Final Ending

1.3K 49 12
                                    

Final:

Dahil merun daw po nabitin sa ending ay eto na po ang final ending. ^-^

***

Dahil maayos naman na ang pakikitungo ng mga magulang ni Marie kay Shiela, napagdesisyunan na nilang magpakasal. Bumalik na rin ang ala ala ni Marie.

Namanhikan ang pamilya ni Marie sa pamilya ni Shiela.

"Marie, ang saya ko talaga! Akala ko di na tayo aabot hanggang dito, sa dami ng napagdaanan natin." ani Shiela. Nasa balkonahe sila ng bahay nina Shiela. Katatapos lang mag usap usap ng mga magulang nila about sa detalye ng kasal nila. Pagkatapos mag usap usap ay nauna ng umuwi ang magulang ni Marie, nagpaiwan naman ito.

"Sobrang saya ko ngayon Shiela, ikaw lang ang buhay ko." ani Marie naman habang yakap yakap ang kasintahan at kinintalan nito ng halik sa noo.

"Ako rin Marie, sobrang saya ko. Ikaw rin ang buhay ko. Pero ayuko na mangyari o gawin mo ulit  yong ginawa mo ha." nakangusong sagot ni Shiela kay Marie. Ang tinutukoy nito ay ang sadyang pagbabangga nito nun ng sasakyan para magpakamatay.

"Kung ipapangako mo rin sa akin na di mo ako susukoan."ani Marie.

"Basta gawin na lang natin ang best para sa relasyon natin, pero basta, dapat di mo na gagawin yon."

"0po misis ko.." nakangiting sagot ni Marie sa kasintahan.

At ginanap nga ang kasal sa isang pribadong isla na pag-aari rin mismo nina Marie.

Maluha luha si Shiela habang naglalakad papunta sa ginawang altar, kung san naroon si Marie na naghihintay sa kanya.

Nakasuot si Marie ng puting polo na pinatungan ng itim na tuxedo na pinarisan din ng itim na slacks. Siya na ang pinakapoging bride/groom sa paningin ni Shiela.

Si Shiela naman ay nakasuot ng simpleng puting bistida. Kinurunahan din siya ng mga bulaklak sa kanyang ulo. Para kay Marie naman ay ito na ang pinakamagandang bride sa kanyang paningin.

Bago matapos ang seremonya ay pinagsalita muna sila ng pastor kung anu masasabi nila sa isa't isa. Naunang nagsalita si Marie.

Marie: Pinakamamahal kong Shie. Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Dyos dahil hinayaan Nya na marating natin to.  Sa lahat ng pinagdaanan natin, saya at lungkot nakayanan natin dahil sa wagas nating pagmamahalan, sa tatag mo na laging umiintindi sa akin at sa pamilya ko. Asahan mo na hanggang sa huling hininga ko ikaw lang ang mamahalin ko."

Umiiyak na si Marie habang nagsasalita.

"Di man maiwasan na magkaron tayo ng di pagkakaunawaan, aayusin at aayusin pa rin natin. Ngayon, ang pakiramdam ko ay kumpleto na ako dahil ikaw ang makakasama ko sa pagbuo ng isang pamilya. Mahal na mahal kita Shie."

Di na rin mapigilan ni Shiela ang mapaiyak. Napahigpit pa ang hawakan nila ng kamay.

Shiela: Marie, ang tanging mahihiling ko na lang sa Dyos ay ang paggabay nya sa atin sa pagbuo natin ng ating pamilya. Gaya ng nasabi mo kanina, naging kumpleto na rin ang pagkatao ko dahil ikaw ang makakasama ko sa habang buhay. Muntik man akong sumuko pero pinapangako ko na di na mangyayari yon. Mahal na mahal kita, ikaw ang ibinigay ng Dyos sa akin.

After thier wedding ay dumeretsu na sila sa Baguio para sa kanilang honeymoon, sa Country Club sila nag stay.

Nasa loob naman ng banyo si Marie, ito ang naunang naligo. Excited na kinakabahan naman ang pakiramdam ni Shiela, di siya mapakali mula sa pagkakaupo sa couch.

Tumayo na lang siya at inihanda ang pantulog na gagamitin ng kabiyak. Pagkatapos maihanda ay nagkalkal din siya sa maleta nya ng maisusuot.

"'Nak ng anu naman! Puro mga pang seksing damit ang nailagay ng mga  kaibigan ko sa maleta ko. Sila kasi ang naglagay. Dadaigin ko yata si RIHANA pag ganito ang isusuot ko. Sobrang nipis, kita na ang maseselang parte ng katawan ko sa mga damit na to eh..."

Nakaupo pa siya sa de carpet na sahig nung lumabas mula sa banyo ang asawa. Nanuot agad sa ilong nya ang sabong ginamit nito.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo, parang anlaki ng problema mo?" Tanung ni Marie sa namumulang kabiyak.

"Eh panu naman kasi, yong mga pantulog na nilagay nila sa maleta ko, nakakahiyang suotin."

"Patingin..."

Nahihiyang nilabas naman ni Shiela ang mga pantulog mula sa maleta.

Lihim namang napalunok si Marie pagkakita. Lalong seseksi ang asawa kapag yon ang isinuot. Pinagpawisan tuloy ito dahil di nya maiwasang mag imagine.

"O-okay naman yan hon. Saka bagay naman sayo. Y-yan nalang suotin mo, pantulog naman." Nauutal na sabi nya sa asawa.

"S-sige." Nakangiti pero nahihiyang sagot ni Shiela. Inayos rin nito ang susuoting pantulog saka pumasok na rin sa banyo. Nanginginig pa ang kamay nya habang nagsasabon.

All her life, wala pa siyang pinagbigayan na sarili. This will be her first time! Oh God, help me, hindi ko alam kung papanu simulan mamaya. Ako ba ang dapat na maunang mangalabit o siya? Anung sasabihin ko? "Hon Im ready na, yeeehooow....!" Ganun ba? o "Hon, take me now.... I can take it anymoreee...." pero parang malaswa.

Nabulabog ang pagmumuni muni nya nung makarinig siya ng mahinang katok.

"Hon, bakit ang tagal mo?"

Si Marie.

"H-ha!? Wait hon! P-patapos na ako...!"

Nakalimutan ko, natagalan na pala ako dahil sa kakaisip ng kung anu anu. Bahala na, this is it!

Pinunasan na ang katawan at isinuot ang manipis na pantulog. Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng banyo.

"H-hon, tapos na ako."

Umupo naman si Shiela sa kama at kunwaring pinapatuyo ang buhok gamit ang twalya.

"Ang bango mo hon.."

Lumapit sa kanya Marie saka siya niyakap at inamoy amoy. Nakikiliti naman si Shiela sa ginagawa ng asawa.

"Hon, nakikiliti ako.," Napapahagikhik na saway ni Shiela sa kabiyak.

"I cant wait hon, I want you now..."

Nagsitayuan ang balahibo ni Shiela, nagsimula na ring mag init ang kanyang katawan dahil  sa paghalik halik ng kabiyak sa kanyang leeg, pero parang nakaramdam sya ng kakaiba kaya napatayo siya.

"Bakit hon?" Napaangat naman ng tingin si Marie.

Napatingin naman si Shiela sa bandang inupuan nya kanina. Aww...! Bakit ngayon ka pa dumating?

Napatingin din si Shiela sa kanyang tinitingnan.

"Hon naman, bakit ngayon ka pa niregla!?"

dismayadong saad ni Marie sa kabiyak. Napatawa naman si Shiela dahil sa reaksyon ng asawa.

"Ganun talaga, di ko yon sinadya hon."Tawa tawang sagot ni Shiela.

"Oh my....." Napahaplos sa sariling buhok si Marie. "Grabeh! Halos one week din akong maghihintay...!."

_________end_________

--------♥♥♥---------

A/N: Maraming salamat po sa mga nagbasa ng kwentong ito.

Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}  (complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن