Amnesia

1.2K 37 2
                                    

"Marie, Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita. Sana maniwala ka sa akin na ako ang kasintahan mo...!" umiiyak na sambit ni Shiela.

Isang buwan na ang nakaraan mula makalabas si Marie sa ospital. Binago naman ng magulang nito ang kwento.

Gulong-gulo naman si Marie kung sino ang paniniwalaan niya kung ang nagpakilalang magulang niya o ang babaing umiiyak ngaun sa harapan niya. Nakakaramdam sya ng awa para dito pero di na nya alam kung ano ang gagawin nya.  Ikinuwento rin nito ang dahilan kung bakit ito humihingi sa kanya ng tawad na siya ring dahilan daw ng kanyang pagkadisgrasya.

May ipinakilala ang mga magulang nito na babae at ito raw ang kasintahan nya. Si Arlene, mabait at malambing.

May ipinakita pa silang mga larawan  na nagpapatunay na talaga ngang kasintahan nya ito. Pero wala siyang makapa na anumang kakaibang maramdaman nya para kay Arlene kumpara sa nararamdaman nya kapag nakikita nya si Shiela.

Hinanapan din ng mga magulang nya kung may pruweba ang nagpapakilalang Shiela pero isang larawan lang na magkasama sila ang ipinakita nito pero kita nya  nyang napakasaya nilang dalawa sa larawan na iyon. Nagtanong pa siya kung merun pang ibang larawan pero ang sabi lang di na raw kailangan. Di nya maintindihan, gustong magpakilala pero bakit ayaw ipakita ang mga bagay na magpapaalala sa kanya.

"Wag kang maniwala sa kanya Marie." ang mama nya. " Matagal ka lang na hinahabol ng babaing yan!" duro pa nito sa babae. Napasabunot nalang si Marie sa sarili nitong buhok. Hindi na nya alam kung sino ang pakikinggan nya.

" Marie, pakiramdaman mo ako. Minahal mo ako at minahal din kita." Si Shiela

" ako ang mama mo Marie, Ako ang sundin mo.!" maawtoridad na boses ng ginang.

"Bakit po ninyo ito ginagawa sa amin? Ginawa ko naman po lahat para magustohan nyo ako para sa anak nyo.! Wala po ako naging kasalanan sa inyo.!" napalakas na ang boses ni Shiela.

Isang nakakabinging sampal naman ang isinagot ng ginang kay Shiela. Gulat na gulat naman si Marie sa nasaksihan. Ganun ba kalupit ang kanyang ina? Parang pinipiga ang puso nya kapag nakikita nyang nahihirapan si Shiela, parang di nya kayang makita na may umaapi dito. Nagsasabi kaya ng totoo ang dalaga? Ito nga ba ang kasintahan nya? Nasapo nya ang ulo dahil bigla ito sumakit.

Uuhhh!!napahiyaw na rin ito sa sakit.

"Anak ko!" lumapit naman kaagad ang ginang dito. "Anu bang nararamdaman mo?" haplos nito sa mukha ni Marie.

"b-bigla sumakit ang ulo ko.." sagot naman ni Marie na namimilipit pa sa sakit.

"M-marie.." lumapit din si Shiela.

" Umalis ka na dito at wag ka ng babalik kahit na kelan!!" taboy ng ginang sa dalaga.

" Ma, wag nyo naman sana tratuhin si Shiela ng ganyan. Wala naman po siyang kasalanan." saway ni Marie sa ina.

"Anung wala? Pinagpipilitan lang naman nya ang sarili nya sayo. Anak, sa amin ka makinig! wag kang makinig sa hampaslupang ito! Siya ang dahilan kaya ka nadisgrasya!"Panunulsol nito.  " Umalis kana!" baling ulit nito sa dalaga saka nito tinulak.

Dahil di naman inaasahan ng dalaga na itutulak sya ng ginang ay nawalan ito ng balanse kaya natumba ito sa sahig.

"Shiela!!" sigaw naman ni Marie pagkakita nyang may umagos na dugo mula sa ulo ni Shiela. Walang alinlangan nya itong binuhat at isinakay sa sasakyan para dalhin sa ospital, di na rin nya binigyang pansin ang pagsakit ng ulo.

Natuod at nanginginig naman ang ginang sa kinatatayuan. Di nya gustong pumatay! Gusto lang naman nya mapabuti ang anak nya!

^-^

thanks for reading;)

pasensya na po sa update, amfufu:(

Can't Remember to Forget You (GxG) {shortstory}  (complete)Where stories live. Discover now