-Someday 45-

372 15 0
                                    

-Izang-

Nanlalaki ang mata niya at umawang ang labi niya sa nakita.

Finn was kneeling in front of her parents. Binihisan niya si Franco dahil aalis sila at mamasyal raw dahil maraming nagbebenta ng "ukay-ukay" sa plaza at may paperya si Mayor. Nang palabas na siya sa kwarto ay iyon ang nakita niya.

"Payagan nyo po sana na ipakilala ko ang sarili ko sa anak ko bilang ama niya" sabi ni Finn.

Pilit naman itong pinatayo ng Mama niya at nalukot ang mukha ng Papa niya at Kuya niya.

"Bakit ka lumuluhod? Di kami mga Poon" sabi naman ng Kuya niya.

Di parin tumayo si Finn

"Minsan  na din lumuhod si Carizza sa Mommy ko para sa anak ko, pakiramdam ko po wala po akong karapatan na basta na lang manghimasok sa buhay nila ng basta-basta nang wala man lang akong alam kung ano ang paghihirap nilang pinagdaanan." sabi ni Finn.

Lalabas sana siya para batukan ang lalaki peru naunahan siya ng Kuya niya.

"Ang daming mong alam". Sabi ng Kuya niya.

"Bakit mo naman binatukan anak pag magkabukol yan lagot tayo kay Izang" sabi ng Tatay niya.

Tumayo na si Finn.

Hinawakan nang Mama niya ang kamay nito.

"Anak, wag mo ng isipin ang panahong nasayang isipin mo nalang paano punan ang ang pagkakataon na iyon." sabi ng Mama niya. Muntik na siyang maluha ng dugo.

Ngumiti naman si Finn.

"Maraming salamat Mama, Papa Kuya"

Agad na di maipinta ang mukha ni Blue.

"Mayaman ka lang kaya ka mukhang bata, peru konti lang ang tinanda ko sayo kaya shattap!" sabi nito.

"Tayo na!" yaya niya sa lalaki.

"Yung pantalon ko mahal yan ingatan mo" sabi ng Kuya niya kay Finn.

"1000 bili ko niyan ingatan mo bayaran mo ng doble pag nagasgas" pahabol ng Kuya niya.

"Opo, Kuya" sagot ni Finn.

"Kinilabutan ako sa Kuya" sabi naman ng Kuya niya.

"Pasensya ka na sa pamilya ko" sabi niya nalang.

"I really enjoy my stay Carizza" nakangiti nitong sabi.

Pumara na sila ng tricycle at dahil bako bako ang daan at maputik kita niya ang pagkabahala sa mukha ni Finn. Ito ang may hawak kay Franco.

May sumakay pa sa likod ng tricycle na amoy putok sa kili-kili.

At alam niyang di na sila huminga ni Finn pasimple nitong tinakpan ang ilong ni Franco at hinila siya at isinubsub sa bandang leegan nito.

Demn! ang bango!

Nang humalo ang amoy ng putok na talagang putok na putok ay mas lalo niyang isinubsub ang mukha sa leeg nito.

Nang makababa

Huminga siya ng napakalaki.

"Sa wakas nakaraos din!" sabi niya.

"ang lakas ng pollution kanina lang" naiiling na sabi ni Finn peru natatawa ito.

"Okay ka lang?" nag-alala siya sa binata.

"Okay lang, baka wala na iyong putok nasinghot ko ata lahat" natatawa nitong sabi.

Matagal niyang tinitigan ang mukha nito

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon