The Accident

1.4K 42 3
                                    

Kasalukuyang nasa labas ng emergency room si Shiela. Pinagbawalan na siyang pumasok sa loob. Napayakap siya sa sarili. Sobra siyang nagsisi dahil sa ginawa nya kay Marie. Kasalanan nya kung bakit ito nadisgrasya. Kung bakit pa kasi siya pumayag sa kagustohan ng magulang nito. "Dyosko, wag Nyo po pababayaan si Marie. Iligtas Nyo po siya."

Napalingon siya sa hallway, humahangos na paparating ang mga magulang ni Marie. Kasama pa nila si Arlene.

Pagkalapit ng mga ito kay Shiela ay dumapo ang palad ng ginang sa pisngi ng dalaga.

Napahawak nalang sa pisngi nya si Shiela. Pilit namang pinapakalma ng matandang lalaki ang asawa.

" Sabi ko na nga at wala kang magandang maidudulot sa anak ko! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanya ito!" duro ng ginang sa dalaga.

"Matilde, huminahon ka. Nasa ospital tayo. Ang alalahanin natin ay ang anak natin." saway ng matandang lalaki sa ginang.

" Tama si tito, tita. Wag nyo nang pansinin ang hampaslupang yan!" masama ang tinging ipinukol ni Arlene kay Shiela.

Binalewala na lang lahat iyon ni Shiela. Wala rin siyang lakas para lumaban. Umiyak na lang siya. Kasalanan nga ba nya talaga?

Lumabas naman ang doktor mula sa emergency room.

" Sinong kamag-anak dito ni Ms.Gonzales." tanong nila. Lahat sila ay kinabahan sa anumang naging resulta. Matindi ang tama ni Marie lalo na sa ulo. Malakas ang pagka untog nito sa manibela at iba pa ang sugat na natamo mula sa bubog ng mga nabasag na salamin.

"Ako ang kanyang ina doc. Kumusta ang anak ko.?" lumapit ang ginang sa doktor. Sumunod ang ama ni Marie at si Arlene.

Si Shiela naman ay tahimik lang na nakikinig.

" Ligtas na sa kapahamakan ang anak ninyo. Ngunit mananatili siyang tulog hanggang bukas ng gabi dahil sa gamot." paliwanag ng doctor. Lahat sila ay nakahinga ng maluwag.

"pwede na rin siyang mailipat sa ibang kwarto. Yun lang. Mauna na ako at may iba pa akong pasyente." paalam ng doctor.

" Maraming salamat doc." pagpapasalamat ng ginang at umalis na rin yong doktor.

"Arnulfo," baling ni  Matilde sa asawa. "Palilipat na natin agad sa private room si Marie, ikaw na mag asikaso." utos nito sa asawa.

Nailipat na nga sa private si Marie. Walang nagawa si Shiela kundi panoorin lang si Marie habang nililipat sa private room. Di na siya pinalapit ng matandang babae kay Marie. Si Arlene naman ang iniwan ng dalawang matanda para magbantay kay Marie.

Naglakas loob naman si Shiela na kumatok sa pinto bakasakaling pumayag si Arlene na makipagbantay siya hanggang magising ang kasintahan.

"Anung kailangan mo? Diba't pinaalis ka na ni tita Tilde, ano pang ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Arlene kay Shiela.

"Arlene, nakikiusap ako, baka pwedeng makipagbantay ako hanggat di pa siya nagigising." pakiusap nito kay Arlene

" At sa akala mo naman papayag ako?"sagot naman ni Arlene saka nito pinagtaasan ng kilay ang una.

"Parang awa mo Arlene, nakikiusap ako." napaiyak at napaluhod na si Shiela sa harapan ni Arlene.

"Napakasaya sa pakiramdam na ang babaing dahilan ng pagkabigo ko ay nakaluhod ngayon sa harapan ko..!" napahalakhak pa ito dahil sa saya.

"Lahat ng gusto o ipapagawa mo gagawin ko, hahayaan mo lang ako na mabantayan ko si Marie hanggat wala dito ang mga magulang nya.." desperadang pakiusap nya.

