Chapter 4

43 1 4
                                    

Chapter 4

"Thank you." Ngumiti naman iyong babaeng nagseserve ng pagkain dito sa cafeteria. The open area that was used for the opening ceremony earlier served as the cafeteria for the students since it can occupy everyone. Anyway, I was stunned at the school's cafeteria since the students don't really need to pay for their meals. Pero siyempre, para maayos at hindi magkagulo iyong mga students, maraming staff ng school ang nag-mamanage ng cafeteria at para na rin daw makasiguro na lahat ng students ay makakain. 

It's like entering the utopia of a student's dream school. 

The six of us sat around an unoccupied table. Masaya naman kaming kumain ng lunch at nagkwentuhan ng kung ano-ano. In hours, we already became comfortable with each other. Even Ishi really opened up and talked with us. 

Pagtapos naming kumain, napagdesisyunan na naming bumalik sa dorm. Nagpaalam ako sa grupo na gusto ko munang gumala konti sa campus. Humiwalay naman agad ako sa kanila at naglakad-lakad.

I spotted a single black bench just a few distance from our department building and decided to stay there. Bigla kong naalala na tawagan si Mama para kumustahin siya pero sa kamalasan ko, wala sa bulsa ko iyong phone. Talaga naman. 

"Makinig ka sa akin, Ashley. Bibilisan ko lang dahil hindi pwedeng makita ka na kinakausap mo ako. May kailangan kang malaman."

Napakunot ang noo ko nang may narinig akong pamilyar na boses na mukhang galing sa malayo. Hinanap ko kung saan iyon at agad akong napatago sa likod ng pader nang makita ko si Miss Remi na may kasamang babaeng estudyante. I only got a glimpse of them but I saw her holding both the student's arms with her face close to her. 

What? Hindi ba bawal iyon? Magkakaroon ng violation ang student kapag nahuling nakikipag-usap sa professors namin. 

"Kinakabahan ako sa'yo, tita. Ano pong sinasabi mo?" garalgal na sabi ng estudyante. Tita? May kamag-anak si Miss Remi sa school?

"Please, you need to win and survive until the end." Miss Remi and I can hear her sobbing softly, "This is not a normal university. Ashley, tatagan mo ang sarili mo. Whatever happens, take care of yourself and trust no one."

"Hindi kita maintindihan, tita Remi. I'm sorry."

"Kaya kita pinapasok dito dahil gusto kong pabagsakin mo ang school na 'to. Hindi safe ang mga estudyante rito at nag-aalala ako sa kung ano pang pwedeng mangyari. Kaya please... Gawin mo ang lahat."

Wala akong narinig mula sa babaeng estudyante ng ilang segundo.

"Naiintindihan mo ba, Ashley?"

"Gagawin ko ang lahat, tita." Pagtapos niyon, umalis na ako sa pwesto ko dahil mukhang aalis na rin sila at ayokong mahuli na nakikinig sa kanila. 

Why was Miss Remi telling her niece to bring the school down? What's wrong with this place?

Pagbalik ko sa dorm namin, naabutan ko silang lima na nasa sala at nagpapahinga. Napalingon naman si Ymir sa akin. 

"Mukhang napatagal ka yata, Selene," aniya at napatingin ako sa wall clock sa taas. Medyo napatagal nga ako sa labas. 

Umupo muna ako sa tabi niya bago sumagot, "Medyo malaki kasi iyong campus at muntik pa akong maligaw," palusot ko. I'll just tell them what happened earlier later at 8PM. 

Mukha namang naniwala si Ymir kaya hindi na siya nagtanong. We stayed resting in the sala until the bell rang from outside. It was time for our afternoon classes. 

"Tara guys. Dalawang subjects na lang naman ang natira," pag-aya ni Taiden at tumayo na kaming lahat. Kinuha na rin namin iyong bag at mga gamit namin at dumiretso sa department building namin. 

Seizon DaigakuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon