My Heart Remember You

1.1K 36 6
                                    

Paggising ni Shiela ay mukha ni Marie ang agad nyang nakita. Nakadukdok ito sa kama nya. Iginala nya ang paningin, nasa ospital siya. Nagflashback sa kaisipan nya ang mga nangyari, di nya maiwasang mapaiyak.

Nagising naman si Marie dahil sa mahinang paghikbi ng dalaga. Hinawakan nya ang kamay nito saka hinalikan.

"Bakit mo to ginagawa Marie, naalala mo na ba ako?"

Umiling bilang pagsagot si Marie. Lalong napaiyak ang dalaga.

"Sshh.... tahan na please.. Di ko kayang nakikita kang ganyan." pang aalo naman nito sa dalaga.

"bakit sabi mo di mo kayang nakikita ako na ganito?"

"ewan ko, basta nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan." nalilitong sagot ni Marie sa dalaga. "di ko maipaliwanag pero masaya ako kapag nakikita kita."

Dahil sa narinig ay akma sanang babangon ang dalaga para yakapin ito pero napahiyaw ito ng makaramdam ng kirot sa ulo. Agad naman itong inalalayan ni Marie.

"Nagkasugat ka sa ulo pagkabagsak mo sa sahig." paliwanag nito. "sana mapatawad mo si mama sa nagawa nya."

"di na importante sa akin yon, masaya ako na may nakikita akong concern mula sayo para sa akin." ani Shiela saka nito niyakap si Marie.

Di naman maipaliwanag ni Marie ang naramdaman nung niyakap sya ng dalaga. Ginantihan rin nya ito ng yakap. Napakasaya ng nararamdaman nya.

"Shiela, hindi ko alam pero sa twing nakikita kita, pakiramdam ko ay napakasaya ko. Gusto kitang protektahan sa mga umaapi sayo, sa mga magulang ko.

Di man kita makilala pero puso ko na ang nagdidikta para kilalanin ka. Nakalimutan siguro kita, di maalala. Pero ang puso ko, di rin nya maalala na limutin ka."

mangiyak ngiyak na si Marie habang nagsasalita. Muling nagyakapan ang magkasintahan.

"Marie, salamat at natunton ako ng puso mo. Patawarin mo ako dahil may kasalanan din ako sayo. Muntik na akong sumuko."

"Napatawad na kita, ramdam ko at alam ko na marami tayo pinagdaanan. Di kita masisi kung nagawa mo yon. Nagpunta dito ang mga magulang ko kaninang tulog ka pa. Kinuwento nila lahat ng totoong nangyari, nagsisisi sila sa ginawa nila sayo, sa relasyon natin. Mamaya babalik ulit sila para personal na humingi ng tawad sayo."

Muling napaiyak si Shiela dahil sa narinig. Di dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Sa wakas, wala ng hahadlang sa pagmamahalan nila ng kasintahan.

Hindi pa man bumabalik ang memorya ng kasintahan pero sapat na sa kanya. Na kahit wala pa itong maalala, ang importante puso nito ang nagdidikta.

^-^

-------end-------

Haha!

Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}  (complete)Where stories live. Discover now