Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}

3.7K 54 8
                                    


(This is my third story, sana magustuhan nyo)

Hanggang sa sasakyan ay nag tatalo pa rin sina Marie at Shiela.

"Marie, sobra na ang mga magulang mo. Ginawa ko naman lahat para magustuhan nila ako. Pero this time parang di ko na kaya." umiiyak na sambit ni Shiela. Galing sila sa  party na para  kay Marie.

"Shiela pwede ba, don na tayo mag usap sa apartment mo. Nagda-drive ako." saway naman ni Marie sa kasintahan. Si Marie ay isang butch lesbian.

"Anung gusto mo, manahimik na lang ako? Marie hindi ako manhid para di mahalatang sinadya ng magulang mo na paglapitin kayo ni Arlene.!"

Natahimik nalang si Marie. Alam nya sa isip na totoo ang sinabi ni Shiela. Lahat ginagawa ng magulang nya mapaghiwalay lang sila ng kasintahan nya. Wala naman siya masabi kay Shiela, lahat tiniis nito, nakisama ito sa kabila ng pang aalipusta ng magulang nya dito.

"Sinabi ko naman sayo na ako ang pakinggan mo. Wag sila." si Marie

"Tiniis ko naman lahat e. Ang di ko lang kaya ay yong harapan na ipagtulakan ka sa ibang babae. Tapos makita ko na lang nakikipaghalikan kapa sa babaing yon." di na napigilang mapataas ng boses si Shiela.

"ikaw lang mahal ko Shiela. Wala ka na bang tiwala sa akin?"

"May tiwala ako sayo pero pagkatapos nung nakita ko, hindi ko na alam." sagot ni Shiela na umiiyak.

"Naipaliwanag ko naman na sayo kanina diba? Di ako ang nagpasimula nun. Siya ang nanghalik sa akin. Di ko kagustuhan yon.." mahinahong paliwanag ni Marie sa kasintahan.

"ewan ko di ko na alam.." ani Shiela na napapailing. "Mas maganda na rin siguro kung itigil na natin to."

Biglang napahinto si Marie sa pagmamaneho dahil sa narinig buti nalang at walang ganung motorista.

"A-anung ibig mong sabihin!?"

"Maghiwalay na lang tayo." sagot ni Shiela

"Shiela, wag mo akong biruin ng ganyan. Mahal na mahal kita, di ko kayang mabuhay kung wala ka.."

"Mahal din naman kita pero mas maganda na rin kung itigil na natin ito para sa ikakabuti ng lahat. Di rin titigil ang mga magulang mo hanggat di nila tayo napaghihiwalay." panay na pahid ni Shiela sa luhang panay din ang paglandasan sa pisngi nito. Masakit sa loob nya ang mga sinasabi nya sa kasintahan pero kailangan nyang gawin.

Umiling lang si Marie at muling ini-start ang sasakyan.

"Sa apartment mo na lang tayo mag usap please tutal malapit na tayo." pakiusap ni Marie

Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan ay agad umibis si Shiela sa sasakyan. Di na nito hinintay na pagbuksan sya ng kasintahan. Mabilis naman na sumunod sa kanya si Marie palabas.

"Shiela, parang awa mo naman. Pakinggan mo naman ako. Ikaw ang buhay ko, mamamatay ako kapag mawala ka sa akin." pakiusap nito kay Marie. Niyakap nya ito mula sa likuran.

" Ako ang pakinggan mo, para sayo tong ginagawa ko. Ayukong mapunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan mo." sagot ni Shiela at pilit tinatanggal ang kamay ni Marie na nakayakap sa kanya.

"Ilang beses ko bang sinabi na mawala man lahat wag lang ikaw, ikaw ang buhay ko! Please naman o.. wag mong gawin sa akin to." Pakiusap ni Marie sa kasintahan

"Mas magiging masaya ka, ako, kung matigil na to. Mas masaya ang lahat." ani Shiela.

" Kahit kelan hindi ako magiging masaya kung mawawala ka.. Wag ka namang sumuko, kaw ang lakas ko." napaluhod na si Marie sa harap ni Shiela.

"Patawarin mo ako Marie pero hanggang dito na lang ako. Mas sasaya ka, ako, kung ititigil natin to." ani Shiela habang pilit nyang itinatayo si Marie. Halos lahat ng tao na dumadaan ay sa kanila nakatingin.

"Nagugulohan ka lang Shie, please naman. Wag sina mama ang pakinggan mo. Mahal na mahal kita.."

"S-sarili ko itong desisyon. Masasanay ka rin, ako." pilit na pinapatatag ni Shiela ang boses.

"Sasaya ka ba talaga kapag wala na tayo.?" si Marie

"0-oo, kaw rin. T-tatahimik na rin ang buhay natin." sagot ni Shiela na napayuko.

"Yan na ba talaga desisyun mo?"

Napakagat-labing tumango si Shiela. Pinipigilang muling maglabasan ang mga luha sa mata.

"okay.. Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaing minahal ko." garalgal na ang tono ni Marie. Naglabasan na rin ang luha nito. " Pero hayaan mo muna sana na mayakap kita kahit sa huli man na sandali." pakiusap nito.

Si Shiela na mismo ang kusang yumakap kay Marie. Ilang minuto rin na nanatili sila sa ganung posisyon pero kusang bumitaw si Marie.

" Salamat Shiela at hinayaan mo na mahalin kita sa matagal na panahon. Masakit man pero sabi mo nga kailangan ng putolin. Sana rin mapatawad mo ang mga magulang ko. So ito na ang huli, thank you, I love you so much and.... goodbye. " tumalikod na si Marie para sumakay na ng sasakyan nito. Naghintay ito na baka sakaling humabol ito pero wala, wala na talaga. Tuluyan na nyang pinaandar ang sasakyan. "Good bye Shiela, I love you so much. Di ko kayang mabuhay kung wala ka."

Pagkatalikod ni Marie ay gusto ng habulin ito ni Shiela pero pinigilan nya ang sarili.
Napaluhod nalang ito at umiyak. " Kung alam mo lang  Marie, para sayo lahat itong ginagawa ko. Di ko kayang makita na mawala sayo lahat ng pinaghirapan mo. Di ko kayang makita na naghihirap ka ng dahil sa akin, sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita."

Nilabas nito ang celphone dahil nakatanggap ito ng text. Baka galing ito sa magulang ni Marie para kumpormahin kung nagawa na nito ang pinapagawa nila.
Pero mali ang akala nito, kay Marie galing ang mensahe, napatanaw siya sa sasakyan nito, di pa nakakalayo. Agad nyang binasa ang text.

"Mahal kong Shiela, sana mapatawad mo ako, di ko kayang mabuhay kung wala ka. Nangako ako sayo nun, mamamatay muna ako bago nila tayo mapaghiwalay. Kamatayan lamang ang pweding magpahiwalay sa atin. Mahal na mahal kita, kahit sa kabilang buhay mamahalin pa rin kita."

Muling napaiyak at kinabahan ito dahil sa nabasa. Napatanaw siya sa sasakyan na di pa ganung nakakalayo. Agad siyang tumakbo para humabol at sumigaw.

"Marieee!! Patawarin mo ako! Mahal na mahal din kita!!" sigaw nya pero huli na ang lahat.

Ang nakakabinging  pagsalpok ng sasakyan ang sumagot sa sigaw nya.

^-^

votes and comments ay libre po.

thank you for reading

Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}  (complete)Where stories live. Discover now