two

28.8K 515 174
                                    


George

Kung hindi ko sya binangga literally, hindi nya talaga ako mapapansin? Like seriously?

Marami akong kaibigan pero marami ding galit sakin dahil marami daw akong sinirang relasyon. Wala naman akong ginawa. Hindi ko alam kung anong nakikita ng mga lalake sakin. Hindi ako mayaman, hindi ako maputi, di rin maitim, hindi ako top one ng klase, hindi rin ako ang captain ng volleyball team.

Hindi naman talaga ako sporty. Napilitan lang akong magtry out lang volleyball dahil automatic one hundred percent scholar ang mga school's athletes. At dahil charmer ako ayun, natanggap ako agad.

Ang mahal kaya ng tuition sa Highland High. Di afford ni lola. Siguro sa lahat ng athletes, ako lang ang naghahabol ng scholarship. Mayaman sila eh! Maganda naman daw ako kaya okay lang. Hihi..

Back to bangga scene. Iniwan kong nagngitngit ang isa at tinungo ang ladies room para magbihis ng school uniform. Sinundan naman ako ng mga mata ng karamihan lalo na ng mga lalake. Ang hot ko siguro ngayon sa medyo wet look ko.. Sa pawis. Kadiri talaga tong mga lalake.

"Hi, George, " papansin ni Jude kasama si captain Josh. Varsity player sya. Taken silang dalawa pero kung lumandi parang walang mga jowa. "Gusto mo samahan na kita? Pawis na pawis ka." Nakangising sabi nito.

"Thanks, Jude. Later na lang." Sabi ko at kumindat sa kanya.

Narinig ko na lang na sumipol ito ng lumampas na ako sa kanila. Manyak talaga. As expected sinundan parin ako ng tingin.

Napangiti na lang ako ng maisip na at last ay nagcross na rin ang landas namin ni Alcantara. Napansin narin nya ako. Di nya ako admirer. Isa ako sa mga taong naghahanap ng tamang pagkakataon para makapaghigante sa pamilya nya.

Five long years, hinintay ko ang pagbabalik nya ng Maravellis. At ngayong nandito na sya, sinimulan ko na kung paano makapasok sa pamilya nya.

Walang hindi nakakila sa kanya sa lugar namin. Hari at reyna ang mga magulang nya. Prinsesa naman sya at ang nakababatang kapatid nya. Hindi monarchy ang gobyerno ng lugar namin. Sadyang hari at reyna lang talaga ang mga magulang nya dahil walang gusto nila na hindi nasusunod at nakukuha. Lahat dinadaan sa pera.

Pakiramdam kong malapit na ako sa plano ko.

Maghintay ka, Alcantara. Sisirain ko ang pamilya mo gaya ng pagsira mo sa pamilya ko!

~~~~

Pagkatapos ng klase, lumabas na ako agad ng Highland High para abangan ang sundo ko. As usual, naghintay na sya sakin.

Isang gwapong nilalang ang nakasandal sa kotse niya at agad na ngumiti ng makita ako.

"Hi." Nakangiting bati ni Den. Kapit-bahay at pinakamasipag kong manliligaw.

Mag-iisang taon na syang nanligaw sakin pero hindi ko parin sinagot hanggang ngayon. Fisrt year college na sya kaya magkaiba ang school namin.

"Hi." Ganting bati ko din. Di makaligtas sakin ang mga mata ng mga lalakeng dumaan. Pang-apat na beses ko na kasing pinayagan si Den na sunduin ako.

Akala nila nagkakaboyfriend na rin ako sa wakas. Wala pa akong naging boyfriend ever kahit binansagan ako ng ibang tao na 'every boys' girl'.

"Pwedeng magdinner muna tayo bago kita ihahatid sa inyo? Kahit ngayon lang. " sabi nito at binuksan ang kotse niya para papasukin ako.

Napabuntong hininga ako. Ilang beses ko na kasi syang tinanggihan. Parang wala na akong maisip na alibi ngayon. Pero bago pa ako nakasagot ay tumunog ang cellphone ko.

My sister's Nanny. (GxG)Where stories live. Discover now