Muli namang napahalakhak si Arlene. Nagsitinginan na rin sa kanila ang mga taong nagdaraan.

"Talaga? Gagawin mo talaga ang ipapagawa ko sayo kapalit ng pagbantay mo ng ilang oras kay Marie?" Marahan namang tumango si Shiela. Napangiti naman si Arlene  at patango tango na parang nag iisip kung ano ang ipapagawa nya kay Shiela.

"Halikan mo ang dulo ng sapatos ko sa harapan ng mga nagdaraang tao." kapagkuway bigkas nito. At nagulat ito dahil walang pag alinlangan na hinalikan ni Shiela ang dulo ng sapatos nito. Muli itong napahalakhak.

"desperada ka na nga Shiela. Bweno, dahil nagawa mo ang pinapagawa ko pwede mo na syang bantayan, tulal may lakad ako ngayon." anito at derederetsung nilagpasan si Shiela. Naiwan naman si Shiela na napaisip kung bakit parang wala naman itong nakikita na pagkaconcern mula kay Arlene para kay Marie. Ito ba ang pinili ng magulang ni Marie para dito? Di nalang siya masyadong nag isip, ang importante ay pumayag ito na makasama nya ang kasintahan.

Agad namang pumasok ang dalaga sa kwarto ni Marie. Mangiyak ngiyak itong napaluhod sa tabi ng kama ng walang malay nitong kasintahan.

"Marie, sana mapatawad mo ako. May dahilan ako kung bakit ko nagawa yon." bulong nya dito saka nya ito hinalikan sa noo.

Hindi namalayan ni Shiela ang oras, inabutan na pala sya ng alas otcho ng gabi. Wala rin siyang pahinga at kain. Tulog pa rin si Marie. Maya maya ay nagbukas ang pintuan. Niluwa ang magulang ni Marie kasunod ang isang nurse. Tumayo siya at gumilid.

" Sino nagbigay ng karapatan para pumasok ka dito!?" agad na bungad ng ginang sa dalaga pagkapasok. Nanlilisik pa ang mga mata nito na nakatingin sa dalaga.

Sasagot sana ang dalaga pero nagbukas ulit ang pintuan. Pumasok naman si Arlene.

" Arlene!" tawag ng ginang sa kararating lang na dalaga. "bakit hinayaan mong may makapasok na hampaslupa dito.!?" ang tinutukoy nito ay si Shiela.

"Tita di ko naman po alam, kaaalis ko lang saglit, ngayon na pagbalik ko andito na kayo at ang babaing yan." pagsisinungaling nito. Napayuko na lang si Shiela.

"Umalis ka na. Di ka namin kailangan dito!!" pagtataboy ng ginang kay Shiela.

" Mamaya na kayo mag away away dyan! Nagkakamalay na si Marie.!" awat ng matandang lalaki, kasama nito ang nurse na tumingin kay Marie.

Lahat sila ay napalapit sa kama ni Marie. Gising na nga ito. Agad lumapit si Shiela at hinawakan ang kamay ng kasintahan. Tiningnan naman siya ni Marie na parang nag aalangan at kunut ang noo.

" Marie, maraming salamat sa Diyos at gising ka na. P-patawarin mo ako." Anito at napaiyak.

Tiningnan lang ito ulit ni Marie na parang naguguluhan. Iginala ang tingin sa paligid at sa mga taong nakapalid sa kanya.

" Anak, kumusta ang pakiramdam mo?" masuyong tanong naman ng ginang ngunit tiningnan lang din ito ni Marie.

Sa ipinapakita ni Marie ay kinabahan si Shiela.

" Marie, sana mapatawad mo ako.. magsalita ka naman." akma nitong hahalikan ang kamay nito pero nagulat siya dahil bigla nitong binawi.

"S-sino ka?" maya maya ay tanong nito kay Shiela. "kayo?"baling naman nito sa magulang nito at kay Arlene.

^-^

thankyou for reading;)

Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}  (complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora