabit nya ako.

Pero mas okay na rin yung gusto nya. Mababawasan ang mga problema ko.

Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako. "Wag mong masamain ang plano ko. Para satin din naman to. May kailangan lang akong ayusin bago pa malaman ni Felicia at Averee ang tungkol satin. Just be patient. " lumambot na naman ang mukha nito.

Eww! Patient mo mukha mo!

Hindi na ako magtataka kung kanino nagmana si Averee sa ugali.

"Wala akong balak ipagsabi yun sa kanya kaya wag kang mag-alala. Kung ano man yang plano mo, ikaw na bahala dun." Mahinahong sabi ko saka tumalikod na.

At least, mawawala na sya sa paningin ko.

End of flashback

"Sure ka okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Joanna sakin. Ang kulit din ng babaeng to eh.

"Okay nga lang eh. Kulit!"

"Kanina pa ako tanong ng tanong sayo eh para naman akong kumakausap ng tuod tapos sabihin mong okay ka lang?"

My sister's Nanny. (GxG)Where stories live. Discover now