Chapter 1: In trouble

19 1 1
                                    

"Fat ass!" my mother shouted, enough for everyone to hear.

I can feel the tears forming to fall on my eyes. No Shaira, you can't cry in front of her. You are strong. You are numb. That word isn't worth your tears.

"Mommy lower down your voice. Maririnig ka ni Bunso" I said with my sweetest voice. I act na para bang it's just a joke. Iniisip ko na lang nagbibiro siya. I will always be patient and understanding to her.

I know Im not the kind of daughter she wants since when my baby fats started to cover my whole body. Her ideal of sexy women from the magazines she reads, its not me. Im far from those sexy women who wear sexy dress and can reveal their ass.

Every time I prevent my tears from falling. I feel something stuck in my throat.
Do you feel the same?

Ngnitian ko yung mga maids namin, as a sign na okay lang ang lahat. Eventually, they continue their work. I release a heavy sigh, thoughts started running in my head. I feel exhausted already. Monday pa lang pero pakiramdam ko isang linggo na ang nakalipas sa isang oras ng pagwawala ni Mommy. It's a usual thing since noong naintindihan ko ang sitwasyon ni Mommy.

Ang dami ko pang gagawin pero hindi ko na magawa dahil sa pagaasikaso kay Mommy at sa kapatid ko. Good thing na holiday ngayon. It means na day off ko ngayon dapat sa pag-aalaga kay Mommy. Mukhang hindi yata. Sakto pang nasa bakasyon si Daddy at yung iba naming maid na nag-aalaga rin kay Mommy nasa kani-kanilang day off.

Yet, despite all of that, meron pa akong group project na pupuntahan. Gaya ng dati, ni-request ko sa mga kagroup ko na kung pwede bang sa bahay na lang namin gawin yung project. Para hindi makapanggulo si Mommy kinuha ko yung medicine niya para painom siya ng pampatulog. I panicked ng makita kong wala na pala siyang sleeping pills.

Tinawag ko lahat ng maids namin para sabihing may dadating na mga bisita. Nagsimula na silang maglinis ng bahay pero laking gulat ko ng makita kong nakasuot pang-alis si Mommy.

"Magsho-shopping lang ako. Ikaw na bahala sa kapatid mo"

"Pero hindi ka pwedeng umalis ng hindi ako kasama" I remind her but she just ignored me and passed me by na parang hangin lang akong nagsasalita. I grab her wrist para pigilan siya. Tiningnan ko yung mga maids at tumango lang sila. They know what to do.

She gave me a death glare. Her eye brow started to get higher than Mt. Everest. Crossed her arms. Its World War 3.

"How dare you?!" she shouted. Then, she ran to the door pero nakalock na lahat ng pwede niyang labasan. "Magwawala ako dito!" pananakot niya sa amin. She can't because if there's anything na mabasag niya si Daddy ang magiging kaharap niya.

"Do it" pang-aasar ko sa kanya. Sumalampak na siya sa sahig at umiyak na parang batang nagtatantrums. Sino ba naman kasing magsho-shopping ng nakashorts short at nakasee through na damit kita yung bra. Malamang pupunta lang siya ng bar ng kaibigan niya kahit tanghaling tapat.

I rolled my eyes, she's doing it again. Binuhat namin siya papunta ng kwarto niya. "If you don't stop shouting and acting like a child, I'll lock you up here in your room or if you want up there in the attic. Pumili ka" bigla siyang tumigil sa pagsigaw. Pero nilock ko pa rin siya sa kwarto niya. Bago pa man ako bumaba I made an agreement.

"If you're going to behave like a good daughter, like me, papayagan kita pumunta sa bar na yun." tumili siya bigla ng sinabi ko yung bar." But in one condition" tumigil yung tili niya.

"Para ka namang Nanay ko. Pero sige ano yung condition mo?"

"Isasama mo ako" matagal bago siya sumagot.

"Okay. But I also have one condition" aba gaya gaya lang.

"What is that?"

"Kapag nasa loob na tayo ng bar. Pretend that you don't know me. Like we're strangers." she said.

"Alright" I answered uncertainty. Tama ba itong ginawa kong agreement? Naku kapag may nangyari na masama kay Mommy lagot ako kay Daddy.


I waited for almost one hour just for her to prepared. Ano ba dapat suotin kapag nasa bar? Long gown? Mawawalan na ako ng pasensya kakahintay kay Mommy. Para naman kasing aattend ng masquerade itong si Mommy at napakatagal niya magpaganda.

"Mommy ang tagal mo naman!" sigaw ko mula sa baba ng bahay. Sana dinig niya hanggang kwarto niya. I waited again for 5 minutes. This time umakyat na ako sa kwarto niya at naabutan siyang naghahanap pa ng isusuot. Nagkalat sa kwarto yung mga damit niya. What do I expect from her?

May lumanding sa ulo ko na dress dahilan para sermonan ulit si Mommy. What a mess she made. She demanded that she need to change clothes dahil lang sa natuluan ng luha niya ito kanina. Gusto ko manggigil pero alam kong magsasayang lang ako ng energy kapag hindi ginawa yung gusto niya.

Tinulungan ko na siyang maghanap ng susuotin niya hanggang sa nagdecide siyang hindi na siya magpapalit ng damit. Ang saya, diba.

"We wasted two hours" I mumbled.


Pagkarating na pagkarating sa bar, agad siyang humiwalay sa akin at tumungo sa table kung nasaan yung mga kaibigan niyang mukhang kanina pang lango sa cocktail drinks. Hindi ko inihiwalay ang paningin ko kay Mommy. Nasa isang sulok lang ako na hindi masyadong maraming tao.

Isang oras na ang lumipas at nakaramdam ako ng ngawit kaya humanap ako ng mauupuan at sakto may bakante malapit sa kinaroroonan ni Mommy. Medyo madilim kaya hindi ako napansin ni Mommy na dumaan.

Mali nga lang ay nasilaw ako sa mga patay sindi na ilaw kaya naging malabo ang pangingin ko. Nagulantang ako ng may maupuan akong tao.

"Hindi ko alam na may tao pa lang nakahiga dito. Sorry" natataranta kong tumayo at tinulungan siyang umupo.

"No, don't be sorry. Kasalanan ko. Hindi naman dapat akong matulog dito" inangkin niya na kasalanan niya ang nangyari? Wow! Ngayon lang yata ako nakatagpo ng lalaki na umaako ng kasalanan. Sa bagay kasalanan rin naman niya. Malay ko bang natutulog siya dyan sa upuan.

Umayos siya ng upo at umusad para bigyan ng puwang ng mauupuan ang nangangalay kong mga binti. Medyo naghesitate pa akong umupo dahil hindi ako sanay ng may nagpakita ng pagiging gentleman sa akin ang isang lalaki. Pero sa totoo lang ang uncomfortable talaga kasi kalahati lang ng pwet ko yung nakaupo.

Dibale na.

"So what are you doing here?" he asked. Ano isasagot ko? Pumunta ako dito para bantayan ang Mommy kong may saltik?

" To observe" matipid kong sagot. I think I just made him even more confused. Baka naman isipin niyang secret agent ako. "I have a project," right Shaira you really have a project, and that is to watch your Mom and keep her away from trouble.

"Really? A project? Here in a bar?" he chuckled.

"What's wrong with that?," now Im the one whose asking.

"Wala naman. Ngayon lang ako nakaencounter ng estudyanteng pipiliin ang bar para sa isang project"

"Wala akong magagawa. I need to study the behavior of people when they're drunk," sige Shaira let's make him even more confused. You need to focus watching your mother and as long as possible keep her away in trouble.

"Teka, Anong year mo na ba?" pag-iiba niya ng usapan.

"Grade 12" mahina kong sagot.

"What?!" Medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin sa amin yung iba. "Shhh. Did they know that you're under age?" he whispered to me while he's head lowered.

"Hindi ba sila nagpapapasok ng kapag hindi 18 above?" nauutal kong tanong. Medyo pinagpapawisan na ako ng malagkit.

"Hindi mo ba alam? Paano ka nakapasok dito?" nagtataka niyang tanong. I'm cornered by this stranger guy.

Her Perfectly Imperfect FatKde žijí příběhy. Začni objevovat