Chapter 3:

10 1 0
                                    


Picture ng Mommy ni Shaira on the media.

♡♡♡

Humahangos kaming pumasok sa school ni Noreen. Medyo mabagal ang kilos niya dahil pagod siya sa biyahe, kung bakit kasi pinapasok ko siya agad eh. Nararamdam kong ang gulo na ng buhok ko at pwede na akong magbenta ng mantika, sa sobrang oily ng face ko. Tsaka ko lang narealize na mali pala ang tinatahak namin na daan ni Noreen. Disaster.

Kumaliwa ako patungo sa Director Office para alamin kung anong section sa Grade 9 si Noreen. Habang naglalakad, nananalangin ako na sana hindi si Ma'am Nene ang nandun ngayon. Naku makakalimutin pa naman yun. In my horror, siya nga ang nagbabantay ngayon doon.

Gusto ko na pong umiyak at matapos na agad ang araw na ito. It was a nightmare for me. It's a disaster. Ugly disaster. Yes, me, Im an ugly fat walking disaster.

Hindi naman ako naniniwala sa malas pero mukhang malapit na. Sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang aking kamay at pinunasan ng panyo ang nagmamantika kong mukha. Pumasok kami ni Noreen sa office at magalang na bumati sa nakakatanda. Lumapit ako sa table ni Maam Nene with my best smile.

Napangiwi ito na parang nandidiri sa mukha ko.

"Mukha kang aso na may crossbreed na baboy sa ngiti mo" biglang naglaho ang sweet smile ko at napalitan ng isang ngiting pilit na may halong inis, pagod at pikon.

Sabi nga nila gumalang sa nakatatanda. Mali rin ang kasabihan na iyan eh. Dapat igalang mo ang nakakabata para galangin ka ring nakakatanda. Ganyan dapat para fair. Kahit kailan talaga bastos ang bibig nitong si Maam Nene.

Kung nagtataka kayo, si Maam Nene ay isang matandang retired na guro. Pero kahit matanda na, Nene pa rin ang tawag sa kaniya. Sa kasamaang palad, hilig akong laitin ni Maam Nene. Kaya sa tuwing nakikita ko siya, kahit malayo pa siya sa akin, nagtatago na agad ako.

"Anong kailangan mo taba?" tawag niya sa akin ay taba.

"Ask ko lang po kung anong section ni Noreen Miyama? Transferee po siya"

"Good morning po!" masiglang bati ni Noreen. Ineksamina ni Maam Nene si Noreen mula Ulo hanggang paa. Panigurado hahanapan ng ipanglalait kay Noreen. After a few seconds, she looked away and focus on her job. Yes, that's right Maam Nene just focus on your job.

She slowly typing on keyboard. Myghad. How long will it takes? A year? Bakit ba kasi sila naghihire pa ng matanda eh. I look on my wristwatch, we're already 10 minutes late.

"Matagal pa po ba Maam?" inip kong tanong.

"Matutong maghintay, taba. Laging may tamang panahon sa lahat ng bagay" dinadamay pa si lola Inidora ba yun? Ewan ko. Die hard fan itong si Maam Nene ng Kalyeserye.

Keep your calm. Stand straight. Smile a little. Control your breath.

Tumingin ako kay Noreen na naghihitay sa tabi ko. Kalmado ang siya at parang may malalim na iniisip. Pagod lang siguro siya. I examine her face. Naghahanap kung may hawig ba sila ni daddy. Wala naman. Baka mas kamukha niya nanay niya.

"9-Resilience kay Sir Pogiding" sa wakas naman.

Inihatid ko muna siya sa room nila. Sakto na wala pa silang teacher kaya nahihiyang pumasok si Noreen. Oh please huwag mo na akong pahirapan. Masyadong marami ng naubos sa aking pasensya at baka sa iyo ito maubos.

" Promise mababait mga klasmate mo dyan. Hindi naman sila nangangain ng tao" pangkukumbinsi ko sa kanya.

Wala na akong nagawa kundi mag-isip ng way para makapasok ng room itong si Noreen. Kumatok ako at pinatawag ang class president nila. Lumabas ang isang mestisang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Perfectly Imperfect FatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon