-Someday 47-

396 12 2
                                    

-Izang-

Akala niya uuwi na ang mga ito peru nag inuman lang sila sa ilalim ng mangga. Peru napangiwi siya sa branded na iniinum ng mga ito.

Habang di niya mapigilan na di mahiya sa dalawang babae na naka-upo sa harapan niya si Franco at ang batang si Nicko ay pinatulog sa kwarto.

"Pasensya na walang aircon" hinging paumanhin niya.

"Okay lang iyon ano ka ba?" sabi ni Aleah.

Habang si Macey ay ngiting-ngiti sa kanya.

"Sabi ko na ba at bagay kayo! Kinikilig ako sa inyo"nakangiting sabi ni Macey.

"Di naman kayo nga ang parang artista nung lalaking katabi mo" komento niya.

"Si Revo? Boyfriend ko yun at patay na patay sa akin!" sabi naman nito at proud na proud.

"Ano kailan ang kasal?"Aleah asked excitedly.

"Hah? Kasal? Walang ganun!" uminit agad ang batok niya at pisngi.

"Hah? magsama lang kayo ng walang kasal aba di pwede iyon!" kunot na kunot ang noo ni Macey.

"Nagkakamali kayo wala naman sa usapan namin ang mga ganun" paliwanag niya sa dalawa.

"Huh? mabatukan nga ang lalaking iyon!" sabi ni Aleah at tumayo.

"Hon, e check ko lang si Nicko" sabi ni Tyrone.

"Babe, doon ka na ako na ang bahala kay Nicko parang taga limang minuto mo che check eh!" naiiling na sabi ni Aleah.

Nainggit tuloy siya sa sweetness nang mag-asawa.

Bigla na lamang dumungaw si Macey sa bintana at sumigaw.

"Revo!!! Di mo ba ako e chechek?! Kinagat ako ng langgam dito dala ng mag-asawa. " Macey said.

"Patayin mo na lang ang may dala nang langgam!" sigaw naman ni Revo pabalik. Padabog na naupo si Macey sa upuan.

Natatawa lang na ginulo ni Tyrone ang buhok nito.

"He is not David Mace na magkandarapa bawat sigaw mo!" umirap lang si Macey at itinoon ang tingin sa cellphone.

Ansabw ng patay na patay sa akin!

Kinagabihan may sayawan na nagaganap di parin umuwi ang mga bisita nila at di rin niya mahanap si Finn. Namomroblema na ang Nanay at Tatay niya saan ang mga ito patutulugin.

Sobrang liit lang ng bahay nila at mga mayayaman pa ang mga ito.

Maagang inaantok ang apat na bata dahil sa paglalaro.

Si Aleah at Tyrone ay doon matutulog sa maliit na kwarto ng magulang niya.

Si chiD, Adi, Macey, Red at Siya ay sa isang kwarto katabi niya si Franco.

At ang Nanay at Tatay niya ay sa maliit na tindahan nila. Kasya naman sila doon.

As of the boys sila na raw bahala sa buhay nila.

Pumunta sila sa sayawan dahil napilit siya ni Adi at Macey sumama parin si chiD peru bantay sarado si Miggy.

At tuwang tuwa naman ang lokaret na chiD.

Nagulat siya at di ordinaryong sayawan ang nadatnan nila mas bongga at sosyal ang naabutan nila.

"Bonggahan si Mayor ngayon" komento niya.

Ngumiti lang dalawa at umupo sa isang table.

Ginawan din ng fence ang basketball court na ginawang sayawan kaya di basta-basta nakakapasok ang mga lasing.

"Maybe, Someday"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon