-Someday 41-

348 14 0
                                    

-Izang-

Four days ang nakalipas at comatose ang status ni Finn. Gabi gabi silang nagdadasal ng anak niya at walang araw siya na hindi siya pumunta sa simbahan at mag-alay ng dasal. Lagi din bumisita si chiD sa kanila ni Franco.

Masaya ang pamilya niya ng tumawag siya na uuwi sila.

Kinabukasan ay uuwi na sila nanatili parin na comatose si Finn.

"Bhe, wala ka bang balak bisitahin si Finn?" tanong ni Adi habang binisita sila nito.

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Bhe, baka pag magpakita ako doon ay ako naman ang ma comatose hate na hate ako ng kalahi mo bhe" malungkot niya na sabi.

"Baka, magising si Finn pag bisitahin mo bhe dahil sa tindi ng pgmamahal niya sayo." chiD said.

Napailing na lang siya.

Peru sa huli andito siya ngayon nakasuot ng pang nurse na costume at may mask sa mukha para di siya mamukhaan at si Adi ang may idea nito.

Di pala sila basta-basta makalusot sa I.C.U. na kinalalagyan ni Finn. Nasasaktan siya sa nakita niya ang Mommy ni Finn nandun at parang di natutulog, nandun din ang ibang pinsan nito.

Kasama niya si Adi at nanginginig ang tuhod niya.

Relax Izang! para di ka makalbo.

Dumeretso na siya habang si Adi ay nakipag-usap pa sa mga kaanak niya.

"Nurse..." napahinto siya dahil may tunawag sa kanya siya lang naman ag nurse na nandito na peke pa. Nang lingunin niya ito ay bahagyang nanlaki ang singkit niyang mata ng ang veterinarian sa isla ang tumawag sa kanya.

Mataman din siyang tinitigan nito.

"Macey.." mas lalo siyang nagulat at si Daiken ang nasa likod ng babae.

"Magseselos si Revo pag nakita ka niyang nakipag-usap sa mga nakaputo alam mo naman na may pagkashunga yung boyfriend mo ewan ko ba talaga sa inyo kung sino ang totoong girlfriend ni David ikaw o siya? Di siya makapag move on move on" agad na lumitaw ang mga puting ngipin ni Daiken, in his mischievous grin.

"Fuck you! Ford!" inis na nag martsa palayo ang babae at bumaling si Daiken sa kanya at kumindat.

Nakilala niya ako?

Dumeritso na siya sa loob at naglakad konti  hanggang nakita niya sa isang glass window si Finn na nakahiga at may mga apparatus na nakakabit sa katawan. The sight render her speechless and give her heartbreaks.

Nanghihina siyang lumapit sa pinto na nandun at pumasok.

Nang nakatayo na siya sa gilid ng kama ni Finn ay hinayaan niya ang pagtulo ng luha niya at tinanggal ang mask na suot.

May pasa ang lalaki sa mukha at may mga galos sa braso pati na rin sa mukha.

"Gabe ..."mahina niyang tawag  hinawakan niya ang kamay nito.

"Gumising ka na, marami kaming nag-aantay sayo na imulat mo ang napakaganda mong brown na mata, ang mga ngisi mo kapag nang-aasar ka at ang palagi mong pagkunot ng noo kapag naiinis ka na." di niya mapigilan ang pag ngiti kahit naiiyak na siya.

"I'm sorry, sa mga sinabi ko sayo that night di ko na mababawi iyon peru kasi di mo ako pinaliwanagan o siguro di rin ako makikinig sayo di ko alam. Sorry lang talaga ang magagawa ko" dinala niya ang kamay nito sa kanyang pisngi.

"Gusto ko sanang gimising ka, para ikaw mismo ang magpaliwanag sa akin. Di ko parin maintindihan eh biruin mo ginawa natin si Franco na tulog. Baka may ma-alala ka sabihan mo ako kasi ang weird talaga kaya gumising ka na please." tinitigan niya ang mukha nito at umaasang mumulat ito peru ilang segundo niyang hinintay ay wala parin.

"Maghihintay kami ni Franco sa paggising mo Finn." at yumukod siya at hinagkan ang noo nito.

Pinag-masdan niya pa muna ng ilang segundo ang lalaki bago nagpasyang tumalikod at umalis.

One week passed.

Nakatulala lang siya habang nakatingin sa kanal.

"Izang.." narandaman niyang may tumapik sa balikat niya.

"Kuya ikaw pala" umusog siya konti para makaupo ang kuya niya sa imbornal katabi niya.

"Izang, anong balak mo sa kanal at mariin kang nakatitig nito?" tanong nito sa kanya.

"Kuya lahat naman ng bagay nagawan ng paraan diba? tulad ng tubig na iyan na hanggang talapakan lang pag ilublub ko ang ilong ko jan at namatay ako lunod pa rin ba ang tawag?" tanong niya sa kapatid.

Tinitigan lang siya ni Blue na parang tinubuan siya ng talong sa noo.

"Ano ba ang problema mo simula ng dumating kayo ni Franco lagi ka nalang nakatitig jan sa kanal  di na ako magtataka kung isang araw magkamukha na kayo ng kanal" Blue said.

"Kuya masama ba akong tao?" seryoso niyang tanong sa kuya niya.

Blue let out a deep sigh.

"Alam ko minsan pasaway ka peru di niyon maialis ang katotohanan na kaya mong magsakrapisyo ng paulit ulit para sa mga mahal mo" naluluha siya agad sa sinabi ng Kuya niya at di siya umimik.

"Alam ko noong college ka lahat ng grades mo pasang-awa parang maiiyak ka na ata kung may dos ka di dahil mahina talaga ang utak mo kundi dahil nagtatrabaho ka para may maidagdag ka sa allowance mo na pinapadala sa amin. Ikaw ang pinaka responsable na taong nakilala ko." pinahid niya ang luha sa pisngi at humilig siya sa balikat ng kuya niya.

"Lagi mong tandaan hinding hindi ka namin pababayaan kasi sa amin ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin."

"Salamat Kuya..."

Ginulo lang ni Blue ang buhok niya at inaya na siyang pumasok sa maliit nila na bahay meron na rin maliit na tindahan ang Mama niya at nagtratrabaho naman bilang street sweeper ang kuya niya kahit hindi regular peru kahit papano may pagkakitaan naman.

Matagal na siyang walang trabaho simula ng magresign siya sa company ni Finn. At dahil sa pangungulet ni Izekaia noon ay ito ang nagbibigay ng pera para kay Franco.

Bilang ama nito ay hinayaan niya peru ayaw niyang tanggapin ang sobra gusto niya sakto lang at kahit abogado si Izekaia at lamang sa kanya sa arguemento ay nerespeto nito ang gusto niya si Franco lang ang may sustento.

"Ang pamilya ba ng ama ni Franco?" biglang tanong ng Kuya niya.

Di siya sumagot sa ngayon ayaw muna niyang ipapa alam sa pamilya niya, ayaw niyang mag-alala ang mga ito.

At araw-araw gumigising siya sa takot na baka may darating at kunin sa kanya si Franco.

At araw-araw natatakot siya sa maging balita na wala na si Finn.

Dahil alam niya sasabay ang puso niya sa pagkawala nito.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon