Chapter 2: Dobol Trobol

19 1 0
                                    

Before I could answer his question biglang nawala sa peripheral vision ko si Mommy. Tumayo ako agad para hanapin siya. Hindi ko pinansin yung pagtawag ng lalaking gentleman na kausap ko kanina, mas importante na mahanap ko agad si Mommy. Nasaan na kaya siya? Wala siya sa dance floor. Kahit sa ladies room. O kahit saan na mga upuan sa bar.

This is a big problem.

Lalabas na sana ako ng bar ng biglang huminto yung maingay na music. At napalitan ng isang boses ng babae na kumakanta ng "Stupid Love". Nagwawala siya. She made her way into trouble, again.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makitang pinagkakaguluhan na siya ng mga lalaki. They're dancing around her body so close. Hanggang sa hindi ko na makita si Mommy at bumalik na ulit ang maingay na music.

Think straight, Shaira. Dont panick. Deep breath.

I look around, pumunta ako sa dance floor. Tinulak ko yung isang nakatalikod na lalaki. Nang makaharap na ito itinuro ko yung lalaking nasa likod ko. Ang bilis ng pangyayari, bigla niyang sinuntok yung lalaki at nagkaroon na ng gulo.

Nakipagbuno ang iba para awatin sila pero mukhang naging dobol trobol dahil maski ang umaawat ay napaaway na rin. Lumayo ako sa gulo para hindi malandingan ang mukha ko ng suntok. Nilibot ko ulit ang paningin ko at sa wakas nakita ko na rin si Mommy.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa kamay.

"You looked you have so much fun. That's enough, umuwi na tayo" I said with full command in my voice.

Hindi na rin ako nahirapan siya ayain pauwi dahil mukhang lango na lango siya at mukhang wasted. Huwag lang sana ako sukahan. We pass through the fighting crowd, salamat hindi kami nasuntok sa mukha.


Pagkauwi sa bahay, tinulungan ako ng mga maid na buhatin si Mommy paakyat sa kwarto niya sa itaas ng bahay. Nangangamoy suka na siya dahil pagkababa niya kanina sa kotse bumulwak na parang kumakawalang lava sa bunganga ng bulkan ang suka niya. Good thing malakas na ang sikmura ko sa ganiyan.

Nang ilapag na namin siya sa higaan niya, pinaalis ko na agad yung mga maid para matulog na sila at sinabing ako na ang bahala sa wasted na babaeng ito. Parang kapatid ko lang na nagrerebelde. I wish I have a sister but not like her. I undress her and bathed her. Pagkatapos, pinainom ko na pang siya ng water at gamot niya.

"Mom this is not poison. Remedy ito para sa hilo mo. Sige na, if you don't drink this, isusumbong kita kay Daddy" kinuha naman niya agad yung gamot at ininom ito. Phew! Akala ko mahihirapan na naman ako sa pagpapainom sa kanya ng gamot.

Everytime kasi na papainumin namin siya ng gamot, lagi niya itong tinatapon o di kaya kunwari nainom na niya. Minsan pa nga, tinapon niya yung medicine box niya sa malaking fountain sa labas ng bahay. Ang worst ng pinainom niya lahat ng gamot niya sa alaga niyang shitzu at namatay ito.

Hinintay ko lang siyang makatulog, after that pumunta na rin ako sa sarili kong kwarto. Kakaumpisa pa lang ng panibagong week pero andami ng ganap.

What else could happen next?


Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Bumangon na ako kahit sabi ng katawan ko, Shaira matulog ka pa. Kahit mahirap labanan tinalo ko pa rin ang antok at agad na dumeretso sa banyo para maghilamos.

I still have 3 hours bago ang start ng classes sa school. Bumaba ako papuntang kusina para magluto ng breakfast. I know how to cook kaya palagi kong inuunahan magluto yung talagang head cook namin. I cooked three sunny-side up, three strips of bacon, and two cups of fried rice.

I have a big stomach kaya kailangan ng heavy breakfast. Nang maihain ko na sa table ang breakfast ko, may narinig akong busina ng kotse. That's Daddy. Ang aga naman niyang umuwi. I thought hanggang next week pa ang bakasyon niya.

Her Perfectly Imperfect FatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon