-Someday 20-

374 12 0
                                    

-Izang-

"Izang puso una na kami sayo ha bakit ka ba kasi tulaley yan tuloy kailangan mo pang mag-overtime text me when your home para di ako mag-alala" Ge-em hurriedly leave ng tumango siya.

Di pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa rooftop. It was not the first time Finn Gabriel kiss her it was second already at laging pang-aabuso ang ginawa nito sa kanya.

She let go of the thought kailangan niyang matapos ang ginagawa niya maging dragon na naman ang head niya pag di niya matatapos ang ginagawa hanggang bukas.

After three hours of facing the computer ay nangangalay na ang batok niya at napahilot na siya sa batok sa sobrang ngalay.

She decided to get a coffee in the pantry kailangan niyang panatilihing bukas ang mata.

She was making her coffee when suddenly the lights off. Agad na nanlamig ang katawan niya sa takot. tangina si kuya Guard!!!

Masyadong madilim at parang sinasakal siya kahit sinanay niya ang mata niya ay wala talaga siyang maaninag na source of light.

Nabulag na ba ako?

Hinakbang niya ang kanyang paa at pilit na kinakapa ang harapan na maaring mahawakan niya. God! Ang hirap mabulag.

Pinikit na lamang niya ang mata habang minimemorize sa isip ang daan patungo sa table niya at nandun ang cellphone niya. Isasali ko na talaga ang mga bulag sa mga dasal ko.

Kinakapa niya ang bawat madaanan baka matisod pa siya, when his hands landed to a hard figure.

"What are you doing?" agad siyang napadilat at

"Ahhhhhhhhh! Multo!!" halos lumabas ang ngala ngala niya sa pagsigaw at napatalon sa gulat.

"Ang gwapo ko namang multo" ngumisi ito ng nakakaloko while wiggling his eyebrows. Namumungay ang mga mata nito at namumula ang mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" she immediately glared at him.

"Ako siguro ang may-ari?" she noted the sarcasm of his voice.

"Ewan ko sa'yo bat di mo tawagan ang sarili mo at itanong kung ikaw ba ang may-ari" opkors! Siya lang ba ang marunong.

Ngumusi naman ito na parang may binabalak na kamanyakan at humakbang palapit sa kanya. Agad niyang itinaas ang dalawang kamay.

"Hep! Hep! Wag kang lumapit di ka na sisikatan ng araw" pagbabanta niya rito.

naloko na nagtunog Fernando Poe ako.

Napahinto naman ito.

"Wag kang ngumisi mukha kang may rabies!" singhal niya rito.

Agad namang itinikom ni Finn ang bibig.

Naamoy niya na amoy alak ito kaya para masiguro ay lumapit siya rito at inamoy ito.

"Ganyan ba ako kagwapo Carizza at ikaw talaga ang nagpasyang lumapit?" his tone was full of tease na ikinairap naman niya.

"Asa ka! mukha ka ngang garapata eh, lasing ka bawal pumasok sa opisina na lasing termination ang parusa" nakapamaywang niyang sabi nito at medyo nakatingala pa.

"Sige bukas ipapatawag ko ang sarili ko at kausapin ito tungkol sa parusa na termination sa sarili kung kompanya" namulsa itong naglakad palapit sa swivel chair at pabagsak na umupo doon at hinilot ang sentido.

"Maybe, Someday"Où les histoires vivent. Découvrez maintenant